Gina, saludo kay Angel!
October 10, 2006 | 12:00am
Very vocal sa pagsasabi si Gina Alajar na saludo siya kay Angel Locsin pagdating sa pagmamahal sa trabaho.
"Naidirek ko na siya at napaka-propesyonal ni Angel. Kapag natapos ang taping ng 4am at ang calltime ay 8am ay di mo siya makikitang nakasimangot. She loves her work kaya sinuswerte siya. Sana lahat ng kabataang artista ay gayahin siya," aniya.
Magkasama ang dalawa sa Mano Po 5.
Katakut-takot na awards na ang natanggap ng Academy Award winner na si Nicolas Cage na hindi lang magaling sa drama at komedi kaya nakilala bilang isa sa pinaka-versatile actor sa Amerika. Ang Leaving Las Vegas ang nagbigay sa kanya ng Academy Award gayundin ang pagtanggap niya ng karangalan ng Golden Globe at Best Actor Awards mula sa New York Film Critics Circle, Los Angeles Film Critics Association at Chicago Film Critics at National Board Review.
Kay gandang pagmasdan ng mga magaganda at gwapong mga kalalakihan na napapanood natin sa komersyal. Ngayon ay makikilala natin silang mabuti dahil panauhin sa SiS ang mga comercial model na sina Antonette Garcia, Chico Casimiro, Will Devaughn, Cherry Malvar, Maricor Canlas at iba pa.
Paano kaya sila natuklasan at ano kaya ang mga talents nila? Sasabihin din nila ang mga paborito nilang linya at sasabak din sa kakaibang SiS Challenge ngayong umaga.
May nakapagsyete na nagbago na raw ng pag-uugali ang maganda at seksing TV host sapul nang madikit sa isang sikat na celebrity. Kung dati raw na palabati ito, ngayon feeling reyna na at parang di na sila kilala.
Karinyosa at palakaibigan ito at sana ma-realize niya na pana-panahon lang ang pagiging sikat kung ano ang taas ng lipad ay siya ring sakit ng pagbagsak nito.
PASASALAMAT: Sa ABS-CBN sa ibinigay nilang magandang advanced b-day gift. EMY ABUAN-BAUTISTA
"Naidirek ko na siya at napaka-propesyonal ni Angel. Kapag natapos ang taping ng 4am at ang calltime ay 8am ay di mo siya makikitang nakasimangot. She loves her work kaya sinuswerte siya. Sana lahat ng kabataang artista ay gayahin siya," aniya.
Magkasama ang dalawa sa Mano Po 5.
Paano kaya sila natuklasan at ano kaya ang mga talents nila? Sasabihin din nila ang mga paborito nilang linya at sasabak din sa kakaibang SiS Challenge ngayong umaga.
Karinyosa at palakaibigan ito at sana ma-realize niya na pana-panahon lang ang pagiging sikat kung ano ang taas ng lipad ay siya ring sakit ng pagbagsak nito.
PASASALAMAT: Sa ABS-CBN sa ibinigay nilang magandang advanced b-day gift. EMY ABUAN-BAUTISTA
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended