^

PSN Showbiz

Senator Mar, Korina, ayaw pang pakasal!

-
Sumaludo kami kay Gloria Romero nang kanyang tanggihan ang alok ng GMA-7 para sa isang programa dahil sa kanyang loyalty sa ABS-CBN. Hindi sa hindi siya interesado sa offer ng Kapuso Network pero nahihiya siya sa pamunuan ng Kapamilya Network na naging ‘tahanan’ niya sa loob ng 19 na taon magmula pa nung 1987.

Kung tutuusin, pwedeng tanggapin ni Gloria ang offer ng GMA dahil wala naman itong kontrata at regular TV program ngayon magmula nang magpaalam sa ere ang Okey Fine!.... nung nakaraang Mayo. Meron man siyang dalawang programa ngayon, ang Pedro Penduko at Crazy For You, on a semi-regular basis lamang ito.

"Iba siyempre ang may regular kang pinagkakaabalahan," pahayag ni Gloria. "Hinahanap kasi ng katawan ko ang trabaho. Hangga’t kaya ko pa, gusto kong magtrabaho," aniya.   

Dahil sa magandang gesture at pagiging solidong kapamilya ni Gloria sa ABS-CBN, dapat lang talaga na alagaan siya ng husto ng Star Network.
* * *
Nung nakaraang Mayo 21 ay tatlong taong anibersaryo bilang mag-sweetheart nina Sen. Mar Roxas at ang batikang radio and TV broadcaster na si Korina Sanchez.

Sa nakikita namin, maganda ang chemisry at bagay sina Sen. Mar at Korina at hindi naman siguro tatagal ng mahigit tatlong taon ang kanilang relasyon kung hindi sila nagkakasundo. Pero bakit kaya ayaw pang magpakasal ng dalawa?  What’s keeping them?   
* * *
Ayaw ni Claudine Barretto-Santiago na siya’y pinangungunahan ng balita na siya’y buntis na umano tulad ni Kris Aquino.  Kung buntis umano siya, hindi niya ito itatago at ibabando pa niya sa buong mundo dahil pareho nila itong inaasam ng kanyang mister na si Raymart Santiago. – Aster Amoyo

ASTER AMOYO

CLAUDINE BARRETTO-SANTIAGO

CRAZY FOR YOU

GLORIA ROMERO

KAPAMILYA NETWORK

KAPUSO NETWORK

KORINA SANCHEZ

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with