^

PSN Showbiz

Natameme ang cellphone stalker ni Lara Morena!

- Veronica R. Samio -
Sa halip na paapekto sa napakaraming isyu na lumalabas tungkol sa kanya, hindi na lamang ito pinapanasin ni Lara Morena. Tama naman siya, ang mga ganitong negatibong bagay die a natural death.

Tulad nung cellphone stalker niya. Palagi siyang tini-text nito ng masama na may kakabit na four-letter word. Dumating sa punto na nainis na siya kaya sinagot niya ito ng text at nagsalita rin siya ng masama, nagulat siguro ang texter niya dahil mula nun ay tumigil na ito, di na siya ginambala.

"Masakit yung mga sinasabi niya. I’m not like that, I work hard for my money, I don’t do escort service. Ewan ko kung saan nanggagaling ang isyung yan. Do you think magtatrabaho pa ako kung totoo yun, hihiga na lang ako at maghihintay sa pagdating ng pera. But I’d rather work hard and produce show like Rated L:Guilty with Pleasure na magaganap sa Metro Bar sa October 27,

"I especially auditioned lahat ng kasali sa show. (Regine Tolentino, Aliya Martel, Alyssa Alano, Niño Alejandro, Lance Raymundo, Athena Soler, Musica Cristobal, Speed Dancers and the new batch of Viva Hot Men), if you notice lahat ng pangalan nila may letter "L"

"Excited ako about the show, pagagandahin ko ito. Opening number lang seven minutes na. I’ll be singing, dancing at sexy ako habang ginagawa ko ito. Live ang singing, hindi lipsynch, ha," pagmamalaki niya.

Bagaman at pinagtutuuanan ngayon ni Lara ang kanyang pagkanta, di siya humihindi sa mga acting offers. May gagawin siyang dalawang movies, isang digital at isa para sa Octo-Arts. Kung suswertihin, baka matuloy ang isang travel show na kung saan makaka-co-host niya ang isang male model from Hollywood.

Siyanga pala, ang Rated L: Guilty with Pleasure will be hosted by Alvin Anson, Pretty Trizha at Rey Pumaloy. Director si Egai Bautista.
* * *
Ang cute pala sa natural ng pinaka-huling PDA scholar na na-expel na si RJ (Ryan Jay) Jimenez. At hindi siya mayabang o suplado katulad ng impresyon ng maraming nakapanood sa kanya sa PDA. No wonder na-in love sa kanya si Yeng na sinabi niya na bagaman at wala pa silang seryosong relasyon ay pinaka-close sa mga co-scholars niya at hihintayin niya ang paglabas nito. O di ba nakakakilig?

Boyfriend material si RJ who at 23 has a degree in Electronics & Communications Engineering from UST. Naghihintay na lamang siyang makapag-board para ma-praktis niya ang pinag-aralan niya.

Unfortunate, baka matagalan pa ito dahil sa pagkakapasok niya sa PDA ay nagkaro’n siya ng magagandang oportunidad sa larangan ng showbiz.

Tumutugtog ng gitara at piano RJ, ang una ang ginagamit niya sa pagku-compose ng mga awitin na ang marami ay naring na habang nasa loob siya ng PDA/. Isa rito, ang paborit niyang "MIss Kita Pag Tuesday" ay nasa Top 10 na sa radyo.

Ipo-pursue ni RJ ang kanyang pagkanta pero, hindi sya tatanggi kapag may kumuha sa kanyang mag-artista.
* * *
Sina Jose Manalo at Wally Bayola ang tampok ngayong gabi sa Zirkoh Greenhills with Pekto and Belly Flores sa palabas na pinamagatang Pakners...Asar-Talo.

Sa Klownz Angeles naman andun sina Jimmy Santos, Paolo Ballesteros, Keempee de Leon at at mga Mr. Pogi na sina Edgar, Mark at Ryan. Tawag na sa 3748270/09178109394.
* * *
[email protected]

vuukle comment

ALIYA MARTEL

ALVIN ANSON

ALYSSA ALANO

ATHENA SOLER

BUT I

COMMUNICATIONS ENGINEERING

NIYA

RATED L

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with