Heart mas gusto na konti lang ang trabaho
October 21, 2006 | 12:00am
Wala na palang problema si Heart Evangelista sa kanyang mother. In fact, madalas daw siya nito ngayong padalhan ng pagkain sa kanyang condo. "Kahapon (last Wednesday), pinadalhan niya ako ng polvoron," she recalled. Common knowledge na matagal din ang naging problema ng aktres sa kanyang parents after niyang maging boyfriend si Jericho Rosales at magsarili siya.
Pero ang father daw niya, although walang diretsong sagot pero sabi ni Heart protective pa rin daw ito sa kanya.
Anyway, pinanindigan pala ni Heart ang hindi paggawa ng horror movie. As in, feeling niya mai-imbibe niya ang negative energy once na gumawa siya ng horror. Dalawang horror film ang tinanggihan niya Wag Kang Lilingon and another movie sa OctoArts Films.
At may dalawang teleserye na rin siyang inayawan sa ABS-CBN. Enjoy daw siya ngayon na kokonti ang ginagawa niya, nakakapag-aral siya at makaka-pag-record ng album kumpara noon na hindi na niya na-appreciate ang mga ginagawa niya dahil sa rami.
Gagawa rin siya ng album sa isang Australian record company, Gromic.
Tapos nag-launch pa siya ng Heart Can project, isang fund raising project sa mga may sakit na asthma tulad niya. Although yung sakit niya ngayon, hindi na gaanong umaatake dahil iwas na siya sa mga bagay na nakaka-trigger. Pero dahil non ay madalas siyang atakehin, expert na pala si Jericho sa mga first aid ng sakit niya.
Sa mga gustong mag-contribute sa Heart Can, ilalagay ang mga can sa lahat ng Penshoppe stores kung saan sila endorser at makikipag-negotiate pa sila sa ibang stores.
Speaking of Heart, ayaw nang pahabain ni Ms. Angeli Pangilinan-Valenciano ang issue sa kanila ni Ms. Wilma Galvante na naunang nagsabi na inilalako sa kanila ang dalawang talent ngayon ng Genesis Entertainment (referring to Jericho and Heart). Ayon kay Ms. Angeli, wala silang problema at nagkataon lang na nasa ABS-CBN ang loyalty ng dalawa niya ngayong alaga.
May offer naman kasi raw ang ABS-CBN kina Echo and Heart na tinanggihan lang ng dalawa dahil mas gusto ni Echo na mag-concentrate sa kanyang singing career and same with Heart.
Pero may naka-line up daw na project sa dalawa.
Isa sa mahalagang factor ng movie ang musika particular na pag horror ito. Kaya nga impressed kami sa mga kakaibang talent ni Jesse Lucas pagdating sa paglalapat ng musika. Actually, maraming pelikula na niya ang napanood natin na siya ang gumagawa ng music, pero hindi lang tayo aware na siya pala ang gumawa non.
Kaya naman nang mapanood ko ang pelikulang TXT starring Angel Locsin, Dennis Trillo and Oyo Sotto na dinirek ni Mike Tuviera sa review ng Cinema Evaluation Board (CEB) ay hindi na kami nagtaka na si Jesse pala ang lumikha ng impressive na music score para sa pelikula.
At sa horror, importante ang music tulad ng TXT kaya dapat na magaling talaga ang gagawa nito.
Im so glad na si Jesse Lucas ang pinili ng baguhang director na anak ng producer ng movie na si Tony Tuviera. Isa sa magandang aspect ng movie ang musical score na nag-add ng malaking factor para makakuha ng magandang review ang pelikula.
Kaya lang sobrang low profile itong si Jesse sa kabila ng kanyang maraming accomplishments. Marami-marami na siyang natanggap na award at pinaka-latest ay ang Best Music Score sa 2006 Los Angeles International Horror Film Festival para sa pelikulang Sigaw (The Echo) at kung hindi kami nagkakamali ay siya pa lang ang musical scorer na nakakuha ng interna- tional award.
Madalas kong makita si Jesse sa gym at very pleasant at sobrang humble, di mo sasabihing siya si Jesse na gumagawa ng music score sa malalaking pelikula. Wala rin siyang yabang sa katawan.
Kabilang sa achievements niya ang URIAN award para sa pelikulang Babae sa Breakwater ni Mario OHara. Kamakailan ay tumanggap din siya ng Maria Clara award para sa pelikulang Can This Be Love ng Star Cinema, proof na mapa-drama or horror or romantic comedy ay puwede si Jesse.
Sa TV, siya rin ang behind sa music ng pinakabagong soap ng Channel 2, ang Maging Sino Ka Man.
Salve V. Asis e-mail - [email protected]
Pero ang father daw niya, although walang diretsong sagot pero sabi ni Heart protective pa rin daw ito sa kanya.
Anyway, pinanindigan pala ni Heart ang hindi paggawa ng horror movie. As in, feeling niya mai-imbibe niya ang negative energy once na gumawa siya ng horror. Dalawang horror film ang tinanggihan niya Wag Kang Lilingon and another movie sa OctoArts Films.
At may dalawang teleserye na rin siyang inayawan sa ABS-CBN. Enjoy daw siya ngayon na kokonti ang ginagawa niya, nakakapag-aral siya at makaka-pag-record ng album kumpara noon na hindi na niya na-appreciate ang mga ginagawa niya dahil sa rami.
Gagawa rin siya ng album sa isang Australian record company, Gromic.
Tapos nag-launch pa siya ng Heart Can project, isang fund raising project sa mga may sakit na asthma tulad niya. Although yung sakit niya ngayon, hindi na gaanong umaatake dahil iwas na siya sa mga bagay na nakaka-trigger. Pero dahil non ay madalas siyang atakehin, expert na pala si Jericho sa mga first aid ng sakit niya.
Sa mga gustong mag-contribute sa Heart Can, ilalagay ang mga can sa lahat ng Penshoppe stores kung saan sila endorser at makikipag-negotiate pa sila sa ibang stores.
May offer naman kasi raw ang ABS-CBN kina Echo and Heart na tinanggihan lang ng dalawa dahil mas gusto ni Echo na mag-concentrate sa kanyang singing career and same with Heart.
Pero may naka-line up daw na project sa dalawa.
Kaya naman nang mapanood ko ang pelikulang TXT starring Angel Locsin, Dennis Trillo and Oyo Sotto na dinirek ni Mike Tuviera sa review ng Cinema Evaluation Board (CEB) ay hindi na kami nagtaka na si Jesse pala ang lumikha ng impressive na music score para sa pelikula.
At sa horror, importante ang music tulad ng TXT kaya dapat na magaling talaga ang gagawa nito.
Im so glad na si Jesse Lucas ang pinili ng baguhang director na anak ng producer ng movie na si Tony Tuviera. Isa sa magandang aspect ng movie ang musical score na nag-add ng malaking factor para makakuha ng magandang review ang pelikula.
Kaya lang sobrang low profile itong si Jesse sa kabila ng kanyang maraming accomplishments. Marami-marami na siyang natanggap na award at pinaka-latest ay ang Best Music Score sa 2006 Los Angeles International Horror Film Festival para sa pelikulang Sigaw (The Echo) at kung hindi kami nagkakamali ay siya pa lang ang musical scorer na nakakuha ng interna- tional award.
Madalas kong makita si Jesse sa gym at very pleasant at sobrang humble, di mo sasabihing siya si Jesse na gumagawa ng music score sa malalaking pelikula. Wala rin siyang yabang sa katawan.
Kabilang sa achievements niya ang URIAN award para sa pelikulang Babae sa Breakwater ni Mario OHara. Kamakailan ay tumanggap din siya ng Maria Clara award para sa pelikulang Can This Be Love ng Star Cinema, proof na mapa-drama or horror or romantic comedy ay puwede si Jesse.
Sa TV, siya rin ang behind sa music ng pinakabagong soap ng Channel 2, ang Maging Sino Ka Man.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended