Mark, ipagpapatuloy ang architecture course
October 24, 2006 | 12:00am
Dalawang kapatid na pala ni Mark Bautista ang napagtapos nito ng college. At hindi lang basta kung saang university pinagtapos ng Business Management course ang kapatid nito kundi sa Ateneo. At isa naman ay sa isang sikat ding school ng Culinary Arts. Meron pa rin siyang dalawang kapatid na pinag-aaral ng architecture at high school. Bukod sa napa-renovate na ang kanilang bahay sa Cagayan De Oro, mayroon na rin silang restaurant business doon sa probinsiya.
Hanggang ngayon ay nagha-hunting pa rin si Mark ng house and lot sa QC at sa halagang 2 to 3 million lang daw ang budget niya. Mas pinagtutuunan kasi ni Mark ang nabili niyang lupa sa Cagayan de Oro na gagawin niyang resort in the future dahil maganda raw ang place nila.
Balak din ni Mark ituloy ang naudlot niyang kursong architecture kung saan 3rd year college na ito nang huminto. At para hindi kalawangin ay tuloy pa rin si Mark sa kanyang pagdo-drawing.
Samantala, habang usung-uso ngayon ang mga revival, pawang mga OPM ang laman ng bagong ginagawang album ni Mark from Viva Records. Ipinaglalaban nga ni Mark na makasama sa album ang paborito niyang kantang "In My Time". Ihahabol ang album na ito sa pagpapalabas ng teleseryeng Sana Maulit Muli kung saan isa rin siya sa cast.
Busy din si Mark sa single nilang "Beh Buti Nga" ng Hotdog kung saan ka-duet niya si Anne Curtis sa nasabing single.
Bastat kwentong Joseph The Dreamer, hindi ako nagsasawang balik-balikan. Ibang comfort ang hatid nito sa akin, kaya nga Joseph ang pangalan ng anak kong lalaki. At sa mga hindi pa nakakapanood ng Joseph The Dreamer, pwede pa kayong humabol ngayong weekends ng November.
Hindi kayo bibiguin ni Franco Laurel at ang iba pa niyang kasama sa musical ng Joseph The Dreamer para maalala at maranasan ang forgiveness and healing message ng kuwentong ito.
"Singing is my passion," sabi ni Franco na wala pa ring kupas pagdating sa singing.
Feeling ni Franco, regalo sa kanya ang role bilang Joseph ngayong nagsi-celebrate siya ng 10th year sa kanyang career, kaya hindi siya nagdalawang isip nang ialok sa kanya ang project na ito.
Samantala, kahit si Franco ang taga-tikim ng mga pagkain sa restaurant business niya na Uva, physically fit pa rin ito. Regular ang workout niya at tuloy pa rin siya sa kanyang swimming kung saan una siyang nakilala at nakasabayan niya si Akiko Thompson isa ring swimmer champion.
Hanggang ngayon ay nagha-hunting pa rin si Mark ng house and lot sa QC at sa halagang 2 to 3 million lang daw ang budget niya. Mas pinagtutuunan kasi ni Mark ang nabili niyang lupa sa Cagayan de Oro na gagawin niyang resort in the future dahil maganda raw ang place nila.
Balak din ni Mark ituloy ang naudlot niyang kursong architecture kung saan 3rd year college na ito nang huminto. At para hindi kalawangin ay tuloy pa rin si Mark sa kanyang pagdo-drawing.
Samantala, habang usung-uso ngayon ang mga revival, pawang mga OPM ang laman ng bagong ginagawang album ni Mark from Viva Records. Ipinaglalaban nga ni Mark na makasama sa album ang paborito niyang kantang "In My Time". Ihahabol ang album na ito sa pagpapalabas ng teleseryeng Sana Maulit Muli kung saan isa rin siya sa cast.
Busy din si Mark sa single nilang "Beh Buti Nga" ng Hotdog kung saan ka-duet niya si Anne Curtis sa nasabing single.
Hindi kayo bibiguin ni Franco Laurel at ang iba pa niyang kasama sa musical ng Joseph The Dreamer para maalala at maranasan ang forgiveness and healing message ng kuwentong ito.
"Singing is my passion," sabi ni Franco na wala pa ring kupas pagdating sa singing.
Feeling ni Franco, regalo sa kanya ang role bilang Joseph ngayong nagsi-celebrate siya ng 10th year sa kanyang career, kaya hindi siya nagdalawang isip nang ialok sa kanya ang project na ito.
Samantala, kahit si Franco ang taga-tikim ng mga pagkain sa restaurant business niya na Uva, physically fit pa rin ito. Regular ang workout niya at tuloy pa rin siya sa kanyang swimming kung saan una siyang nakilala at nakasabayan niya si Akiko Thompson isa ring swimmer champion.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended