Ara, hindi pag-aari ng GMA!
October 29, 2006 | 12:00am
Supposedly ay ka-join si Ms. Aiai delas Alas sa pelikulang Gua Ai Di (I Love You) Mano Po 5 ng Regal Entertainment, pero hindi natuloy dahil conflict sa taping ng fantaseryeng Super Inggo ang schedule ng shooting ng pelikula.
"Tuwing Tuesday, Thursday at Saturday ang gusto ni Mother, e, hindi naman ako pwede kaya hindi na ako natuloy pa. Okey lang, may movie pa naman akong gagawin sa Viva, yung sa amin nina Anne Curtis at Luis Manzano, Cute Ang Ina Mo," esplika ng comedy concert queen.
Hindi naman ito sequel ng Tanging Ina dahil magkaiba naman daw ang kwento at si direk Wenn Deramas uli ang director ni Aiai na malapit nang umpisahan.
"Dito muna ako sa Super Inggo, bisi-bisihan ako sa taping sa Tagaytay, at enjoy naman kasi puro bagets ang kasama ko, feeling ko bagets din ako kasi tawag sa akin Ate, tama ba yun? Sina Sarah Geronimo at Carlo Aquino, mama ang tawag sa akin sa Bituing Walang Ningning, sina Makisig (Morales) ate, kaya naloloka ako," natatawang banggit ng komedyana.
Ay, bertdey na pala ni Aiai at gusto niyang iselebra ito with a bang, "He, he, with a bang daw, oh? Actually, may show kasi ako sa Klownz Araneta, patulong naman sa November 10 at 17, ang title ng show ko Alas.
Special guests ni Aiai ang mga kapatid niya sa Backroom na sina Erik Santos, Rufa Mae Quinto at mga kaibigang sina Wally, Jose at Allan K.
Dapat daw ay sa malaking venue niya gustong gawin ang birthday concert, kaso, "Nakakatakot na, at saka hindi ako prepared, kinapos ako sa panahon sa rami ng ginawa ko, so next year na lang siguro ako maga-Araneta," katwiran niya.
Ngayong Linggo sa Your Song ay sina Kim Chiu at Mikee Lee ang bida at dito malalaman kung tanggap ng fans ni Kim na maiba naman ang leading man niya.
Bale suntok sa buwan ang pagtatambal nila ni Mikee Lee at hoping naman ang mga taga-Dos na mag-rate ito para naman may pamalit si Kim kay Gerald Anderson para hindi raw pagsawaan.
Samantala, may mga natanggap din kaming text messages na kung pwedeng itambal daw si Kim kay Hero Angeles instead of Sandara Park. Parang may dating daw kapag Hero at Kim dahil parehong cute.
Say naman namin ay parang masyadong bata si Kim for Hero na nag-mature na ngayon.
Wala palang exclusive contract si Ara Mina sa GMA-7 kaya pala anytime ay pwede siyang mag-guest sa ABS-CBN tulad noong nakaraang Linggo kung saan niya ini-launch ang 2nd single niyang "To Love Again" sa ASAP.
Mismong staff ng Siete pa ang nagkwento sa amin na napakaganda raw ng production number ni Ara sa ASAP last week dahil halatang binigyan daw ng importansiya ang sexy singer ng Sony BMG Records.
"Panalo ang production number ni Ara, kasama ang cover boys ng Star Magic, kaya lang, bakit dun siya, hindi sa SOP?" eksaktong say sa amin.
Tinanong namin si Ara tungkol dito at ang paliwanag niya, "Ay wala po akong exclusive contract sa GMA, per show lang po ang kontrata ko at saka ang Sony/BMG ang nakipag-negotiate sa ASAP regarding my album launching, hindi yata ma-accommodate sa SOP kasi marami na sila roon.
"Wala naman pong problema sa GMA kasi alam naman nila ang kontrata ko at saka alam po nila yung pagi-guest ko sa ABS anytime. Hindi naman conflict ang Bubble Gang at Family Zoo sa ASAP kaya okey talaga."
So, maliwanag na hindi pag-aari si Ara ng Siete at dalawang programa lang pala ang regular show niya.
Samantala, isi-celebrate ni Ara ang kanyang 15th year anniversary sa entertainment industry next year at sa Araneta Coliseum ito gaganapin sa pamamagitan ng major concert na talagang pinaghandaan ng dalaga dahil as early as June this year ay nakikipag-brainstorming na siya sa production people dahil kakaiba raw ang concept na gusto niya. REGGEE BONOAN
"Tuwing Tuesday, Thursday at Saturday ang gusto ni Mother, e, hindi naman ako pwede kaya hindi na ako natuloy pa. Okey lang, may movie pa naman akong gagawin sa Viva, yung sa amin nina Anne Curtis at Luis Manzano, Cute Ang Ina Mo," esplika ng comedy concert queen.
Hindi naman ito sequel ng Tanging Ina dahil magkaiba naman daw ang kwento at si direk Wenn Deramas uli ang director ni Aiai na malapit nang umpisahan.
"Dito muna ako sa Super Inggo, bisi-bisihan ako sa taping sa Tagaytay, at enjoy naman kasi puro bagets ang kasama ko, feeling ko bagets din ako kasi tawag sa akin Ate, tama ba yun? Sina Sarah Geronimo at Carlo Aquino, mama ang tawag sa akin sa Bituing Walang Ningning, sina Makisig (Morales) ate, kaya naloloka ako," natatawang banggit ng komedyana.
Ay, bertdey na pala ni Aiai at gusto niyang iselebra ito with a bang, "He, he, with a bang daw, oh? Actually, may show kasi ako sa Klownz Araneta, patulong naman sa November 10 at 17, ang title ng show ko Alas.
Special guests ni Aiai ang mga kapatid niya sa Backroom na sina Erik Santos, Rufa Mae Quinto at mga kaibigang sina Wally, Jose at Allan K.
Dapat daw ay sa malaking venue niya gustong gawin ang birthday concert, kaso, "Nakakatakot na, at saka hindi ako prepared, kinapos ako sa panahon sa rami ng ginawa ko, so next year na lang siguro ako maga-Araneta," katwiran niya.
Bale suntok sa buwan ang pagtatambal nila ni Mikee Lee at hoping naman ang mga taga-Dos na mag-rate ito para naman may pamalit si Kim kay Gerald Anderson para hindi raw pagsawaan.
Samantala, may mga natanggap din kaming text messages na kung pwedeng itambal daw si Kim kay Hero Angeles instead of Sandara Park. Parang may dating daw kapag Hero at Kim dahil parehong cute.
Say naman namin ay parang masyadong bata si Kim for Hero na nag-mature na ngayon.
Mismong staff ng Siete pa ang nagkwento sa amin na napakaganda raw ng production number ni Ara sa ASAP last week dahil halatang binigyan daw ng importansiya ang sexy singer ng Sony BMG Records.
"Panalo ang production number ni Ara, kasama ang cover boys ng Star Magic, kaya lang, bakit dun siya, hindi sa SOP?" eksaktong say sa amin.
Tinanong namin si Ara tungkol dito at ang paliwanag niya, "Ay wala po akong exclusive contract sa GMA, per show lang po ang kontrata ko at saka ang Sony/BMG ang nakipag-negotiate sa ASAP regarding my album launching, hindi yata ma-accommodate sa SOP kasi marami na sila roon.
"Wala naman pong problema sa GMA kasi alam naman nila ang kontrata ko at saka alam po nila yung pagi-guest ko sa ABS anytime. Hindi naman conflict ang Bubble Gang at Family Zoo sa ASAP kaya okey talaga."
So, maliwanag na hindi pag-aari si Ara ng Siete at dalawang programa lang pala ang regular show niya.
Samantala, isi-celebrate ni Ara ang kanyang 15th year anniversary sa entertainment industry next year at sa Araneta Coliseum ito gaganapin sa pamamagitan ng major concert na talagang pinaghandaan ng dalaga dahil as early as June this year ay nakikipag-brainstorming na siya sa production people dahil kakaiba raw ang concept na gusto niya. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am