Artistang Koreana, mas sikat pa kesa local stars
October 7, 2006 | 12:00am
Pinag-uusapan nga namin noong isang gabi na ang TV ay isang makapangyarihang medium, at yan ang dahilan kung bakit sa ngayon ay sikat na sikat dito sa ating bansa ang mga artistang Koreano. Lumakad kayo sa Quiapo, at ang naka-display na sa tindahan na mga litrato ng mga artista ay yong mga Koreano.
Magpunta kayo roon sa Makati Cinema Square, at doon sa Metrowalk, kung saan naroroon ang lahat halos ng mga pirated DVD ng mga Korean series, maraming mga fans na naghahanap ng mga series ng mga Koreano.
Na-build up sa Pilipinas ang mga artistang Koreano dahil sa ating local television. Ngayon mas sikat pa sila kaysa sa sarili nating mga artista.
Isang linggo na, hindi pa rin naibabalik ng PLDT ang serbisyo ng telepono sa aming lugar. Ang sabi ng mga gumagawa, wala raw kasi silang stock na optic fiber cables na siyang kailangan. Basta pala naputulan sila ng cable, wala silang pamalit. Pero oras na maningil iyan kumpleto pa rin ang kailangan mong bayaran kahit na wala silang serbisyo. Mukhang sumasama yata ang serbisyo ng PLDT talaga. Dapat payagan na ng gobyerno ang pagpasok ng ibang kumpanya para may mapamilian ang mga tao. Ang Bayantel, nakapag-restore ng telepono makalipas lamang ang dalawang araw. ED DE LEON
Magpunta kayo roon sa Makati Cinema Square, at doon sa Metrowalk, kung saan naroroon ang lahat halos ng mga pirated DVD ng mga Korean series, maraming mga fans na naghahanap ng mga series ng mga Koreano.
Na-build up sa Pilipinas ang mga artistang Koreano dahil sa ating local television. Ngayon mas sikat pa sila kaysa sa sarili nating mga artista.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended