^

PSN Showbiz

Heart, napapraning sa katawan!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Nangangayayat pala ngayon si Heart Evangelista. Pero hindi dahil sa problema sa kanyang boyfriend na si Jericho Rosales kundi sobrang praning daw ito pagdating sa katawan. Ayaw na ayaw nitong tumataba siya kahit konti ayon sa friend niyang si Angelica Panganiban. Pero ok naman daw si Heart although hindi na sila gano’n kadalas magkita kumpara noong hindi pa ito committed kay Jericho.

Speaking of Angelica, excited na ito sa gagawin niyang pelikula sa Star Cinema with Maricel Soriano and Aga Muhlach. Still untitled, pero sobrang thrilled siya dahil makakahalikan nito ang favorite niyang si Aga na matagal din niyang inasam na makasama sa pelikula.

Of course, hindi na pa-cute ang magiging role niya sa said project with Aga and Maricel. Hindi pa raw niya nababasa ang script, pero definite na gagawin nila ito next year.

Pero prior to Aga and Maricel movie, mas uunahin niyang gawin ang movie with John Lloyd Cruz. Mas daring daw ito. Untitled pa rin, pero she’s now ready sa mas mature roles.

Twenty years old na si Angelica this coming November.

Anyway, start na ang episode nila sa Love Spell opposite Jake Cuenca na nanggaling pa sa GMA 7 para maka-partner niya. Pero hindi pala masyadong feel ni Angelica si Jake dahil hindi niya type magka-boyfriend ng Tisoy. Magka-iba rin daw sila ng personality kaya malabo ang chance na ma-develop sila kahit matagal-tagal din siyang nililigawan nito.
* * *
Sa next year pa pala magi-start ang shooting ng Wages of Sin sa bansa, ang first Hollywood film ni Giselle Tongi kasama ang Fil-American na si Neal "Xingu" Rodil na kilalang celebrity fitness trainer and Shane Trace.

Nang magkaroon ng presscon ang movie almost three weeks ago, akala ng majority na nag-attend, showing na ang pelikula yun pala, iso-shoot pa lang.

Pero definite na sa bansa kukunan ang mga eksena ng movie and aside from Giselle, naghahanap pa sila ng ibang local actors para sa supporting roles sa pelikula.

Excited si Giselle dahil in a way ay mari–realize na niya ang matagal na niyang dream na magkaroon ng career sa Hollywood dahil ipalalabas ito sa Amerika.

Kung sabagay, panahon na siguro para in a way naman ay matupad na ang matagal na niyang pinapangarap.

Say ni Giselle, matagal din niya itong pinangarap. At honored siya na finally ay masi-share niya ang kanyang talent sa ibang bansa dahil target nilang ipalabas ang Wages of Sin sa maraming lugar sa Amerika.

vuukle comment

AGA AND MARICEL

AGA MUHLACH

AMERIKA

ANGELICA PANGANIBAN

GISELLE TONGI

HEART EVANGELISTA

PERO

WAGES OF SIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with