^

PSN Showbiz

‘Till I Met You’, sinira ang box-office record ng lahat ng GMA movies!

RATED A - Aster Amoyo -
Tuwang-tuwa ang GMA Films na pinamumunuan ni Annette Gozon-Abrogar dahil higit pa sa kanilang inaasahan ang naging performance sa takilya ng pelikulang Till I Met You na tinatampukan nina Robin Padilla at Regine Velasquez mula sa direksiyon ni Mark Reyes sa pagbubukas nito nung Oct. 11.

Ayon kay Jayce Perlas, head ng GMA PR department, na-break umano ng Till I Met You ang talaan ng box-office records ng lahat ng GMA Films produced movies.

Napanood namin ang pelikula sa special screening na ginanap sa Podium Cinema nung nakaraang October 6 at kami man ay na-impressed sa pagkakagawa ng pelikula na pinaghalo ang romance, drama at comedy. 
* * *
Parehong hindi nagsalita sina Dennis Trillo at ang manager nitong si Popoy Caritativo ng kanilang sama ng loob sa pagkakaalis kay Dennis sa pelikulang Mano Po 5 ng Regal Films.  Pinalitan si Dennis ni Richard Gutierrez na siyang kapareha ni Angel Locsin sa Metro Manila Film Festival entry ng Regal.

Ipinaliwanag ni Mother Lily Monteverde na dahilan ito sa malapit masyado ang playdate ng TXT nina Angel, Dennis at Oyo Boy Sotto which is  October 18.
* * *
Ngayong pareho nang umamin sa kanilang relasyon sina Vic Sotto at Pia Guanio, marami naman ang nag-aabang kung si Pia na nga ang kahuli-hulihang babae sa buhay ng TV host-comedian.

Pia rin ang pangalan ng dating girlfriend ni Vic.  Isa itong modelo na anak ng director na si Danny Cabreira.

Bago si Vic, naging kasintahan naman ni Pia Guanio ang nakababatang kapatid ni Christine Jacob (na naging girlfriend din noon ni Vic) na si Michael.

Si Pia ay may special participation sa pelikulang Enteng Kabisote 3 na muling pinagbibidahan ni Vic mula sa pamamahala ni Tony Y. Reyes sa ilalim ng OctoArts Films at M-Zet Films.
* * *
<[email protected]>

ANGEL LOCSIN

ANNETTE GOZON-ABROGAR

CHRISTINE JACOB

DANNY CABREIRA

DENNIS TRILLO

ENTENG KABISOTE

PIA GUANIO

TILL I MET YOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with