Erik alam ang issue ng gamitan nila ni Rufa Mae
October 19, 2006 | 12:00am
Aware naman pala si Erik Santos sa issue ng gamitan sa kanila ni Rufa Mae Quinto. In fact, kahit nag-volunteer si Rufa Mae na maki-duet sa kanya para sa latest album niya sa Star Records, Erik Santos...Your Love, hindi siya pumayag na makipag-duet.
"Seryoso kasi ang album ko," sabi ni Erik na nakatawa.
Instead, si Kyla ang naka-duet niya sa album para sa kantang "Parting Time."
Compilation ang nasabing album ng mga love songs na pinasikat ng mga banda during the 90s.
By the way, worth P300,000 ang regalong ibinigay ni Rufa Mae kay Erik last birthday nito (Cartier watch) na suot ni Erik sa presscon cum launching ng kanyang album.
Nabenta ng Viva Films ang digital film nilang Illusion sa CJ Entertainment ng Korea. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng ganitong deal para sa Tagalog film sa Korea. Ayon sa report, bahagi ito ng initiative ng Korea na tulungan ang movie industry ng bansa. Ayon kay Mr. Vincent del Rosario sa isang interview ng Variety last Oct. 17, "Its a big breakthrough for us in this market, which has been closed to Philippine films until now."
Kasama ang Viva sa nagbebenta ng local films sa ginaganap na 11th Pusan International Film Festival and 1st Asian Market.
Ang iba pang movie na nag-participate sa 11th Pusan International Film Festival and 1st Asian Market ay ang Co-Ed Scandal, Donsol, Agent X44 starring Vhong Navarro, Tulad ng Dati, Kubrado.
Anyway, ang Film Development Council of the Philippines Chairman Jacky Atienza and International Film Festival Committee Chairman Christine Dayrit lead the Philippine delegation sa Asian Film Marketsa Korea na nag-start last October 14 at ngayong araw naka-schedule matapos..
Kasama ng delegation sina Direk Joyce Bernal, Cinemanila head Tikoy Aguiluz, Rep. Gilbert Remulla, Viva Films Vincent del Rosario, Adolf Alix among others.
Gabi ni Donna Villa ang ginanap na Maria Clara Awards night last weekend. At ngayon ko lang nalaman na ika-155th anniversary na pala ito ng Maria Clara na ang founder ay ang national artist na si Dr. Alejandro Roces.
Si Ms. Donna kasi ang tumanggap ng Dr. Jose Perez Memorial Award para sa kanyang kakaibang achievement bilang box-office film producer, pagiging star builder and job provider na rin with exemplary vision sa local cinema na exemplefied ng the late Dr. Jose Perez.
Bukod sa nasabing award, siya rin ang napiling star of the night ng Maria Clara. Pero mas very thankful siya sa Dr. Perez award. "Hindi ko expected na this early, makukuha ko ang Dr. Perez award. Malaking karangalan ito sa akin lalo pa at national artist ang nag-abot ng award sa akin (si Mr. Alejandro Roces na Ramon Magsaysay awardee din)," recalled Ms. Donna.
Actually, deserving si Ms. Donna sa nasabing award. In fact, long overdue na ito. Since pumasok siya sa showbiz, kakainggit na ang achievements niya. In fairness, hindi lang career niya kundi sa family life ka-partner ang mega-director na si Direk Carlo Caparas ang mako-consider na major achievement niya.
Imagine super successful ang film outfit nilang mag-asawa, may dalawa siyang magagandang anak, glamorosa, mayaman, matalino at nice person. May kulang pa nga ba sa isang Donna Villa?
Anyway, busy ngayon sina Donna and Direk Carlo sa mga project na gagawin nila sa GMA 7 and ABS-CBN. On going sa GMA ang Bakekang.
Never naman palang nag-offer ang GMA 7 sa mag-dyowang Jericho Rosales and Heart Evangelista at lalong hindi pina-pirate ng GMA ang dalawa. Mismong si Ms. Wilma Galvante na ang nagkuwento tungkol sa maraming issue tungkol sa sinasabing paglipat ng dalawa.
In fact, ang manager daw nina Echo and Heart na si Ms. Angeli Pangilinan ang naglalako sa GMA sa dalawa, dahil si Ms. Angeli raw ang nag-text sa kanya na hawak na niya sina Echo and Heart at puwede na ito sa GMA. So ang unang question daw ni Ms. Wilma ay kung wala na bang sabit in case na bigyan nila ng project ang mag-dyowa. Pero hindi raw makasagot ng diretso si Ms. Angeli. Ang parati raw sagot ay manghihingi muna siya ng sign from the Lord. True enough, binigyan ng sign si Ms. Angeli ng sign, a NO sign. So don natapos ang kuwento.
Although open sana ang GMA sa idea na bigyan ng show ang dalawa dahil naniniwala naman si Ms. Wilma na parehong magaling na artista sina Jericho and Heart.
Ms. Wilma also emphasized na never silang nag-pirate. Kung marami mang taga-ABS-CBN na artista nila ngayon, lahat daw yun ay lumipat sa kanila at hindi pirate.
By the way, naka-tsika nga pala namin si Ms. Wilma sa victory party ng GMA Films para sa pelikula nilang Till I Met You starring Robin Padilla and Regine Velasquez.
Medyo natagalan kasing dumating sina Robin at Regine kaya naki-tsika na lang kami kay Ms. Wilma.
Nakuwento rin ni Ms. Wilma na nakikipaghabulan na sa kita ng Moments of Love ang kita ng Till I Met You. Ang Moments of Love ang highest gross ng GMA Films to date.
Anyway, hindi na namin nahintay sina Regine and Robin. Pero balitang naunang dumating si Robin at sinundo nito si Regine sa taping ng Pinoy Pop Superstar. Pero sandali lang daw ang dalawa at hindi na gaanong nakitsika sa nag-attend sa victory party.
By the way, ngayon araw naka-schedule magkaroon ng pocket interview si Heart and hopefully, sagutin niya ang lahat ng issue.
Salve V. Asis e-mail - [email protected]
"Seryoso kasi ang album ko," sabi ni Erik na nakatawa.
Instead, si Kyla ang naka-duet niya sa album para sa kantang "Parting Time."
Compilation ang nasabing album ng mga love songs na pinasikat ng mga banda during the 90s.
By the way, worth P300,000 ang regalong ibinigay ni Rufa Mae kay Erik last birthday nito (Cartier watch) na suot ni Erik sa presscon cum launching ng kanyang album.
Kasama ang Viva sa nagbebenta ng local films sa ginaganap na 11th Pusan International Film Festival and 1st Asian Market.
Ang iba pang movie na nag-participate sa 11th Pusan International Film Festival and 1st Asian Market ay ang Co-Ed Scandal, Donsol, Agent X44 starring Vhong Navarro, Tulad ng Dati, Kubrado.
Anyway, ang Film Development Council of the Philippines Chairman Jacky Atienza and International Film Festival Committee Chairman Christine Dayrit lead the Philippine delegation sa Asian Film Marketsa Korea na nag-start last October 14 at ngayong araw naka-schedule matapos..
Kasama ng delegation sina Direk Joyce Bernal, Cinemanila head Tikoy Aguiluz, Rep. Gilbert Remulla, Viva Films Vincent del Rosario, Adolf Alix among others.
Si Ms. Donna kasi ang tumanggap ng Dr. Jose Perez Memorial Award para sa kanyang kakaibang achievement bilang box-office film producer, pagiging star builder and job provider na rin with exemplary vision sa local cinema na exemplefied ng the late Dr. Jose Perez.
Bukod sa nasabing award, siya rin ang napiling star of the night ng Maria Clara. Pero mas very thankful siya sa Dr. Perez award. "Hindi ko expected na this early, makukuha ko ang Dr. Perez award. Malaking karangalan ito sa akin lalo pa at national artist ang nag-abot ng award sa akin (si Mr. Alejandro Roces na Ramon Magsaysay awardee din)," recalled Ms. Donna.
Actually, deserving si Ms. Donna sa nasabing award. In fact, long overdue na ito. Since pumasok siya sa showbiz, kakainggit na ang achievements niya. In fairness, hindi lang career niya kundi sa family life ka-partner ang mega-director na si Direk Carlo Caparas ang mako-consider na major achievement niya.
Imagine super successful ang film outfit nilang mag-asawa, may dalawa siyang magagandang anak, glamorosa, mayaman, matalino at nice person. May kulang pa nga ba sa isang Donna Villa?
Anyway, busy ngayon sina Donna and Direk Carlo sa mga project na gagawin nila sa GMA 7 and ABS-CBN. On going sa GMA ang Bakekang.
In fact, ang manager daw nina Echo and Heart na si Ms. Angeli Pangilinan ang naglalako sa GMA sa dalawa, dahil si Ms. Angeli raw ang nag-text sa kanya na hawak na niya sina Echo and Heart at puwede na ito sa GMA. So ang unang question daw ni Ms. Wilma ay kung wala na bang sabit in case na bigyan nila ng project ang mag-dyowa. Pero hindi raw makasagot ng diretso si Ms. Angeli. Ang parati raw sagot ay manghihingi muna siya ng sign from the Lord. True enough, binigyan ng sign si Ms. Angeli ng sign, a NO sign. So don natapos ang kuwento.
Although open sana ang GMA sa idea na bigyan ng show ang dalawa dahil naniniwala naman si Ms. Wilma na parehong magaling na artista sina Jericho and Heart.
Ms. Wilma also emphasized na never silang nag-pirate. Kung marami mang taga-ABS-CBN na artista nila ngayon, lahat daw yun ay lumipat sa kanila at hindi pirate.
By the way, naka-tsika nga pala namin si Ms. Wilma sa victory party ng GMA Films para sa pelikula nilang Till I Met You starring Robin Padilla and Regine Velasquez.
Medyo natagalan kasing dumating sina Robin at Regine kaya naki-tsika na lang kami kay Ms. Wilma.
Nakuwento rin ni Ms. Wilma na nakikipaghabulan na sa kita ng Moments of Love ang kita ng Till I Met You. Ang Moments of Love ang highest gross ng GMA Films to date.
Anyway, hindi na namin nahintay sina Regine and Robin. Pero balitang naunang dumating si Robin at sinundo nito si Regine sa taping ng Pinoy Pop Superstar. Pero sandali lang daw ang dalawa at hindi na gaanong nakitsika sa nag-attend sa victory party.
By the way, ngayon araw naka-schedule magkaroon ng pocket interview si Heart and hopefully, sagutin niya ang lahat ng issue.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended