^

PSN Showbiz

Isa pang obra ni Brillante Mendoza

- Veronica R. Samio -
Dadalawa pa lamang ang nagagawang pelikula ni Dante Mendoza, kaya marahil hindi pa pamilyar ang pangalan niya sa mga manonood ng pelikulang Pilipino. Pero kapag binanggit mo na siya ang nag-direk ng Masahista, tiyak kilala ng lahat ang pelikulang ito. Bakit naman hindi eh, nagbigay ng maraming karangalan ang pelikulang ito sa bansa.

May pelikula na naman na ipalalabas si Dante Mendoza na prodyus ng Center Stage Productions, producer din ng Twilight Dancers na pinapanood pa rin ng marami sa kanyang ikatlong linggo ng pagpapalabas.

Ito ang Kaleldo, isang Pampango word for Summer. Palabas na ito simula sa Nob. 1. Istorya ng isang pamilya na ang panganay na anak ay isang lesbiana (Cherry Pie Picache).

Tatlo ang anak na babae ni Mang Rudy (Johnny Delgado) ang panganay na si Jess, ang bunsong si Grace (Juliana Palermo) na may problema sa kanyang asawang si Lauren Novero at ang gitnang anak na si Lourdes (Angel Aquino), kerida ng kanyang amo.

Mahigpit si Mang Rudy, naakit ito nang mag-uwi ng nobya (Criselda Volks) si Jess para mag-alaga sa kanya. Ito ang pinag-uugatan ng alitan ng pamilya.

Sinabi ni Dante na nakakuha na ng pitong awards ang kanyang pelikula kasama na ang best performer, film, prod. design/photography, editing, music at script. Nagkaro’n ito ng world premiere nung Okt. 13 sa Rome, Italy at lilibot ito sa mga filmfest sa abroad tulad ng Vienna, Hawaii at Cairo.

Isang advertising man si Dante bago siya nag-pelikula. Production designer siya ni Chito Roño sa mga pelikulang Takaw Tukso at Private Show. Ngayon, bukod sa pagdidirek ng pelikula ay nagdidirek din siya ng mga komersyal. Advertising ang kursong tinapos niya sa kolehiyo.

Pagkatapos ng Kaleldo ay ipalalabas ang isa pang pelikula na gawa niya ang Aeta Teacher, isang pelikula tungkol sa isang Aeta. Tinanggap na ito sa Tureen, Italy for competition. Andun na rin ito para i-translate sa Italian.

Walang major movie star dito, ang bida na lalabas dito isang authentic 13-yr. old Aeta na siyang nagturo sa kanyang mga magulang matapos siyang mag-graduate ng high school.
* * *
Nakikiramay nga pala ako sa pamilya nina Mon at Kai Confiado dahilan sa pagkamatay ng kanilang 94 taong gulang na ama, ang dating artistang si Angel Confiado.

Dating contract star ng LVN Pictures ang namatay at naging kasabayan niya sina Ruben Rustia, Chiquito at Eddie Garcia. Maraming beses siyang lumabas sa mga pelikula nina Ramon Revilla, Ramon Zamora at Rey Malonzo.

Naging Barangay chairman din ito sa loob ng 30 taon sa Sampaloc. Ito ang nagpauso ng pangingimbita ng mga artista tuwing fiesta.

Nakalagak ang labi ni Mang Angel sa St., Mark Chapel sa G. Tuazon, Sampaloc. Ngayong Huwebes, Okt. 26 ang libing nito.

Samantala, kahit nag-aasikaso sa burol ng kanyang ama, tinatapos pa rin ni Mon ang mga pelikulang Faces of Love ni Eddie Romero at Super Noypi ni Quark Henares.

Gaano kaya katotoo na nag-iisnaban kapag nagkikita sa burol ng ama ni Mon ang dati niyang girlfriend na si Ynez Veneracion at ang current girl ni Mon na si Juliana Palermo?
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

AETA

AETA TEACHER

ANGEL AQUINO

DANTE MENDOZA

JULIANA PALERMO

MANG RUDY

PELIKULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with