Nakikipag-pot session din ang pasaway na young actress
October 26, 2006 | 12:00am
Akala namin ay tumigil na sa pagiging pasaway ang young actress na ito na nanalo sa isang nationwide talent search. Pero ayon sa aking source, sumama ito sa isang pot session sa isang bar somewhere in Quezon City. Kasama rin daw nito ang isang comedy/actor na nali-link sa kanya. Ano kaya ang problema ng young actress na alaga pa naman ng isang malaking network?
Inamin ni Sandara Park na napapaiyak siya kapag may nababasa siyang article na nagsasabing laos na siya.
Mabuti na lang at may pelikula siyang SuperNoypi na kung saan ay nakakilala siya ng mga bagong kaibigan at itinuturing niyang best friend ngayong si Jennylyn Mercado.
Ratsada ngayon ang career ni Say Alonzo ng Pinoy Big Brother. Kasama ito sa ZsaZsa Zaturnnah at Gigil ng Regal. Mainstay din siya sa Super Inggo. Mas madali para sa kanya ang paglabas sa pelikula kaysa sa telebisyon.
"Kasi po sa TV, tatlong beses lang ang taping (TTHS) samantalang araw-araw ang showbiz. Sa pelikula, alam mo na ang mangyayari samantalang sa teleserye ay di mo alam kung ano ang magiging katapusan ng istorya," aniya.
May sexy scene din si Say sa Gigil kung saan magsusuot siya ng bikini. Mahilig siyang mangolekta ng mga swimsuit at ang pinakamahal niyang swimsuit ay umaabot sa P5,000.
Isang sikat na commercial model si Boom Antonio, nakilala sila ni Marianne Rivera sa Skyflakes commercial. Dating miyembro ng Thats Entertainment si Boom sa pangalang Anthony La Brusca at miyembro pa ng Magnificent 7 kasama si Isko Moreno at iba pa.
Nag-aral ito at nakatapos ng Business Management sa St. Benilde noong October 2003. Talent siya ngayon ni Direk Manny Valera.
Na-miss nito ang pagharap sa kamera kaya natutuwa at nakasama siya sa mga project ng Regal Entertainment gaya ng Gigil bilang unang boyfriend na tinakasan si Katrina Halili.
Enjoy si Boom sa dami ng komersyal gaya ng PLDT, KFC at marami pang iba kaya nakakaipon siya ng malaki-laking pera.
Isang kakaibang tagisan ng biritan ang magaganap sa Sis ngayong Biyernes. Aawitin ng mga paslit ang mga timeless duets gamit ang boses lalaki at babae nang sila lang mag-isa. Guest sina Brenan Espartinez, Michael Garcia, Pekto, Rita Itiringan, Pocholo Bismonte, Renzo Almario, Vanessa Rangadhol, Julie Anne San Jose at Jessica Reynoso.
Mabuti na lang at may pelikula siyang SuperNoypi na kung saan ay nakakilala siya ng mga bagong kaibigan at itinuturing niyang best friend ngayong si Jennylyn Mercado.
"Kasi po sa TV, tatlong beses lang ang taping (TTHS) samantalang araw-araw ang showbiz. Sa pelikula, alam mo na ang mangyayari samantalang sa teleserye ay di mo alam kung ano ang magiging katapusan ng istorya," aniya.
May sexy scene din si Say sa Gigil kung saan magsusuot siya ng bikini. Mahilig siyang mangolekta ng mga swimsuit at ang pinakamahal niyang swimsuit ay umaabot sa P5,000.
Nag-aral ito at nakatapos ng Business Management sa St. Benilde noong October 2003. Talent siya ngayon ni Direk Manny Valera.
Na-miss nito ang pagharap sa kamera kaya natutuwa at nakasama siya sa mga project ng Regal Entertainment gaya ng Gigil bilang unang boyfriend na tinakasan si Katrina Halili.
Enjoy si Boom sa dami ng komersyal gaya ng PLDT, KFC at marami pang iba kaya nakakaipon siya ng malaki-laking pera.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended