Jolina, napagkamalang dose anyos!
October 11, 2006 | 12:00am
Nang minsang mag-guest ang Von Trapp Children sa Unang Hirit ay napagkamalan ng Amerikanong pianista ng grupo na si Mark Jones na dose anyos lamang si Jolina Magdangal.
"Shes very cute. I guests shes twelve years old," sey uli ng pianista.
Tinawag ko si Jolens at sinabi ang pahayag ng pianista tungkol sa kanyang edad. Tawa ito nang tawa at nang tumabi kay Justin na kasama sa Von Trapp Children na dose anyos din ay bigla itong nag-dialogue ng "O, di ba bagay kami, parehong twelve years old?"
Sexy na uli si Glydel Mercado matapos itong manganak at ngayon ay balik-TV ito via My Destiny ng ABS-CBN. Kasama niya rito si Tonton Gutierrez at ang loveteam nina Kim Chiu at Gerald Anderson.
Bukod sa paglabas sa TV ay may inaasikaso silang negosyo ni Tonton. Kumuha sila ng franchise ng isang whitening soap na siya rin ang endorser.
Nag-audition sa GMA ang maraming bata para sa Bakekang noon kung saan nahirapan sila sa paghahanap ng magandang sanggol o bata na akma sa karakter ni Kristal.
Pero ayon sa taga-Siete, mas maraming nag-audition ng mga di kagandahang bata na gaganap sa papel ni Charming.
Sa kabilang banda, napakagaling ng dalawang bata sa Bakekang at bagay sila sa role nina Kristal at Charming. Nata-touch ang maraming manonood sa feedback na natatanggap lalo na kapag umiiyak at inaapi si Charming ng kanyang inang si Bakekang.
Nakwento ng isang multi-awarded na aktres na hindi maganda ang mga inaasal ngayon ng mga kabataang artista. Wala silang galang at dinadaan-daanan na lang sila ayon pa sa aktres.
Kwento ng isang multi awarded actress na minsan ay na-late sa taping ang kasamahang young actress na gumagawa na ngayon ng pangalan kaya napagsabihan ito ni Direk. Pero ni hindi man lang humingi sa kanya at sa ibang kasamahang artista ng paumanhin gayung maaga pa ay narun na sila sa set.
Pasaway ang young actress kaya sabi nga ng premyadong aktres ay dapat turuan din ito ng good manners. EMY ABUAN-BAUTISTA
"Shes very cute. I guests shes twelve years old," sey uli ng pianista.
Tinawag ko si Jolens at sinabi ang pahayag ng pianista tungkol sa kanyang edad. Tawa ito nang tawa at nang tumabi kay Justin na kasama sa Von Trapp Children na dose anyos din ay bigla itong nag-dialogue ng "O, di ba bagay kami, parehong twelve years old?"
Bukod sa paglabas sa TV ay may inaasikaso silang negosyo ni Tonton. Kumuha sila ng franchise ng isang whitening soap na siya rin ang endorser.
Pero ayon sa taga-Siete, mas maraming nag-audition ng mga di kagandahang bata na gaganap sa papel ni Charming.
Sa kabilang banda, napakagaling ng dalawang bata sa Bakekang at bagay sila sa role nina Kristal at Charming. Nata-touch ang maraming manonood sa feedback na natatanggap lalo na kapag umiiyak at inaapi si Charming ng kanyang inang si Bakekang.
Kwento ng isang multi awarded actress na minsan ay na-late sa taping ang kasamahang young actress na gumagawa na ngayon ng pangalan kaya napagsabihan ito ni Direk. Pero ni hindi man lang humingi sa kanya at sa ibang kasamahang artista ng paumanhin gayung maaga pa ay narun na sila sa set.
Pasaway ang young actress kaya sabi nga ng premyadong aktres ay dapat turuan din ito ng good manners. EMY ABUAN-BAUTISTA
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended