^

PSN Showbiz

Luis, may kinalaman ba sa Jeremy/Alex break-up?

-
Type ba ni direk Joey Reyes ang Pinoy Dream Academy scholar na si Chad Peralta ng Australia?

Ito ang sangkaterbang tanong na natatanggap namin galing sa viewers ng PDA dahil pansin na pansin daw nilang kinikilig ang mataray na direktor kapag si Chad na ang nagpe-perform sa harapan niya.

Nung una rin ay napansin naming paboritong purihin ni direk Joey si Chad kumpara sa iba, in fairness ay mahusay naman talaga si Chad lately at naging star scholar pa for this week at bilang class president sa mga natitirang scholars na pasaway sa loob ng academy.

Kaya may I ask kami sa mga katsika naming staff ng Pinoy Dream Academy regarding direk Joey Reyes at ang say sa amin, ‘pansin na ba? Kami rin nagugulat kay direk Joey, nung una, dedma siya kay Chad, si Geoff ang dating crush ata, e, di ba nasisita niya kasing mahilig mag-falsetto, e, tsugi na, hayun si Chad naman ang type.

"Okey lang, at least nalilibang si direk kay Chad. Guwapo naman si Chad. Lalaking-lalaki ang dating."

Dagdag pa, "Halata namang nagpapa-cute si direk di ba? Aminin mo, maging isa sa juror last Saturday, type si Chad, mega-puri siya. Guess mo kung sinex?"

Hindi na namin babanggitin kung sino sa juror ang type si Chad kasi baka hindi na siya pumayag maging isa sa juror uli.

Anyway, abangan bukas, Sabado kung sino kina Michelle Bond, Iya Ginez, Irish Fullerton at Yvan Lambatan ang mamaalam na sa academy. *****

So, dahil sa mga selos-selos ay muling naghiwalay na sina Jeremy Marquez at Alessandra de Rossi?

Hindi eksaktong binanggit ng aktres sa kanyang recent interview sa nakaraang PMPC Star Awards for TV kung ano ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ng boyfriend niyang actor, ang say lang daw ni Alessandra, "Maski na wala siya sa tabi ko, masaya pa rin ako at maganda ang mundo ko."

Napansin na rin ni ‘Nay Lolit Solis, isa sa host ng Startalk last Saturday na hindi suot ni Alex ang singsing nila ni Jeremy at say niya ay hindi niya alam kung saan niya nailagay na hindi naman gaanong pinansin ng host dahil baka nga nagbibiro lang ang dalaga, yun na pala yun, break na sila ng anak ni Joey Marquez.

Pero ang katwiran naman ng aktres nung tanungin siya sa PMPC event tungkol sa singsing, "Hindi kasi match sa damit na suot ko kaya hindi ko siya gamit."

So, totoo kaya ang nasagap naming balita na may kinalaman si Luis Alandy sa paghihiwalay nina Alex at Jeremy? At na kay Roxanne Barcelo ba ang huling halakhak dahil more or less ay baka totoo nga ang bintang niyang nagkaroon ng relasyon ang dalawa? — Reggee Bonoan

vuukle comment

ALESSANDRA

ALEX

CHAD

CHAD PERALTA

DREAM ACADEMY

IRISH FULLERTON

IYA GINEZ

JOEY REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with