Christian biglang napunta sa Regal
October 14, 2006 | 12:00am
Natuwa naman ako sa pelikulang Till I Met You. Why? Maraming people behind the movie ang kasama sa pelikula. Aba kasama si Ms. Anette Gozon, produ ng movie, si Mr. Joey Abacan, line producer and Elaine Lozada. Aba bongga sila, talagang may kanya-kanyang role.
Kung sabagay, kesa naman nga kumuha pa sila ng talent, sila na lang. Malamang libre pa yun.
Magsa-sign na ng contract sa Regal Films si Christian Bautista. Meaning hindi siya puwedeng gumawa ng movie sa Star Cinema, ang movie arm ng ABS-CBN kung saan siya may regular show. Today naka-schedule ang contract singning ng singer sa bagong office ni Mother Lily Monteverde sa Ortigas Center.
Twenty five years na pala si Ms. Tessie Tomas sa showbiz. At bilang celebration, isang kakaibang show ang gagawin niya, isang stand-up comedy series sa Tavern on the Square titled TT@25 sa October 27, November 4, 11 and 18.
Nag-start naman talaga siya sa business as stand up comedian kaya sa kanyang silver anniversary, babalikan niya ang sinimulan niya sa showbiz.
Sa 25 years niya, mako-consider niyang ang comedy stand up ang major achievement niya as an artist.
True na nag-excel din siya as TV host and as an actress, pero iba ang impact sa kanya ng pagko-comedy.
At infairness, siya naman talaga ang unang komedyante na gumawa ng impersonations. "People I impersonate or spoof are the one I either hate or love. I cant do someone I dont feel anything for," sabi ni Ms. Tessie.
Siyempre, alam nating lahat na kasama sa pinasikat niyang character sina Amanda Pineda, Bonnie Buendia at ang most popular na Meldita. Pero sa kanyang TT@25, maraming bagong character na papasok Chelsea Bayot, a call center executive, Trixie, the techie I.T girl ng Makati, Keanna Reeves habang ini-interview sa The Buzz, si Meldita nang bisitahin niya si Ferdie sa Batac, si Mike Enriquez doing 25 Oras newscast and women icons like Cory and Kris Aquino and Winnie Monsod.
May music video na ginamit para sa promo ng kanyang show na original concept ng anak niyang si Robin na naka-base ngayon sa New York.
Nang minsan daw kasing tumawag ang anak niya, tinanong siya kung anong concept ang gagamitin niya. Nang sabihin niya raw, nag-react ito na old style na at nag-suggest na magkaroon naman siya ng music video. At ang nakakabaliw, over the phone lang sila nagdi-discuss. Phone card daw kasi ang gamit ni Robin sa New York kaya walang limit ang discussion nila sa phone.
Don nag-start na i-conceptualize siya ng music video na hindi nagtagal ay nabuo naman nila. In two days, buo na ang lahat.
By this time, malamang na napadalhan na niya ng copy ang anak niya ng music video na nangungulit na sa kanyang gusto na niyang panoorin.
Anyway, kinabahan si Ms. Tessie nang mabalitaan nito na may small plane na nag-crash sa isang apartment sa New York. Kasi nga naka-base sa NY si Robin at nakatira ito sa apartment kaya nang mabalitaan niya ang nangyari, ayon tawag agad siya sa nag-iisang anak.
Buti na lang at malayo ito sa area ng aksidente na ikinatakot ng maraming New Yorker dahil sa issue ng 9/11 bombing noon.
Enjoy naman si Ms. Tessie sa kanyang mga apo sa anak ng kanyang stepdaughter sa asawa niyang si Roger. Kaya nga raw nai-excite siyang magpunta sa England na ginagawa nila yearly.
Pero ang nami-miss niya ay ang kanyang mother-in-law na namatay na kamakailan. Kasi nga marami siyang natutuhan sa kanyang mother in law na idinemonstrate pa niya during the interview. Ang mga Briton kasi, ibang-iba ang attitude. "Pag-iinom sila ng tea sobrang bagal talaga. Saka pag nanonood sila ng TV, sobrang hina ng audio. Minsan kahit hindi ko naririnig, nakikitawa na lang ako," sabi ni Ms. Tessie na natatawa pa.
Kasama sana sa I-impersonate niya ang mga gesture kung paano kung mag-stay na siya sa England. Pero kinailangan nilang mamili lang ng character at di ito nakasama.
At any rate, abala na si Ms. Tessie sa preparation ng kanyang show.
Consistent ang mataas na rating ng Showbiz Stripped every Saturday. Kaya naman inspired ang staff ng programa na maghanap ng magagandang materials para sa kanilang programa hosted by Ricky Lo.
Ngayong gabi, Ani ni Ina ang episode. True talaga yata ang kasabihan na Mother knows best.
Magsasalita sina Imee Marcos and Borgy Manotoc, Pilita Corrales and Ramon Christopher, Daisy Romualdez and Danita Paner and Mila Ocampo and Snooky Serna.
Usapang ina sa anak at anak sa ina sa Showbiz Stripped.
Salve V. Asis e-mail - [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended