Zsa Zsa nagwala sa shooting
October 12, 2006 | 12:00am
Balitang nagwala si Zsa Zsa Padilla kahapon sa shooting ng filmfest entry ng Regal Films, Zsa Zsa Zaturnnah. Supposedly daw ay last shooting day nila pero biglang nag-advice si Pops na may problema sa kanyang visa pabalik ng bansa from Amerika. Kaya ayun nabitin ang shooting ng pelikula. Ang balita tuloy, naimbyerna si Mother Lily Monteverde kay Pops.
Nabuntis na lang at nagpakasal si Julia Clarete, wala pa ring nangyayari sa premyo niya supposedly sa Hollywood Dream, reality search na ipinalabas sa ABC 5 na ang nanalo nga ay si Julia. Grabe, ano na bang nangyari sa Hollywood Dream ni Julia? Mari-realize pa ba niya yun o forever dream na lang after ng mga challenges na pinagdaanan nila? Buti na lang at si Julia ang nanalo. Kasi baka kung si Pinky Amador or si Raymond Bagatsing, baka nakaisip pa silang mag-file ng demanda kasi may contract sila na sinasabing pinirmahan.
Kasama sa promise ng produ ang pagkakaroon ng membership card ng Screen Actors Guild of America ang mananalo at makakasama sa ilang TV shows at pelikula sa America. Pero sadly, walang nangyari.
Paging Mr. Romeo Joven?
Another story na parang forever dream na rin lang ay ang pelikulang Wrinkles. Gosh, say nga ng isang veteran actor na supposedly ay kasama sa pelikula, tuluy-tuloy ang pagdami ng wrinkles nila sa mukha, pero ang movie na plinano para gawin nila, nawalang parang bula. "Almost two months kaming nagmi-meeting. Alam mo yun. Luncheon, dinner, meetings. Nagpupunta pa kami noon sa Tagaytay kasi supposedly may partner na may-ari ng isang gourmet place sa Tagaytay ang producer ng movie. Waste of time lang pala," kuwento ng isang veteran actor na ayaw na lang magpa-mention ng name.
"Ni ha ni ho, wala kaming narinig. Basta na lang may tumawag na may problema raw don sa Amerika kaya hold muna. After that, wala na. We were never informed kung ano ang nangyari," added the veteran actor na isa sa siyam na kasama sa movie.
Kabilang sa senior actors sina Eddie Garcia, Liza Lorena, Robert Arevalo, Gina Pareño, Mila Ocampo, Tommy Abuel and three other veteran actors na nalimutan ko na.
Last year pa supposedly gagawin ang nasabing movie pero wala lang, as in wala lang at parang hindi sila kinunan ng working visa na ang pakiramdam nila noon ay tuloy na tuloy ang project.
"Matagal din kaming nakipag-meeting sa kanila. Marami kaming ibinigay na documents," recalled the veteran actor na nakakuwentuhan ko three days ago.
Now, expired na ang working visa na nakuha nila at hindi na sila nagi-expect na matutuloy pa ang nasabing project.
Si Mr. Romeo Joven din ang kausap nila sa nasabing project.
Where is Mr. Joven na kaya? Nandito pa ba siya sa bansa o nasa America na? Wala na kaming balita sa kanya.
But in fairness, gumastos din naman daw si Mr. Joven yun nga lang, parang forever dream ang mga plano niya sa mga local actors natin.
May ilan na palang lady lawyer na tumanggi na i-handle ang kaso ng isang TV host. As in ayon sa source, naghahanap kasi ang kampo ng TV host ng lady lawyer para ma-lighten ang impact sa tao ng isinampang kaso laban sa kanya ng dating asawa. Pero parating no ang answer ng mga lady lawyer na tinatanong nila. Mismong malapit sa TV host ang nagkuwento tungkol dito.
Well, maybe feel ng mga lawyer na mahirap idepensa ang kaso ng TV host dahil hindi ito ang unang pagkakataon na nademanda ang TV host.
Grabe raw kasi ang nakalagay sa affidavit na filed by his wife. Meron pa raw don word na perennial womanizer. Naka-specify din umano don ang ginawa nitong pagbitbit sa anak na iilang buwan pa lang ng iisang kamay. "Grabe, shocking talaga ang mga inilagay ng wife niya. Ganun pala yun," say ng source na binasa sa kanya ang copy ng affidavit.
Anyway, ang last daw na nali-link sa TV host na ito ay isang married woman na nadiskubre ng wife kamakailan lang.
Isa pang kuwento ay ang tungkol sa isang designer na nangangailangan ngayon ng financial support. Unti-unting nababawasan ang savings ng designer dahil sa kanyang pagpapa-dialysis kaya bigla raw nitong naalala ang di nabayarang talent fee sa kanya ng isang executive producer ng isang network na nag-hire sa kanya during the Centennial celebration.
Actually, halos isang dekada na nga ang nakakalipas pero ang siste, parang inilista raw yata sa tubig ang nasabing utang dahil hindi na naalalang bayaran ang designer.
Hay sana nga ay maalala ng executive producer na may hindi siya nabayaran. Kailangan ng bading na designer ang datung.
Salve V. Asis e-mail - [email protected]
Kasama sa promise ng produ ang pagkakaroon ng membership card ng Screen Actors Guild of America ang mananalo at makakasama sa ilang TV shows at pelikula sa America. Pero sadly, walang nangyari.
Paging Mr. Romeo Joven?
Another story na parang forever dream na rin lang ay ang pelikulang Wrinkles. Gosh, say nga ng isang veteran actor na supposedly ay kasama sa pelikula, tuluy-tuloy ang pagdami ng wrinkles nila sa mukha, pero ang movie na plinano para gawin nila, nawalang parang bula. "Almost two months kaming nagmi-meeting. Alam mo yun. Luncheon, dinner, meetings. Nagpupunta pa kami noon sa Tagaytay kasi supposedly may partner na may-ari ng isang gourmet place sa Tagaytay ang producer ng movie. Waste of time lang pala," kuwento ng isang veteran actor na ayaw na lang magpa-mention ng name.
"Ni ha ni ho, wala kaming narinig. Basta na lang may tumawag na may problema raw don sa Amerika kaya hold muna. After that, wala na. We were never informed kung ano ang nangyari," added the veteran actor na isa sa siyam na kasama sa movie.
Kabilang sa senior actors sina Eddie Garcia, Liza Lorena, Robert Arevalo, Gina Pareño, Mila Ocampo, Tommy Abuel and three other veteran actors na nalimutan ko na.
Last year pa supposedly gagawin ang nasabing movie pero wala lang, as in wala lang at parang hindi sila kinunan ng working visa na ang pakiramdam nila noon ay tuloy na tuloy ang project.
"Matagal din kaming nakipag-meeting sa kanila. Marami kaming ibinigay na documents," recalled the veteran actor na nakakuwentuhan ko three days ago.
Now, expired na ang working visa na nakuha nila at hindi na sila nagi-expect na matutuloy pa ang nasabing project.
Si Mr. Romeo Joven din ang kausap nila sa nasabing project.
Where is Mr. Joven na kaya? Nandito pa ba siya sa bansa o nasa America na? Wala na kaming balita sa kanya.
But in fairness, gumastos din naman daw si Mr. Joven yun nga lang, parang forever dream ang mga plano niya sa mga local actors natin.
Well, maybe feel ng mga lawyer na mahirap idepensa ang kaso ng TV host dahil hindi ito ang unang pagkakataon na nademanda ang TV host.
Grabe raw kasi ang nakalagay sa affidavit na filed by his wife. Meron pa raw don word na perennial womanizer. Naka-specify din umano don ang ginawa nitong pagbitbit sa anak na iilang buwan pa lang ng iisang kamay. "Grabe, shocking talaga ang mga inilagay ng wife niya. Ganun pala yun," say ng source na binasa sa kanya ang copy ng affidavit.
Anyway, ang last daw na nali-link sa TV host na ito ay isang married woman na nadiskubre ng wife kamakailan lang.
Actually, halos isang dekada na nga ang nakakalipas pero ang siste, parang inilista raw yata sa tubig ang nasabing utang dahil hindi na naalalang bayaran ang designer.
Hay sana nga ay maalala ng executive producer na may hindi siya nabayaran. Kailangan ng bading na designer ang datung.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended