Dating aktres, laya na!
October 25, 2006 | 12:00am
Natutuwa ang mga kaibigan ni Deborah Sun (Jean Louise Porcuna Salvador) sa showbiz na nakalaya na rin ito sa wakas matapos niyang makulong ng halos isang taon pagkakakulong dahil sa kasong estafa na isinampa sa kanya noong 1987 ng kaibigang si Lorna Tolentino. Sa halip na harapin ang kaso, tumakas si Deborah patungong Amerika (New York) kung saan siya namalagi ng maraming taon.
Nang bumalik ng Pilipinas si Deborah, nahuli siya at siyay nakulong. Awang-awa si LT sa nangyari sa (dating) kaibigan at matagal na niya itong napatawad pero ang korte na ang nagdesisyon kaya walang nagawa si Deborah kundi ang pagdusahan ang kanyang kasalanan.
Nakalaya si Deborah nung nakaraang Biyernes at ang S-Files ang naka-exclusive ng coverage ng kanyang paglaya sa pangunguna ni Doc Gamboa. Nabigyan si Deborah ng conditional pardon.
Ngayong malaya na si Deborah, puwede na naman siyang magsimulang muli. Sanay hindi maging maramot sa kanya ang dati niyang mga kakilala at mga kasamahan sa trabaho lalo pat walang-wala talaga si Deborah ngayon.
Excited and at the same time kinakabahan si Katrina Halili habang papalapit na ang showing ng kanyang launching movie sa ilalim ng Regal Films, ang sexy romantic-comedy na Gigil na siya ring directorial debut ng mahusay na writer-scriptwriter na si Jun Lana. Magsisilbi rin itong unang pelikula ng ex-PBB housemate na si Say Alonzo kasama sina Alfred Vargas, Bianca King, Ketchup Eusebio, Gabb Drilon at kung saan naman ipinapakilala si Boom Antonio.
Samantala, klinaro ni Direk Jun Lana ang dahilan kung bakit siya nag-back out bilang director sa pelikulang Mano Po 5. Hindi na umano kaya ng kanyang load dahil bukod sa pagsusulat at pagdidirek ay marami siyang assignments sa GMA bilang creative consultant. Maayos naman daw niyang kinausap si Mother Lily Monteverde ng Regal Films kaya kinausap nito si Direk Joel Lamangan (original director ng Mano Po) na siyang magdirek ng Mano Po 5.
E-mail: [email protected]
Nang bumalik ng Pilipinas si Deborah, nahuli siya at siyay nakulong. Awang-awa si LT sa nangyari sa (dating) kaibigan at matagal na niya itong napatawad pero ang korte na ang nagdesisyon kaya walang nagawa si Deborah kundi ang pagdusahan ang kanyang kasalanan.
Nakalaya si Deborah nung nakaraang Biyernes at ang S-Files ang naka-exclusive ng coverage ng kanyang paglaya sa pangunguna ni Doc Gamboa. Nabigyan si Deborah ng conditional pardon.
Ngayong malaya na si Deborah, puwede na naman siyang magsimulang muli. Sanay hindi maging maramot sa kanya ang dati niyang mga kakilala at mga kasamahan sa trabaho lalo pat walang-wala talaga si Deborah ngayon.
Samantala, klinaro ni Direk Jun Lana ang dahilan kung bakit siya nag-back out bilang director sa pelikulang Mano Po 5. Hindi na umano kaya ng kanyang load dahil bukod sa pagsusulat at pagdidirek ay marami siyang assignments sa GMA bilang creative consultant. Maayos naman daw niyang kinausap si Mother Lily Monteverde ng Regal Films kaya kinausap nito si Direk Joel Lamangan (original director ng Mano Po) na siyang magdirek ng Mano Po 5.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended