Psychiatrist natakot masira ang pangalan, TV host tinanggihan
October 24, 2006 | 12:00am
Ang kwento talaga, kusang lumalapit. Minsan hindi mo na kailangang hanapin, lalapitan ka.
Imagine, nasa gym lang naman ako at nagka-cardio nang lumapit ang isang friend kong trainor. Nai-excite pa siyang lumapit. "Uy alam mo ba yung TV host na controversial ngayon, tinanggihan ng psychiatrist na client ng friend ko. Makakasira raw kasi sa kanyang pangalan pag nagkataon," say ng friend kong trainor.
Kailangan daw kasing mag-undergo ng psychiatric test ang naturang TV host dahil sa kinakaharap nitong kaso, pero without any second thought nag-decline agad ang psychiatrist.
Base sa mga nasusulat at lumalabas na issue, talagang kailangang mag-undergo ng psychiatric test ang TV host na ito.
Another blind item about the TV host: Isang separate source ang nagkwento na P30,000 lang daw ang ibinayad ng kampo nito sa fiscal na humawak sa dalawang separate cases na isinampa sa kanya more than a year ago. As in ang mismong malapit na sa TV host ang nagkwento tungkol dito.
Grabe ang cheap na pala ng fiscal na yun. Babae pa naman siya.
Anyway, forgiven na ang ginawa ng fiscal dahil malamang matindi ang kanyang pangangailangan kaya raw pinagpalit niya ang kanyang prinsipyo at tungkulin sa halagang P30,000.
Marami pang mga kwento sa buhay ni Loren Legarda ang hindi nakasama sa kanyang libro na Loren Legarda: Her Legacy and Vision na sinulat ni Maria Rossa Nieva Carrion. Pero mas curious sana ang maraming babasa ng libro na malaman ang rason ng hiwalayan nila ng kanyang husband na si ex-Congressman Leviste.
To date kasi although walang official statement si ex-senator Loren common knowledge na hiwalay na sila ng husband niya almost two years now. Pero tahimik siya during the presscon na ibinigay sa kanya ni Mother Lily Monteverde.Ayaw niyang magsalita dahil definitely, sa Book 2 daw niya isasama ang nasabing kwento ng kanyang buhay. Kaya lang, ang tagal pa nang hihintayin natin. Kasi three years in the making ang Book 2 niya kaya more or less ay ganito rin katagal ang hihintayin natin. Eh ngayon eager ang karamihan na malaman ang rason ng kanilang separation.
Anyway, wala man ang nasabing chapter ng buhay ni Ms. Loren, marami kayong mababasa sa libro na ngayon lang niya isi-share.
Hindi lang puro sarap ang dinaanan niyang buhay. Galing lang siya sa ordinaryong pamilya sa Malabon. Kinailangan niya pa noong maging enterprising para lang makapagpatuloy ng pag-aaral.
Hindi siya ipinanganak na mayaman at pinaghirapan niya kung anuman ang narating niya.
Unexpected din ang pagiging endorser niya noon ng Close Up. For the record, siya ang kauna-unahang Close Up model. She recalled: "Cousin ko ang pinuntahan ng Walter Thompson sa compound namin. Nang makita ako, pinangiti ako at pumunta raw ako the following day sa office nila. So pumunta ako at yun na," she recalled.
Kaya lang sayang wala ang Close Up photo niya sa kanyang libro. Actually, hindi lang yun ang missing sa libro. Yung photo niya with Peter Jenning, among others ay hindi nakasama. Kaya nga nagkaroon agad sila ng idea na maglabas ng Book 2.
Hindi masyadong pang-masa ang presyo ng libro. Pero nakikipag-negotiate na siya na magpi-print sila ng maa-afford ng estudyante.
From My Inbox
Magandang araw po sa inyo at sa lahat ng bumubuo ng Pilipino Star Ngayon. Nais lamang po sana naming mga OFW dito sa Saudi Arabia na iparating sa pamunuan ng GMA ang tungkol sa hindi magandang reception ng GMA Pinoy TV. Nung magkaroon po ng GMA Pinoy TV dito, tuwang-tuwa po kaming mga OFW dahil sa wakas mapapanood na namin ang mga paborito naming mga programa. Ngunit ang hindi po namin inaasahan ay yung hindi magandang signal para po bang nanonood kami ng isang pirated na VCD. Imbes na masiyahan kami sa panonood ay sumasakit lamang ang aming ulo dahil sa di magandang reception.
Sana po ay maiparating ninyo ito sa pamunuan ng GMA. Hiling po namin na maayos po ang problemang ito. Maraming salamat po!
Mabuhay po kayo!
chito de guzman ([email protected])

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended