Alin ang mas nakakatakot, Barang ng Northern Star o ang TXT ng APT/Regal?
October 19, 2006 | 12:00am
Bawal sa akin ang manood ng pelikulang nakakapagpabilis ng tibok ng aking puso pero, hindi maiiwasan ito sa aking trabaho. Ang ginagawa ko na lamang, bago ako pumasok ng sinehan, umiinom muna ako ng gamot. Ganito ang ginawa ko nang dalawang magkasunod na araw akong nanood ng Barang na dinirek ni Neil Buboy Tan at TXT ni Michael Tuviera.
May bentahe ang TXT dahil alam ako na agad na rated A ito kaya mataas ang expectations ko, lalot isa ito sa mga pelikulang horror na may pinaka-magandang trailer. Hindi pinalad ang Barang na mabigyan ng ganitong rating na tungkol sa misteryong bumabalot sa kamatayan ng isang probinsyana na si Igna (Juliana Palermo) na namatay sa kamay ng isang mambabarang (Liza Lorena).
Isang love triangle naman ang TXT na ang isa sa dalawang lalaki na may gusto kay Angel Locsin, ang selosong boyfriend niyang si Roman (Oyo Boy Sotto) ay namatay nang maaksidente silang dalawa sa kotse. Naiwan niyang libre si Angel sa isa pa nitong manliligaw, ang kababata nitong si Alex (Dennis Trillo) na maski sa kamatayan ay pinagseselosan ni Roman kaya bumalik ito para isama ang girlfriend at lahat ng humadlang at may ayaw ay pinapatay niya.
Mabuti na lamang at maganda ang pagkakaganap ni Oyo Boy sa movie, hindi niya nabigo ang daddy Vic Sotto niya na dumating kasama si Pia Guanio, ang mag-asawang Joey at Eileen de Leon, at ang kapatid ni Oyo na si Danica Sotto kasama ang bf nitong si Marc Pingris. Dumating din ang kasama sa hanapbuhay na si Julie Yap Daza dahil ang dalawa niyang anak na sina Penny at Paul ang nagtulong para sa istorya ng movie. Isa pang napaka-galing sa pelikula ay si Julia Clarete. Sayang at iniwan na niya ang showbiz.
In fairness, nakakagulat naman ang TXT pero up to the point lang nang magkita sina Dennis at Oyo Boy sa call center, pagkatapos nun, feeling ko lumaylay na ang movie.
I was told na dahilan sa technical aspects ng movie kaya ito nabigyan ng A rating. Ako I was disappointed dahil marami akong questions na hindi nasagot ng movie. Nevertheless TXT is worth viewing, pulido ang pagkakagawa at pinapatawad ko na si Mike Tuviera dahil first movie niya lang ito.
Nakakagulat din ang Barang na feeling ko, pwedeng mas napaganda pa, after all may pera rin naman ang produ nito. Isa pa, malalaki rin naman ang mga artista at pwedeng mag-deliver sa acting department.
Kung sa TXT ay bida si Oyo Boy, sina Juliana Palermo naman at ang bagong si Dianne Marquez ang mapapansin sa Barang. Ang reklamo ko lang ay masyadong napakaingay ng movie, feeling ko ay sinadya ito para gulatin ang manonood. Sa halip na nakakatakot ay mas nakakadiri ang prosthetics pero ito naman talaga ang itsura ng mga nababarang, di ba? Formula ang ending ng Barang na opposite ng TXT.
Panoorin nyo ang dalawang movie at sabihin nyo sa akin kung saan kayo mas matatakot, sa Barang o sa TXT?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended