^

PSN Showbiz

Melanie, ipinalagay ang mukha sa lahat ng produkto ng New Placenta!

- Veronica R. Samio -
Hindi na malilito ang mga mamimili kung aling Placenta products ang ini-endorso ni Melanie Marquez. Meron kasing produkto na lumabas na may kaparehong tatak ng produkto na ini-endorso ng dating Miss International sa kumpanya na gumagawa nito na diumano’y ginugulo ng kanyang karibal na produkto, na dinadala rin ang kanyang pangalan, minarapat ni Melanie na ipalagay ang kanyang mukha sa lahat ang produkto ng New Placenta (dating Renew Placenta) na ginagawa at ipinamamahagi ng Psalmstre Enterprises na pinamumunuan naman ni G. Jim Acosta.

"Kung walang litrato ko, di ito ang New Placenta, yun lang para wala nang lituhan, at dapat gawa ng Psalmstre," pagdidiin ni Melanie na nairita na rin sapagkat pati siya ay ginagamit ng kumpanyang naglalabas ng produkto na may kaparehong pangalan.
* * *
Bibigyan ng tribute ng Cinemanila International Film Festival, Nobyembre 03-15, ang mga premyadong direktor na sina Lino Brocka, Ishmael Bernal at Eddie Romero. Kinakatawan ng mga nabanggit na direktor ang struggles and aspirations ng mga independent Filipino filmmakers sa kanilang pagsusumigasig na makuha ang paggalang at tangkilik ng global audience.

Sa nangyayaring "digital revolution", pabata nang pabata ang mga dumarating na filmmakers (Lav Diaz, Raya Martin, Jeffrey Jetturian to name a few) at lahat ay naglalayong ilagay ang bansa bilang isang major player sa world cinema.

Sa pamamagitan ng pagpapalabas ng ilan sa mga pelikula ng tatlo at pagtatampok sa kanila at kanilang mga obra maestra, inaasahan ng Cinemanila na maalala ang kanilang mga henyo.

Sa itinakdang mga gabi nila magsasama-sama ang mga artistang nakatrabaho nila. Magkakaro’n din ng exhibit ng kanilang memorabilia sa lobby ng NCAA.

Tema ng cinemanila Filmfest ay Buhay Na ang Global Pinoy Cinema na nasa patnugot ni direktor Tikoy Amable Aguiluz at mapapanood sa Greenbelt Cinemas sa Makati, SM Digital Cinemas sa Megamall, North Edsa at Mall of Asia at sa NCCA Auditorium, Intramuros, Manila. Katulong sa taong ito ang National Commission for Culture & Arts, Film Development Council, OPAC sa pakikipagtulungan ng DOT, DOF, Bureau of Customs, DepEd, CHED, TESDA, DFA at DTI.

Opening film ang The Science of Sleep (part French part English), script ni Michel Gondry, direktor ng Eternal Sunshine of the Spotless Mind: Sympathy for Lady Vengeance (Korea); Climates (Turkey-France) The Wind That Shakes the Barley ( UK-Germany-Italy-Spain-France-Ireland); Everlasting Regret (Me 2 (HK-China); It’s Only Talk (Japan); Vera Drake (UK-France-New Zealand); Kubrador (Philippines); Citizen Dog (Thailand); Heremias (Phlippines); The Sun (Russia).

Magsisilbing Chairman of the Jury in Digital Local Competition si G. Christian Jeune, Director of the Film Department & Deputy Artistic Delegate of the Cannes Film Festival.
* * *
[email protected]

BUHAY NA

BUREAU OF CUSTOMS

CHRISTIAN JEUNE

CINEMANILA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

CITIZEN DOG

DEPUTY ARTISTIC DELEGATE OF THE CANNES FILM FESTIVAL

DIGITAL CINEMAS

NEW PLACENTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with