^

PSN Showbiz

Aiai, hindi ipinagdadamot ang mga anak sa ibang anak ni Miguel Vera

-
Sa US na naninirahan ang ama ng dalawa sa tatlong anak ni Aiai delas Alas na si Miguel Vera. Nasa bansa ngayon ito, kasama ang asawa’t mga anak. Hindi naman nagkait si Aiai nang malaman niya na gustong makita ng mga anak ni Miguel ang dalawang anak nito sa kanya na sina Sofia at Shaun Nicolo. Wala na namang bad blood na namamagitan sa kanila ni Miguel ngayon at okay lang na magkakila-kilala ang magkakapatid. "Malalaki na sila," katwiran ng komedyante.

Samantala, may inihahandang b-day concert si Aiai sa Klownz Araneta sa Nob. 10 at 17 na pinamagatang Alas, referring to family, friends and fans na tinatawag niyang magic sa buhay, mga taong nagpasaya, nagbigay halaga at sumuporta sa kanya sa loob ng 42 taon.

To be directed by Floy Quintos, magiging guests sina Erik Santos, Rufa Mae Quinto, Wally, Jose at iba pang surprise guests.

Wish ni Aiai na magpatuloy lamang ang mga magagandang blessings sa buhay niya. Regalo niya sa sarili niya ang isang bagong bahay na nilipatan nilang mag-iina. "Gusto ko sanang magkaro’n ng sarili kong building balang araw," sabi niya.
* * *
Isang bonggang launching ang inihahanda ng Pureform Cosmetics and Goldware Essential Products Corporation, gumagawa ng mga Renew Placenta beauty products sa Linggo, Okt. 29, 5NH, sa Tutuban Center, Bonifacio Drive.

Bukod sa isang October midnight sale, magkakaro’n ng Fashionadigras 2006, A Salute to Women’s Pulchritude, isang fashion show na kung saan ay tampok si Pauleen Luna, ang bagong celebrity endorser ng Renew Placenta Herbal Beauty Products. Kasama rin si Rae Carrera, artist ng Galaxy Records, commercial & ramp model at endorser ng Renew Papaya Fruity Herbal Soap. Ang event ay iho-host ni DJ JC Baron at tatampukan pa rin ng mga beauty queens tulad nina Bb. Pilipinas World Carlene Aguilar, Miss Earth Philippines Genebelle Raagas, Ms. Philippines Fire Francis Dianne Cervantes, Ian Valdez, Closet Queens, All Male Dancers, EB Babes Finalists’ Naughty Girls, Von Arroyo of Pinoy Dream Academy. Hanni Miller, professional models Kathy Moya, Jenny Yu, Karina Zobel, Claudine Villanueva at Eli Nacuspag.

Produksyon ito ng RDH Entertainment Network at sa direksyon ni Richard Hiñola.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

A SALUTE

AIAI

ALL MALE DANCERS

BABES FINALISTS

CLAUDINE VILLANUEVA

CLOSET QUEENS

DREAM ACADEMY

ELI NACUSPAG

ENTERTAINMENT NETWORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with