Kapatid ng singer/actress, naisahan ng anak ng produ
October 16, 2006 | 12:00am
Si Gelli de Belen ang ispesyal na panauhin bukas (Martes) ng gabi sa Bahay Mo Ba To na tinatampukan nina Ronaldo Valdez, Tessie Tomas, Wendell Ramos, Gladys Reyes, Keempee de Leon, Francine Prieto, Sunshine Dizon, Sherilyn Reyes, Mike Pekto Nacua, Dino Guevarra, Tiya Pusit at iba pa mula sa pamamahala ni Al Quinn.
Si G Tongi ang unang gumanap sa papel na Ina Magenta sa unang version ng blockbuster movie na Enteng Kabisote na pinagbidahan ni Vic Sotto. Sa Enteng Kabisote 2 ay si Alice Dixson ang pumalit sa role ni Ina Magenta pero sa part 3 nito, balik ang papel kay G. Nagkataon naman na narito siya ngayon sa Pilipinas at nagbabakasyon kasama ang kanyang napakagandang baby na si Sakura habang naiwan naman sa Amerika ang kanyang American husband na si Tim Walters.
Tuwang-tuwa si G sa kanyang bakasyon dahil tatlong project ang kanyang gagawin dito. Bukod sa Enteng Kabisote 3 ay gagawin din niya ang international movie na Wages of Sin mula sa panulat at direksiyon ni Shane Trace at kung saan naman niya kapareha ang Fil-Am na si Neil Xingu Rodil. Nakatakda rin niyang gawin ang isa pang pelikulang may pamagat na Songbirds na local version ng The Joyluck Club kung saan naman ipapamalas ni G ang kanyang skills sa pagkanta at pagsayaw.
Mangiyak-ngiyak na lumapit sa amin ang nakababatang kapatid ng isang sikat na singer-actress dahil niloko ito ng malaking halagang pera ng isang itinuring na kaibigan na anak ng isang kilalang producer-director ng pelikula.
Dapat sanay magso-sosyo sa isang negosyo ang sister ng singer-actress at anak ng producer-director. Pero walang kaalam-alam ng kapatid ng singer-actress na baon na pala sa pagkakautang ang anak ng producer-director na pati mga kaibigan ay kinakatalo nito pagdating sa pera.
Dahil kaibigan, mahilig umanong magpapalit ng tseke ang anak ng producer-director na kapag ideposito ang tseke ay tumatalbog dahil walang pondo. Minsan, nagpumilit ang anak ng producer-director na magpapalit ng tseke na hindi sa kanya. Nanghiram ng signed blank check ang anak ng producer-director sa isang kaibigan at itoy kanyang sinulatan ng P250,000 at muling pinapalitan. Ang akala ng may-ari ng tseke ay halagang P10,000 hanggang P15,000 lamang ang ilalagay na amount sa tsekeng hiniram sa kanya yun pala ay P250,000. Dahil walang ganoong kalaking pondo ang hiniraman ng tseke, itoy tumalbog.
May ilang buwan na ring pinakikiusapan ng kapatid ng singer-actress ang binatang anak ng producer-director na bayaran ang kanyang pagkakautang pero panay pangako lamang daw ang ginagawa nito pero hindi tinutupad.
Dumating pa nga raw sa punto na kinausap na ng kapatid ng singer-actress ang ama na producer-director pero wala pa ring nangyari. Kaya nagdesisyon ang kapatid ng singer actress na padalhan na ng demand letter ng kanyang abogado ang anak ng producer-director. Kapag hindi pa rin nagbayad pagkatapos ng itinakdang araw sa demand letter, magsasampa na ng kaso ang kapatid ng singer-actress sa anak ng producer-director sa linggong ito.
"It turned out na hindi lang pala ako ang kanyang niloko kundi marami kami pati na mga taong nagtatrabaho sa kanya. Ang nakakalungkot lang, mga kaibigan pa niya ang kanyang niloloko," himutok ng nakababatang kapatid ng sikat na singer-actress.
E-mail: [email protected]
Tuwang-tuwa si G sa kanyang bakasyon dahil tatlong project ang kanyang gagawin dito. Bukod sa Enteng Kabisote 3 ay gagawin din niya ang international movie na Wages of Sin mula sa panulat at direksiyon ni Shane Trace at kung saan naman niya kapareha ang Fil-Am na si Neil Xingu Rodil. Nakatakda rin niyang gawin ang isa pang pelikulang may pamagat na Songbirds na local version ng The Joyluck Club kung saan naman ipapamalas ni G ang kanyang skills sa pagkanta at pagsayaw.
Dapat sanay magso-sosyo sa isang negosyo ang sister ng singer-actress at anak ng producer-director. Pero walang kaalam-alam ng kapatid ng singer-actress na baon na pala sa pagkakautang ang anak ng producer-director na pati mga kaibigan ay kinakatalo nito pagdating sa pera.
Dahil kaibigan, mahilig umanong magpapalit ng tseke ang anak ng producer-director na kapag ideposito ang tseke ay tumatalbog dahil walang pondo. Minsan, nagpumilit ang anak ng producer-director na magpapalit ng tseke na hindi sa kanya. Nanghiram ng signed blank check ang anak ng producer-director sa isang kaibigan at itoy kanyang sinulatan ng P250,000 at muling pinapalitan. Ang akala ng may-ari ng tseke ay halagang P10,000 hanggang P15,000 lamang ang ilalagay na amount sa tsekeng hiniram sa kanya yun pala ay P250,000. Dahil walang ganoong kalaking pondo ang hiniraman ng tseke, itoy tumalbog.
May ilang buwan na ring pinakikiusapan ng kapatid ng singer-actress ang binatang anak ng producer-director na bayaran ang kanyang pagkakautang pero panay pangako lamang daw ang ginagawa nito pero hindi tinutupad.
Dumating pa nga raw sa punto na kinausap na ng kapatid ng singer-actress ang ama na producer-director pero wala pa ring nangyari. Kaya nagdesisyon ang kapatid ng singer actress na padalhan na ng demand letter ng kanyang abogado ang anak ng producer-director. Kapag hindi pa rin nagbayad pagkatapos ng itinakdang araw sa demand letter, magsasampa na ng kaso ang kapatid ng singer-actress sa anak ng producer-director sa linggong ito.
"It turned out na hindi lang pala ako ang kanyang niloko kundi marami kami pati na mga taong nagtatrabaho sa kanya. Ang nakakalungkot lang, mga kaibigan pa niya ang kanyang niloloko," himutok ng nakababatang kapatid ng sikat na singer-actress.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended