Mark Herras, gustong mag-aksyon
October 12, 2006 | 12:00am
Inamin ni Mark Herras na gusto niyang sundan ang yapak ng kanyang idolong si Robin Padilla.
"Gusto kong sumabak sa aksyon gaya niya, gusto ko ring magkaroon ng acting award tulad niya. Pwede siya sa komedi, aksyon at kahit sa drama. Hanga ako kay Binoe," aniya.
Sa kabilang banda, nag-enjoy siya sa Super Noypi kung saan may power siya ng telekinesis at kapag nagko-concentrate ay napapagalaw niya ang mga bagay.
Kaya lang, inamin ni Mark na naiilang siya kapag tinatawag na kuya sa kanilang grupo. Katwiran kasi nito ay mas matanda pa sa kanya si Polo Ravales pero kuya pa rin siya nito sa movie.
Takot sa heights si Jennylyn Mercado pero dahil napaka-propesyunal nito at mahal ang trabaho, hindi ito nagpa-double sa delikadong stunt nang maglambitin sa helicopter na ang taas ay higit pa sa 100 ft. para sa pelikulang Super Noypi.
"Di ako kailangang magpa-double dahil di pwedeng dayain at kita ang mukha ko. Sarap ng feeling at di naman ako nalula. Naka-take one lang ako sa eksena," aniya.
Ang una palang plano ay maglalambitin lang siya. Nang mag-suggest ang director na gawin itong totohanan ay pumayag naman si Jen na maglambitin sa helicopter at hindi ininda ang nerbyos dahil gusto niyang maging makatotohanan ang eksena.
Sa ginawa niyang ito ay humanga sa kanya nang husto ang kanyang stunt director na si Philip Kho na taga-Hongkong.
Ipinakikita rin ni Jen ang galling niya sa martial arts sa Super Noypi.
Ibang klase ang pagiging propesyonal ni Tirso Cruz III. Noong Lunes ay nagsyuting ito ng Mano Po 5 ganap na alas otso ng umaga gayung namatay ang ina nito ng alas sais ng umaga ding yun.
Itoy pagpapakita lang ng aktor na mahal niya ang tabaho at ayaw maapektuhan ang syuting ayon kay Direk Manny Valera.
Naniniwala si Pip bilang aktor sa kasabihang "the show must go on" kahit namatayan ng ina.
Ang multi-awarded dance teacher na si Shirley Halili Cruz ay tatanggap ng 2006 Global Excellence Hall of Fame Award for Dance Education and Ballet sa 2006 Global Excellence Awards at 25th Annual People Choice Awards ngayong gabi (October 12) sa ganap na 7PM sa Meralco Theater.
Kasama niyang pararangalan sina Pilita Corrales at Jasmine Trias.
Si Shirley Halili ay consistent honoree ng Asia Pacific Awards Council at pinuno ng Quezon City Ballet na naging Grand Slam Winner sa 2006 Asia-Pacific Ballet Dance Competition sa Singapore.
Panay ang deny ng sikat na aktres na hindi siya nililigawan ng sikat na young actor na kasama niya sa pelikula. Sabi nito ay magkaibigan lang sila.
Pero nadulas ang director at sinabing nahuli niyang naghahalikan ang dalawa sa set. Di man aminin, inspirado ngayon ang seksing young actress dahil sa aktor na taga-kabilang network.
Ang young actress ay magaling sa character role at mabenta sa teleserye. EMY ABUAN-BAUTISTA
"Gusto kong sumabak sa aksyon gaya niya, gusto ko ring magkaroon ng acting award tulad niya. Pwede siya sa komedi, aksyon at kahit sa drama. Hanga ako kay Binoe," aniya.
Sa kabilang banda, nag-enjoy siya sa Super Noypi kung saan may power siya ng telekinesis at kapag nagko-concentrate ay napapagalaw niya ang mga bagay.
Kaya lang, inamin ni Mark na naiilang siya kapag tinatawag na kuya sa kanilang grupo. Katwiran kasi nito ay mas matanda pa sa kanya si Polo Ravales pero kuya pa rin siya nito sa movie.
"Di ako kailangang magpa-double dahil di pwedeng dayain at kita ang mukha ko. Sarap ng feeling at di naman ako nalula. Naka-take one lang ako sa eksena," aniya.
Ang una palang plano ay maglalambitin lang siya. Nang mag-suggest ang director na gawin itong totohanan ay pumayag naman si Jen na maglambitin sa helicopter at hindi ininda ang nerbyos dahil gusto niyang maging makatotohanan ang eksena.
Sa ginawa niyang ito ay humanga sa kanya nang husto ang kanyang stunt director na si Philip Kho na taga-Hongkong.
Ipinakikita rin ni Jen ang galling niya sa martial arts sa Super Noypi.
Itoy pagpapakita lang ng aktor na mahal niya ang tabaho at ayaw maapektuhan ang syuting ayon kay Direk Manny Valera.
Naniniwala si Pip bilang aktor sa kasabihang "the show must go on" kahit namatayan ng ina.
Kasama niyang pararangalan sina Pilita Corrales at Jasmine Trias.
Si Shirley Halili ay consistent honoree ng Asia Pacific Awards Council at pinuno ng Quezon City Ballet na naging Grand Slam Winner sa 2006 Asia-Pacific Ballet Dance Competition sa Singapore.
Pero nadulas ang director at sinabing nahuli niyang naghahalikan ang dalawa sa set. Di man aminin, inspirado ngayon ang seksing young actress dahil sa aktor na taga-kabilang network.
Ang young actress ay magaling sa character role at mabenta sa teleserye. EMY ABUAN-BAUTISTA
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
20 hours ago
20 hours ago
Recommended