^

PSN Showbiz

Say, pinayagang mag-promote sa kalabang network

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Hindi natuloy ang scheduled first day shooting ni Dina Bonnevie sa Mano Po 5: Gua Ai Di kaya ‘di kami nagkaroon ng chance na pag-reakin ito sa tsikang ayaw niyang i-manage ng manager niyang si Arnold Vegafria si Rosanna Roces. Nasa Australia at nagti-taping ng Walang Kapalit ang actress nang lumabas ang isyung ito at for courtesy sake, gusto sana naming siya mismo at hindi ang manager ang sumagot sa isyu.

Natanong na namin si Arnold sa tsikang Dina-Rosanna at wala itong alam sa isyu. If ever daw na lalapit sa kanya si Osang para magpa-manage, si Lolit Solis at hindi si Dina ang kanyang tatanungin. Obvious na mas takot si Arnold kay Lolit kesa kay Dina.

Anyway, nag-comment na rin si Rosanna na ‘di niya kilala ng personal si Arnold and if ever, mag-active uli siya sa showbis, baka ibang manager ang lapitan at ‘di si Arnold.
* * *
Bago ang ayos ng buhok ni Robin Padilla nang dumalo sa 3rd Golden Screen Awards sa Pagcor Grand Theater ng Casino Filipino last Thursday. Ang Salon de Manila ang nag-style ng kanyang buhok na gagamitin sa Asian Treasures, ang show nila ni Angel Locsin sa GMA-7.

Nanalo si Robin na Best Actor in a Leading Role-Drama for La Vida Loca at bukod kay Tony Gloria ng Unitel at director Mark Meily, pinasalamatan niya si Sharon Cuneta na co-producer ng pelikula. Special mention din nito ang asawang si Liezel Sicangco na nag-iisa lang daw niyang asawa. Ibig bang sabihin, nakalimutan na niya ang marriage proposal niya kay Regine Velasquez?

Nagpo-promote na si Robin ng Asian Treasures na next year pa ang airing. Naurong naman sa November ang taping nito’t nagti-training pa sila ni Angel ng martial arts at fight scenes.
* * *
Nang kausap namin si Say Alonzo sa presscon ng Gigil, nag-wish itong madagdagan ang movie na gagawin niya sa Regal. Gusto raw niyang after Katrina Halili’s launching movie na showing sa November 22 at sa Zsa Zsa Zaturnnah Zee Mooveh na showing sa Metro Manila Film Festival sa December ay may iba pa siyang gawin.

Paborito na yata ni Mother Lily si Say dahil granted ang wish niya. Kasama siya sa cast ng Atang’s Family na si Joel Lamangan pa rin ang director. Malapit na ring simulan ang shooting nito, kaya tuluy-tuloy ang kanyang trabaho hanggang next year.

Natutuwa si Say dahil by working in Regal, nagkakaroon siya ng chance na maka-trabaho ang stars ng GMA-7. Aminado itong kinabahan siya nang malamang makakasama niya si Katrina dahil suplada ang dating nito sa kanya. Laking gulat daw niya dahil kalog ang sexy star at hanggang ngayon, lumalabas sila para mag-kape at mag-tsikahan.

Magpo-promote pala ng Gigil sa Ch. 7 si Say. Nagpaalam siya sa ABS-CBN at pinayagan kaya, baka nasa Eat Bulaga, Startalk at S-Files ito. Kabado ito sa pagtapak sa Siete at baka walang pumansin sa kanya. "Sana, matanggap ako ng mga Kapuso stars," wish nito.

ANG SALON

ANGEL LOCSIN

ARNOLD VEGAFRIA

ASIAN TREASURES

BEST ACTOR

CASINO FILIPINO

DINA

DINA BONNEVIE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with