^

PSN Showbiz

Regine, nag-offer ng concert para sa foundation ni Robin

-
Hindi malaman ni Robin Padilla ang gagawin niya nang mag-offer si Regine Velasquez sa kanya na gagawa ito ng fundraising concert para sa foundation niya na ang benipisyaryo ay ang mga batang Muslim na nangangailangan ng edukasyon. Matagal nang nasa isip ni Robin at maging ng mga kapatid niyang Muslim na hilingin ito sa ka-partner niya sa pinipilahang Till I Met You pero, nahihiya sila at bago pa ito mangyari ay nauna nang mag-offer si Songbird.

Ang concert ay magaganap sa Disyembre 1 sa Zirkoh Timog. Ipagagamit ang lugar ng libre ng may-aring si Allan K.

Hindi ito ang magiging una at huling pagtulong ni Regine kay Binoe at sa mga Muslim dahil next year, ay magku-concert uli siya para sa kanila.

Samantala, walang pagsidlan ng kaligayahan ang magka-partner dahil makaraan ang limang araw ng pagpapalabas ng Till I Met You na pinagtulungang iprodyus ng Viva at GMA Films sa mga sinehan ay kumita na ito ng P40M. May bonus para sa mga nagtrabaho sa movie, kung magkano ay depende sa total na kita nito after ng regular run nito.
* * *
Isang pahayag ang tinanggap ko mula kay G. Art Padua, pangulo ng legitimate FAMAS na nagpahayag na ang naganap na Maria Clara Awards nung Friday the 13th sa isang Chinese Restaurant ang pumalit sa FAMAS Awards. Si Padua ang kinilala ng korte sa isang desisyon na inilabas ni Manila RTC Judge Antonio Eugenio. Kasama ng pahayag ang isang kopya ng naging desisyon ng korte na lumabas nung Hulyo, 11, 2006.

"FAMAS is very much alive," panimula ni Padua bilang sagot sa claim ng breakaway group. "We are giving out the 54th Famas Awards in early December this year. We are giving the FAMAS statuettes, not just plaques," dagdag pa nito pointing out that a 55th Awards as claimed by the breakaway group is a wrong count.
* * *
Sa Oktubre 23 na ang 20th Star Awards for Television ng Philippines Movie Press Club (PMPC). Magaganap ito sa UP Theater at mapapanood sa RPN 9. Magsisilbing host sina Edu Manzano, Toni Gonzaga at Tintin Bersola sa ilalim ng direksyon ni Ding Bolaños.
* * *
Mga 15 banda ang nag-perform sa launching ng tie-up ng Fliptunes-Windows Vista na ginanap sa Eastwood City Central Park.

Tumugtog ang Mojofly, Cynthia Alexander, Johnny Alegre, Orange & Lemons, Barbie Almalbis, Up Dharma Down, Imago, Sponge Cola, Pin-up Girls, Hemp Republic, Cherry Cornflakes, The ambassadors, Join the Club, Silver Filter at Rivermaya.

Libre ang performance ng lahat sa isa sa mga gigs ng Fliptunes na naglalayong gumawa ng awareness para sa digital Pinoy music.

Ang Fliptunes ay isang pioneer online music exchange portal na nagtatampok at nagbibenta ng Original Pilipino Music (OPM). Ka-partner nito ang bagong bersyon ng Windows, ang Vista. Isa na naman itong karagdagang avenue of exposure para sa OPM di lamang sa mga Pinoy kundi maging sa mga foreigners din. Para sa isang comprehensive and diverse digital catalogue ng OPM sa Fliptunes, mag-log-on sa www.fliptunes.net.
* * *
E-mail: [email protected]

ALLAN K

ANG FLIPTUNES

ART PADUA

BARBIE ALMALBIS

CENTER

CHERRY CORNFLAKES

TILL I MET YOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with