^

PSN Showbiz

Kitchie, Barbie, walang rivalry

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Bibigyan ng bagong kapareha si Angelica Panganiban sa bagong season ng Love Spell entitled Home Switch Home at ito’y sa katauhan ni Jake Cuenca na bagong lipat sa ABS-CBN. Interesting ang pagtatambal ng dalawa dahil na-link sila noong nasa GMA-7 pa ang actor pero, itinanggi ng actress at sa presscon lang inamin ang panliligaw ng kapareha.

Bukod sa inaming nanligaw sa kanya si Jake, sabi rin ni Angelica na mas boyfriend material ito kesa kay Frank Garcia na katambal din niya sa episode na sa October 22 na ang airing. Ayon sa dalaga, ang naging problema nila ni Jake, ‘di sila nabigyan ng chance na maging friends muna’t sa panliligaw agad natuloy ang pagkakakilala nilang dalawa.

Magaling na aktres si Angelica lalo na sa drama pero, challenge sa kanya ang role sa LS na mayamang nagpanggap na mahirap kaya, sobrang arte siya nang manirahan sa squatters area. Napi-pressure rin siyang ma-maintain ang high rating ng Sunday show ng Ch. 2 na sinimulan ng loveteam nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Incidentally, hindi alam ni Angelica na kasama ang ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino sa Humalik Ka Sa Lupa, ang bagong soap ng TAPE, Inc. Wala na raw silang communication at matagal nang ‘di nakakapag-usap pero, ‘pag nagkikita’y nagbabatian pa rin sila.
* * *
Pati si Mark Herras nagulat sa pagpayag ni Jennylyn Mercado na gawin ang stunt na nakabitin siya sa helicopter at 10 seconds siyang tumagal sa ere para sa ikagaganda ng Super Noypi. Pero, si direk Quark Henares, hindi nahirapang kumbinsihin siyang gawin ang isa sa pinakamahirap niyang stunt. Ang sabi lang ng director, bakit hindi nila itaas ang pagbitin siya sa chopper na agad niyang sinang-ayunan.

Hindi na inisip ni Jennylyn na may vertigo siya’t inisip lang na gawin ang stunt para iba ang mapanood sa kanya. Ito rin ang rason kung bakit niya tinanggap ang pelikula’t pati siya ay nagsasawa na ring magdrama, mag-comedy, kumanta’t sumayaw. Hindi rin siya nagpapa-double hangga’t kaya niya ang stunt.

Handa rin naman si Jennylyn na mag-action dahil may one month training siya sa martial arts, arnis at gymnast. Pati eksenang naka-harness siya’y prinaktis para hindi siya mahirapan at dahil doon, maayos niyang nagawa ang action scenes na isa sa panghatak ng movie.
* * *
Masaya ang interview namin kay Kitchie Nadal sa presscon/launching nila ni Barbie Almalbis bilang bagong image models at endorsers ng Bayo. Noon lang yata nakausap ng entertainment press ang Rock Princess kaya, kung anu-anong tanong ang ibinato sa kanya.

Isa sa nilinaw ni Kitchie ay ang rivalry nila ni Barbie na never daw nag-exist. Friends sila for seven years kaya, tinatawanan na lang nila ang mga intriga. Malabo rin daw na pag-awayan nila kung sino ang mas sikat at kung sino ang mas magaling na singer sa kanilang dalawa.

Sa presscon lang nito nalamang may intrigang ayaw niyang magsuot ng Levi’s sa isang pictorial at in-insist na Armani brand ang isuot. Wala raw nangyaring ganun, walang pictorial at hindi siya mapili sa mga isinusuot. As a matter of fact, Levi’s ang suot niya na ayaw ipasulat pero, wala naman yatang conflict sa Bayo.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

BARBIE ALMALBIS

BAYO

CARLO AQUINO

FRANK GARCIA

GERALD ANDERSON

HOME SWITCH HOME

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with