^

PSN Showbiz

Mga anak ni Nora Aunor ‘di na nagpaparamdam

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Bakit ba may nagsasabi na ang taas ng ratings nila nung kasagsagan ng bagyong Milenyo? Wala ngang kuryente di ba kaya wala ring cable? Paano nila sasabihing mataas ang rating nila?

Kaya nga maraming nag-request na ulitin ang pagpapalabas ng ending ng Majika at ng premiere ng Bakekang at Atlantika dahil maraming lugar ang nawalan ng kuryente ng halos isang linggo.

Ako nga, hindi na lang kumikibo kapag sinisilip ko ang rating ng Walang Tulugan. Bakit ba ako maa-alarma sa resulta ng rating samantalang alam ko naman na marami ang nakikipagpuyatan sa aking programa. Saan man ako magpunta, sa mall, Divisoria at maging sa labas ng bansa ang isinisigaw ng mga bata, matanda, nanay o tatay ay "Walang Tulugan."
* * *
Hindi natin masisisi si Dolphy kung nag-react naman ito sa muntik nang pagkaudlot ng operasyon ni Zsazsa Padilla dahil sa pagkakaroon ng problema sa visa ni Pops Fernandez.

Ang inaalala lang naman ni Dolphy ay ang kalusugan ni Zsazsa na kailangan na agad maopera.

Siyempre kasama na diyan pati ang schedule ng mga doktor na mangangasiwa ng operasyon kay Zsazsa, at kung mauudlot nga naman, baka magkaproblema pa.

Buti na lang at nakarating din si Pops at natapos na nila ang pelikula.
* * *
Marami ang nagtatanong sa akin kung nasaan na raw sina Ian de Leon at Kiko. Walang balita sa dalawang anak ni Guy. Kung sila ba ay nasa bansa pa rin o kasama na ng kanilang mommy Guy sa Amerika.

Ang alam ko, si Kiko ay nangungupahan sa isang condo unit kasama ang isang kaibigan. Si Ian naman, minsan ay naiisipang tumawag sa akin, pero matagal-tagal na rin iyon kaya wala na rin akong balita tungkol sa kanya.

Pero ang alam ko, pareho naman silang nasa bansa.

Si Matet naman, alam naman natin na maninirahan na ito sa ibang bansa kasama ang kanyang asawa.

Si Lotlot, hindi ko alam kung ano ang inaasikaso. Pero I’m sure pare-pareho pa rin silang may communication sa kanilang ina.
* * *
Congratulations sa Viva Films at GMA Films dahil hindi sila nabigo sa tambalan nila Regine Velasquez at Robin Padilla.

Bakit ba naman kasi inuunahan ito agad ng mga taong komo hindi sila ang producer ng movie ay agad na sinasabing hindi ito kikita.

Sana naman alisin na natin ang pagiging isip talangka. Gumagawa nga ng paraan para kumita ang industriya tapos sisiraan pa natin. Dapat ay tulung-tulong tayo sa patuloy na pagsulong ng ating industriya na tayong lahat ang nakikinabang.

BAKIT

DOLPHY

KIKO

NAMAN

PERO I

POPS FERNANDEZ

REGINE VELASQUEZ

ROBIN PADILLA

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with