Aryana, mas nauna pang kumanta kaysa magsalita!
October 29, 2006 | 12:00am
Maniniwala ba kayong si Aryana ay nauna pang matutong kumanta kaysa magsalita?
Tatlong taon pa lamang, hinangaan na siya sa kanyang pag-awit sa mga okasyong pampamilya. Noon pa man, alam na ng kanyang mga magulang at ibang kamag-anak na sisikat siya sa showbiz.
Ipinanganak sa Guam, isang seasoned performer na si Aryana noong 10 taong gulang siya. Madalas na siyang magtanghal sa mga civic at social functions. Isa na siya sa mga in-demand entertainers ng ibat ibang lugar sa Guam, kasama na sa Pinoy community doon.
Kaya naman noong magtungo siya sa Los Angeles, California, isa nang "beteranang" mang-aawit si Aryana. Pati ang arts community sa Los Angeles ay humanga sa kanya. Nakilala siya bilang gifted student sa LA University noong itampok siya bilang isa sa mga bida sa mga stage musicals na The Circle of Life at Singing In The Rain.
Nakagawa na rin siya ng mga CDs sa LA. Dalawa sa kanta niya ay ginamit sa hit TV series na Americas Next Top Models, hosted by Tyra Banks.
Pagbalik niya sa Guam, lumahok siya sa Guams Shining Star Idol competition at tinanghal na grand champion. Simula noon, nakilala na si Aryana bilang The Pride of Guam.
Sa live concert ni Jaya sa Guam at pati na sa show ni Jasmine Trias, hinangaan din si Aryana bilang front act artist. Doon siya unang napanood ni Geleen Eugenio, na nagkumbinse kay Aryana na pumunta sa Pilipinas. Syempre, ang dance director ang naging manager ng singer.
Naging mainstay agad si Aryana sa SOP ng GMA. Ang kanyang unang recording, "Bop It," ay isinama sa "Bop It" compilation album na naging double-platinum.
Para sa "Bop It," nagwagi si Aryana sa SOP Music Awards ng Maximum Dance Blast trophy.
Si Aryana ang naging lahok ng Pilipinas sa 8th Shanghai International Song Festival noong 2006, at nagkapalad naman siyang magwagi ng Silver (2nd prize). Pati ang kanyang composers na sina Vehnee at Popsi Saturno ay nanalo ng Best Song Award.
Noong isang taon din nailabas ang kanyang Christmas song na "Ako Ang Nauna (Bumati ng Merry Christmas)" with Buko Pie, isang singing puppet.
Sa wakas, lumabas na ang debut album na Aryana, na magkakaroon ng TV launch ngayong Linggo sa SOP. Tiyak na kakantahin niya ang carrier single ng CD, "Ulan."
Nakipag-duet siya kay Brenan Espartinez sa kantang "Muli" at sana kantahin din mamayang tanghali sa SOP.
Ang iba pang magagandang numbers sa Aryana album ay ang "Flying," "Love Me Tonight", "Babalik," "Suddenly Its Magic," "Where Do We Run," "Araw-Gabi," "Honesty" at ang paborito kong "Everybody Needs A Little Love".

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am