^

PSN Showbiz

Biktima nasa DSWD na…: TV host, nakabuntis ng katulong

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Gaano katotoo ang balitang may malalim na dahilan kung bakit nagkahiwalay ang TV host at ang kanyang asawa. Ayon sa source, nakabuntis daw ng katulong ang TV host na nasa pangangalaga na ngayon ng DSWD. Hindi kami makapaniwala kung totoo man ang balita dahil hindi ang klase ng kanyang personalidad ang makakabuntis lalupa at isa itong katulong. True nga kaya ito?

Ang TV host ay kabi-kabila ngayon ang kinakaharap na issue.
May Diskarte Sa Buhay
Naiintriga si Angelica Jones kung saan sinasabing komo wala itong project sa pelikula at telebisyon ay nagtitinda na lang ito ng mga pekeng bag at sapatos gaya ng Prada, Louis Vuitton at iba pa at may sarili itong stall sa tiangge sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Wala namang dapat ikahiya kung nagtitinda man si Angelica dahil katwiran nito ay gusto niyang kumita sa negosyo.

"Ang mga bag at sapatos ko ay galing ng Hongkong at Bangkok at nakakatuwa dahil marami akong customer ngayon. Ang iba’y nagtutungo pa sa aming bahay dahil ang iba kong paninda ay dun nakalagak. Mura lang ang mga ito at parang original ang mga bag at sapatos," aniya.

Tatahi-tahimik lang si Angie pero abala ito sa mga out-of-town shows sa Cebu at Davao. May pelikula ito na entry sa darating na Metro Manila Film Festival titled Enteng Kabisote 3 tampok si Vic Sotto.

Visible din ito sa mga TV guesting at marami pa ring produkto na iniindorso.

Natutuwa si Mommy Beth Jones dahil masipag ang kanyang anak at may diskarte sa buhay.

Kumusta naman ang kanyang lovelife?

Balitang may gusto sa kanya ngayon ang anak ng isang executive ng sikat at malaking network.
Show Ni Ali, One Year Na
Sinong mag-aakala na ang dati kong estudyanteng si Ali Sotto ay magiging sikat na celebrity? Nagtagumpay siya bilang host-mapa-telebisyon o mapa-radyo. Katunayan, mataas ang rating ng kanyang TV show na Ali sa ABC 5 na isang taon na ngayon.

Ngayong Martes, October 24 at 10PM ay magiging ispesyal ang episode kung saan pagsasama-samahin ang lahat ng interview ni Ali at mga kakaibang topic na nagdulot ng ingay at isyu, gayundin ang mga episodes na nagbigay saya at kumurot sa puso ng mga manonood.

Iba talaga ang hatak ng programang Ali.
Glaiza, Nominado Sa Star Awards
Swerte sa taong ito si Glaiza de Castro dahil mabilis siyang gumagawa ngayon ng pangalan. Kapag may mall show guesting ay tinitilian na siya ng mga kabataan.

Higit sa lahat, nominado siya sa darating na Star Awards for TV sa kategoryang Best Single Performance By An Actress para sa episode na Rosaryo sa Maalaala Mo Kaya .

Kasama pa rin ito sa Zsazsa Zaturnnah na filmfest entry ng Regal Films.

Pasasalamat: Mrs. Terra Daffon, Jemma Ronquillo at staff ng ABC 5 Corporate Affairs Department.

vuukle comment

ALI

ALI SOTTO

ANGELICA JONES

BEST SINGLE PERFORMANCE BY AN ACTRESS

CORPORATE AFFAIRS DEPARTMENT

ENTENG KABISOTE

GLAIZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with