A woman in a girls body
October 22, 2006 | 12:00am
Darating na sa ating bansa ang bagong teen pop sensation na si Katelyn Tarver, para sa promo tour ng kanyang "Wonderful Crazy" album mula sa Universal Records.
Simula maging finalist si Katelyn sa American Idol Juniors ay sumikat na siya sa buong US. Mahigit na 35 milyon ang nakapanood sa kanya sa toprating show.
Lumaki sa maliit na bayan ng Glenville, Georgia si Katelyn habang ang kanilang kabahayan ay punung-puno ng magandang musika. Ang kanyang ina ay choir soloist, samantalang ang kanyang ama ay isang mahusay na gitarista.
"There was always music in my life," sabi ni Katelyn. "The church, the house and always the car radio." Kayat bata pa si Katelyn ay natutuhan na niya ang tamang pag-awit ng pop music.
Na-develop na ni Katelyn ang kanyang sariling style na ang sabi ng mga kritiko ay, "The Heart and soul of a woman in the body of a young girl."
Kailangan pang maglakbay si Katelyn at ang kanyang mga magulang mula sa Georgia hanggang Tennessee, upang makapag-audition sa American Idol Juniors. Hindi makapagsalita ang mga hurado at producers ng show sa performance ni Katelyn. Sa unang pagsubok ay impressed agad sila kay Katelyn.
Pagkatapos ng American Idol, pumirma ng recording contract sa TC Records si Katelyn. Nagsimula ang paggawa niya ng album sa New York City at sa Los Angeles na ang mga producers ay siya rin gumawa ng mga plaka ng Backstreet Boys, Rod Stewart at Jessie McCartney.
Ang debut album na "Wonderful Crazy" ay available na sa ating bansa. Bukod sa husay ng kanyang performance, mapapansin din kung paano pumili ng mga kantang tunay na magaganda at may magandang mensahe ang mga lyrics.
Ang kanyang "Something In Me" ay magbibigay ng inspirasyon sa kanyang mga kapwa kabataan na nagtatanong kung saan sila patungo.
Sa "Ill Make It Real" nagbadya si Katelyn ng lakas ng katawan at pag-iisip at ang paniwala sa sariling kakayahan.
Ang title cut na "Wonderful Crazy" ay binigyan ng pagkakataon si Katelyn to let her hair down and rock out.
"Weve had lots of fund working on the album," kwento ni Katelyn. "Now I just cant wait to continue to sing and perform the songs infront of live audiences."
Sa Biyernes, Oktubre 27, nasa Mall of Asia siya. Sabado, Oktubre 28, ang kanyang palabas sa SM Megamall.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended