^

PSN Showbiz

Pops, iginawa ng kanta ng anak na si Robin

- Veronica R. Samio -
Ang ganda ni Pops Fernandez ngayon, bagay yung pouting lips niya. Siguro bagong gawa lang nun at namamaga pa kaya hindi magandang tingnan pero, ngayon, nagpapagandang lalo ito sa kanya.

Obviously, hindi pag-ibig ang nagpapaganda sa kanya, kahit pa sabihin niyang okay ang lovelife niya at walang nagbabago dito. Nagtatawagan pa rin sila ni Jomari Yllana at minsan ay nagkikita pa rin pero sabi niya ay hanggang dinner na lamang ang friendship nila. Takot siya sa mga seryoso at ultimate promises, lalo na kapag manggaling sa aktor na walang ipinangako sa kanya na di nito tinupad.

Enjoy sa buhay niya si Pops kaya siya maganda. Oo nga’t single siya pero, di siya malungkot at marami siyang trabaho.

Hindi sila gimikerong mag-iina, kapag libre ay nasa bahay lamang sila, nagkukwentuhan. "Maswerte ako sa mga anak, madali nilang naunawaan ang kalagayan namin ng kanilang ama at pati career namin ay naiintindihan nila," pagmamalaki ng concert queen na sa Dec. 11 ay may malaking concert sa Clowne Plaza bilang b-day celeb niya at sa Dec. 31 ay mayro’n siyang New Year’s show.

Twenty five years na sa showbiz si Pops at bilang selebrasyon nito ay naglabas ng "Silver" album niya ang Universal Records na nagtatampok ng 10 cuts, may originals ("Kung Malalaman Mo" at "You Said Goodbye" ni Vehnee Saturno; "Anong Sabi ng Puso Mo" Moy Ortiz/Edith Gallardo; "Mahal Kita Dahil Mahal Kita", Babsie Molina/Edith Gallardo; "Huwag Kang Mangako" Cecile Azarcon; Jim Brickman’s "By Heart"; Martin Nievera’s "Still In Love With You" at Robin Nievera’s "Friends"). Sa huling awitin na kinompos ng anak ni Pops, sila ring dalawa ang nag-duet dito. Nakita sa awitin ang kahusayan bilang composer ni Robin, ang kahusayan nito sa gitara at ang magagandang lyrics ng awiting ginawa niya.

May revivals din si Pops sa album ng "What I Did For Love", "Wrong For Me To Say I Love You" ni Pia Zadora, carrier song ng album.
* * *
Nakakatuwang panoorin yung isang episode ng 100% Pinoy (Miyerkules ng gabi, GMA) na kung saan itinampok yung mga koleksyon ng ilang mga Pinoy.

Naka-relate ako dahil nangungulekta rin ako. May koleksyon ako ng toy cameras, pabango, musical boxes, miniature shoes at angels. Concentrated ako sa dalawang huli dahil di ko naman mapagsasabay-sabay ang pangungulekta ng lima, meron at merong magsa-suffer.

Proud ako of my angel and shoe collections. Although maraming nangungulekta ng anghel yung sa akin, iba-iba. Meron ceramics, abaca, wood, paper, capiz, glass, paper mache, ayoko ng pare-pareho.

Yung shoe collection ko, ganundin, iba-iba pero meron akong pearl shoes. Meron talagang maliliit na kailangang tiyaniin mo para mahawakan, pero meron namang kasinglaki ng normal shoes pero di magagamit dahil babasagin. Maraming local pero, meron ding imported, courtesy of some friends na naalala ako kapag nasa abroad sila, like Kuya Germs. May Chinese, Japanese, Korean slippers ako, mayro’n ding Dutch, Indian, Arabian.

Ang sarap mag-collect, kaya lamang malaking pera rin ang kailangan. Di mo naman pwedeng iasa na lang ang koleksyon mo sa pasalubong ng mga kamag-anak at kaibigan, dahil di ka nila palaging maaalala.
* * *
E-mail: [email protected]

AKO

ANONG SABI

BABSIE MOLINA

BY HEART

CECILE AZARCON

CLOWNE PLAZA

EDITH GALLARDO

HUWAG KANG MANGAKO

JIM BRICKMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with