Iba si Richard kay Dingdong
October 13, 2006 | 12:00am
Iba talaga ang naging pagsisimula ng tele-fantansiya sa TV ang Mulawin. Una kasi, yon ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita tayo ng ganoong computer generated images, o CGI sa telebisyon, at talagang nakakagulat noong panahong yon.
Ang isa pang sinasabi nilang factor, doon sa Mulawin nagsimula si Richard Gutierrez. Binigyan siya ng build up bilang isang bagong matinee idol, at dahil guwapo naman talaga, kinagat yon ng mga tao. Hindi nagtagal at naging bukambibig ng tao sila Aguiluz at Alwina.
Hindi rin naman natin maikakaila na diyan nagsimula ang talagang popularidad ni Angel Locsin, na matagal na rin namang artista pero di napapansin noon. Ngayon, parang hindi ganyan ang dating ng bagong serye ng Ch. 7. Negatibong ang mga naririnig. Kagaya nga noong sinasabi nilang ang hitsura ni Dingdong Dantes, mukhang space man at hindi galing sa ilalim ng tubig.
Matagal nang artista si Dingdong. Matagal na siyang babad na babad sa mga tele-serye. Pinagsasawaan na rin siguro siya ng mga tao dahil ilang taon na siyang napapanood araw-araw.
Sana makabawi naman sila, at maaaring mangyari yon kung maganda ang kanilang istorya, pero kung hindi, talo yan.
Minsan nasabi ng aming kaibigang si Tony Vizmonte, na dating movie writer din dito sa ating bansa, at ngayon ay asensado na dahil may sarili na siyang diyaryo sa US. Kung dito nga raw sa Pilipinas ay walang trabaho ang maraming artista, doon naman sa US ay in demand ang mga Filipino stars. Kaya nga lang kailangang siguruhin na nasa ayos ang kanilang mga papeles.
May sinasabi nga siya, may problema daw talaga ang papeles ng Baywalk Bodies, dahil mukhang mali ang hawak nilang papeles. Totoo nga raw na mainit na siguro roon sa mga artistang Pilipino dahil sa mga nangyaring nahuli ang ilan sa kasong drugs pa naman, pero hindi naman daw ganoon kahigpit.
Kailangan nga lamang nasa ayos talaga ang kanilang lakad, at hindi naman yong nagsusuplado sila kung naroroon na sila sa US. May mga artista raw kasing Pilipino na pagdating doon, talagang mayayabang lalo na ang mga kasamang road managers.
Pakalat-kalat sa isang mall ang isang male starlet na nagsimula sa isang tv search. Basta ganoon siya, kahit na wala siyang ginagawang masama, may mag-iisip na kaya siya naka-istambay doon dumi-display siya, at alam na naman ninyo kung ano ang trabaho ng mga dumi-display sa mga malls. Dapat nag-iisip sila sa mga ginagawa nila, kasi artista na sila eh. Kung hindi sana sila kilala kahit na papaano ok lang, pero dahil artista sila, nakakahiya na ang ginagawa nila.
Ang isa pang sinasabi nilang factor, doon sa Mulawin nagsimula si Richard Gutierrez. Binigyan siya ng build up bilang isang bagong matinee idol, at dahil guwapo naman talaga, kinagat yon ng mga tao. Hindi nagtagal at naging bukambibig ng tao sila Aguiluz at Alwina.
Hindi rin naman natin maikakaila na diyan nagsimula ang talagang popularidad ni Angel Locsin, na matagal na rin namang artista pero di napapansin noon. Ngayon, parang hindi ganyan ang dating ng bagong serye ng Ch. 7. Negatibong ang mga naririnig. Kagaya nga noong sinasabi nilang ang hitsura ni Dingdong Dantes, mukhang space man at hindi galing sa ilalim ng tubig.
Matagal nang artista si Dingdong. Matagal na siyang babad na babad sa mga tele-serye. Pinagsasawaan na rin siguro siya ng mga tao dahil ilang taon na siyang napapanood araw-araw.
Sana makabawi naman sila, at maaaring mangyari yon kung maganda ang kanilang istorya, pero kung hindi, talo yan.
May sinasabi nga siya, may problema daw talaga ang papeles ng Baywalk Bodies, dahil mukhang mali ang hawak nilang papeles. Totoo nga raw na mainit na siguro roon sa mga artistang Pilipino dahil sa mga nangyaring nahuli ang ilan sa kasong drugs pa naman, pero hindi naman daw ganoon kahigpit.
Kailangan nga lamang nasa ayos talaga ang kanilang lakad, at hindi naman yong nagsusuplado sila kung naroroon na sila sa US. May mga artista raw kasing Pilipino na pagdating doon, talagang mayayabang lalo na ang mga kasamang road managers.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended