^

PSN Showbiz

CD ni Christian, na-pirate sa Indonesia

-
Naniniwala na kami na talagang sikat  sa Indonesia si Christian Bautista.  Nang magpunta kami kamakailan lang sa Batam, Indonesia, nakatuwaan naming magtanong ng CD ni Christian sa isang mall na aming napuntahan. Agad naghanap ang saleslady at sabay abot sa amin ng isang CD kung saan naroon ang mukha at pangalan ni Christian ganundin ang kanyang mga hit songs.  Ang siste, hindi ito solo ni Christian dahil ang CD album ay naglalaman ng 17 hit songs kung saan kasama ang iba pang sikat na awitin sa Indonesia. Hindi rin orihinal ang CD album kundi pirata.  Wala itong ipinagkaiba sa mga pirated CDs na inilalako dito sa Pilipinas.  Napapagsama sa iisang CD album ang iba’t ibang hit songs ng iba’t ibang mang-aawit mula sa iba’t ibang recording companies.

Yung malaking mall na aming napuntahan (kaisa-isa sa Batam) ay pawang pirated CDs, DVDs at branded items ang ibinibenta.  Bigla tuloy namin naalaala ang 168 Mall sa Divisoria  at iba’t ibang tiangge sa Metro Manila kung saan naglipana ang mga pirated items.
* * *
Napatunayan namin kung gaano kasipag ang mayor ng Cainta, Rizal, ang dating TV broadcaster na si Mon Ilagan ganoon din naman ang ama nina John at Camille Prats na si Dondie Prats sa oras ng kalamidad.

Nang rumagasa ang bagyong  Milenyo, hindi nagpabaya si Mayor Ilagan sa kanyang nasasakupan.  Nag-ikot ito sa kanyang teritoryo at tiningnan kung anong damage ang iniwan ng bagyo at siya’y nagbigay ng mga kaukulang tulong.

Nang dumaan naman ang bagyong Neneng, baha naman  ang naging problema ng Cainta. Agad nag-dispatch si Mayor Mon ng mga truck na masasakyan ng mga na-standed na mga commuters. Nakita rin naming tumulong si Dondie na siyang pangulo ng homeowners assocation ng Village East sa Cainta. Pinabuksan din ni Mayor Mon ang gate ng Makro-Cainta para makapasok ang mga sasakyan at doon muna magpalipas hanggang sa pagbaba ng baha.

Ibig din naming pasalamatan ang pamunuan ng Jollibee-Makro na kahit sarado na sila ng alas-10 ng gabi  at ubos na ang kanilang mga pagkain ay nanatili silang bukas para i-accommodate ang mga taong na-stranded at kasama na kami roon.
* * *
Nung una ay ayaw pang banggitin sa amin ng mag-asawang Jessica Rodriguez at David Bunevacz na ang dating Miss Universe at ex-girlfriend ni Aga Muhlach na si Dayanara Torres ang official image model ng Beverly Hills 6750, ang cosmetic surgery and skin institute na pag-aari ng mag-asawang Jessica at David.  Pero ngayon ay sinabi na nila ito at nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Yari (palayaw ni Dayanara) sa November 11 para sa launch ng nasabing sosyal na beauty clinic na matatagpuan sa ika-11 palapag ng 6750 Ayala Avenue, Makati City.

Tiyak na pagkakaguluhan ang pagdating ni Yari sa Pilipinas na napamahal na rin sa kanya.  Si Yari ay may dalawang anak sa kanyang ex-husband na si Marc Anthony na mister naman ngayon ni Jennifer Lopez. — ASTER AMOYO

AGA MUHLACH

AYALA AVENUE

BATAM

CAINTA

MAYOR MON

NANG

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with