Mga awit ng APO na sila rin ang kumanta
October 15, 2006 | 12:00am
Maraming mga kwentong artista na tumagal na muna ng 10 o mahigit pang taong pagsisikap bago narating ang katanyagan at katuparan ng kanilang mga pangarap.
Isa na rito ang bukas na aklat ng buhay ni Rudy Fernandez. Matapos ang 10 taon na paglabas sa mga bit roles at second lead sa mga pelikulang pang-teenager na tampok sina Nora Aunor at Tirso Cruz III sa Sampaguita Pictures, saka pa lamang kuminang ang bituin ng action superstar nang ipakilala siya bilang Baby Ama.
Kahit sa daigdig ng musika ay marami ring mga singers na matagal nang kumakanta kung saan-saan venues, bago nagkaroon ng break sa recording at naging singing star.
Ganito halos ang tinatahak na landas ng multi-talented singer, composer at guitarist na si Dindo Almeda. Naging front man na siya ng mga bandang tulad ng Defy, Synfonia at Merchants of Groove for 8 long years.
Nagpasya siyang maging solo artist, dala ang kanyang malawak na karanasan. Bukod sa mga banda, naging jingle composer din si Dindo ng mga major consumer products tulad ng Milo at Colgate at ng mga sikat na negosyong tulad ng Plaza Fair.
Si Dindo ang may likha ng theme tune sa sikat na weekly TV show, ang Mel & Joey.
Sa wakas ay naging established solo artist na si Dindo. Dinadayo na ang kanyang mga solo shows dahil sa kanyang repertoire ng mga heartwarming ballads, mga piling-piling cover songs, pati na ang mga upbeat dance tunes.
Ang kanyang mataginting na boses, kasama pa ang kanyang mahusay na pagtugtog ng gitara ang pinapalakpakan ng husto sa kanyang mga shows.
Ngayon ay regular performer na si Dindo sa Tavern on the Square sa Greenbelt 3, Makati City, Janero Bar at Niche Bar na parehong nasa Sgt. Esguerra St., Quezon City.
Sa Huwebes, Oktubre 26, nasa Tavern on the Square si Dindo. Lahat ng Biyernes ng Oktubre nasa Niche Bar siya.
Abala rin si Dindo sa recording ng kanyang debut solo CD.
Sa mga interesado sa booking ni Dindo, maaring tumawag sa No. Seat Affair, 09205870977.
Certified double-platinum agad ang KaminAPo Muna album, na tribute sa Apo Hiking Society.
Tiyak na masayang-masaya ang 15 banda at tatlong solo artists na nakasama sa album na hanggang ngayon ay nasa No. 1 pa rin ng mga records charts.
Naglabas na ng Special Limited Edition ng KaminAPO Muna. Available na ito sa Double CD. Ang ikalawang CD ay naglalaman ng mga original versions ng lahat ng kanta sa first CD, performed by the Apo Hiking Society themselves.
Ngayon pa lamang ay marami nang humihiling ng Volume 2 ng KaminAPO. Pero hindi madali ang mag-ipon muli ng maraming banda para dito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended