18 gowns, 18 escorts sa debut ng Fil-Jap singer
October 17, 2006 | 12:00am
Isang taon nang nasa Pilipinas si Mayo Susuki, isang 17 year old daughter of a Filipino mother and a Japanese father. Pumunta siya rito para mag-aral ng Ingles. Bago ito, ay mga hanggang dalawang beses kada taon ay umuuwi siya para magbakasyon, dun siya tumutuloy sa bahay ng kanyang lola sa Zamboanga.
Bagaman at nakuha niya ang features ng kanyang amang Hapones (maputi, hindi gaanong matangkad at medyo singkit), sa pag-uugali Pinay na Pinay si Mayo. Mahilig siya sa pagkaing Pinoy (bagoong, gulay, adobo, at maski na balut). Hindi nawawalan ng po ang kanyang mga salita at maski na mga batang-bata ay pinopo niya dahil sign of respect daw ito ayon sa kanyang ina.
Dalawang taon pa lamang si Mayo ay kumakanta na siya, hindi kataka-taka kung ang talentong ito ay siyang maging tuntungan niya para makilala at makagawa ng pangalan sa bansang pinanggalingan ng kanyang ina.
May nagawa ng album ang Fil-Jap singer na ito, na nagtataglay ng limang awitin at 4 na minus one music pero bago ito i-release ng Ivory Music ay gusto niya munang maging pamilyar ang kanyang mukha sa mga Pinoy. Pawang mga komposisyon ni Vehnee Saturno ang laman ng album. Dahil may talento, hindi naman siya nahirapang makapagsimula.
Sa Nov. 14, magkakaron ng launching ang kanyang album sa SM Marilao. Bago ito ay magkakaron ng motorcade sa buong Bulacan ang kinikilalang Youth Ambassadress for International Concern ng League of Municipalities of the Philippines.
Next year sa January 17 ay magdi-debut na siya. Pinaka-gusto niyang gift ay ma-meet ang kanyang crush na si Christian Bautista. Hiling niyang maka-duet din ito sa isa sa kanyang mga shows. Kung suswertihin siya ay baka maimbita rin ito na maging escort niya sa kanyang debut na gagawing kakaiba sapagkat 18 gowns ang gagamitin niya at 18 rin ang planong kuning escort niya.
Talaga namang malakas sa masa si Sarah Geronimo. Balitang umaabot sa isang libong CD ang nabebenta sa bawat mall na puntahan nito para sa promo ng kanyang album na "Becoming".
Isang hit na ang lumabas mula sa album, ang "I Still Believe In Loving You". Nakatakdang lumabas ang second single na "Carry My Love" na may music video rin na lalabas.
E-mail: [email protected]
Bagaman at nakuha niya ang features ng kanyang amang Hapones (maputi, hindi gaanong matangkad at medyo singkit), sa pag-uugali Pinay na Pinay si Mayo. Mahilig siya sa pagkaing Pinoy (bagoong, gulay, adobo, at maski na balut). Hindi nawawalan ng po ang kanyang mga salita at maski na mga batang-bata ay pinopo niya dahil sign of respect daw ito ayon sa kanyang ina.
Dalawang taon pa lamang si Mayo ay kumakanta na siya, hindi kataka-taka kung ang talentong ito ay siyang maging tuntungan niya para makilala at makagawa ng pangalan sa bansang pinanggalingan ng kanyang ina.
May nagawa ng album ang Fil-Jap singer na ito, na nagtataglay ng limang awitin at 4 na minus one music pero bago ito i-release ng Ivory Music ay gusto niya munang maging pamilyar ang kanyang mukha sa mga Pinoy. Pawang mga komposisyon ni Vehnee Saturno ang laman ng album. Dahil may talento, hindi naman siya nahirapang makapagsimula.
Sa Nov. 14, magkakaron ng launching ang kanyang album sa SM Marilao. Bago ito ay magkakaron ng motorcade sa buong Bulacan ang kinikilalang Youth Ambassadress for International Concern ng League of Municipalities of the Philippines.
Next year sa January 17 ay magdi-debut na siya. Pinaka-gusto niyang gift ay ma-meet ang kanyang crush na si Christian Bautista. Hiling niyang maka-duet din ito sa isa sa kanyang mga shows. Kung suswertihin siya ay baka maimbita rin ito na maging escort niya sa kanyang debut na gagawing kakaiba sapagkat 18 gowns ang gagamitin niya at 18 rin ang planong kuning escort niya.
Isang hit na ang lumabas mula sa album, ang "I Still Believe In Loving You". Nakatakdang lumabas ang second single na "Carry My Love" na may music video rin na lalabas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended