P1M ang hinihinging danyos ng bro ni Echo, pero P100 thou lang ang gusto nitong ibigay
October 6, 2006 | 12:00am
May isang baguhang director na abut-abot ang pasalamat kay direk Louie Ignacio dahil kung hindi raw dahil sa kanya ay hindi niya mararating ang kinalalagyan niya ngayon, si direk GB Sampedro.
Dating assistant director ni direk Louie si GB sa lahat ng shows na idinirek nito, sa telebisyon, music videos ng mga kilalang singer, concerts at iba pa, bukod pa sa tv commercials na nagawa na rin niya sa mga kilalang director na sina Cholo Laurel at Maryo Sarmiento.
Marahil ay sapat na ang kaalaman ni GB kaya nagpaalam na siya sa kilalang director ngayon ng GMA-7 at nagsolo na.
"Wala naman kasi akong kontrata rin sa GMA, kaya libre naman ako maski saan, pero siyempre hindi ko makakalimutan si direk Louie kasi siya ang mentor ko talaga, if not for him, wala ako ngayon sa kinatatayuan ko," pahayag ni GB.
Isa si GB sa baguhang talent ni Boy Abunda at Bong Quintana ng Backroom, Inc. bukod pa kay Leo Oracion, ang unang Pinoy na narating ang tuktok ng Mt. Everest.
Going back to GB, may bago siyang programa ngayon sa ABS-CBN na magsisimula na sa Lunes, October 9 pagkatapos ng Bandila, ang Real Pinoy Fighter na ang producer ay ang anak ni Mr. Freddie M. Garcia na si Miguel Garcia.
Hindi exclusive ang kontrata ni GB sa Dos dahil blocktimer ang nasabing reality show na tatagal ng 13 weeks lang.
Pinadalhan ng sulat ni Jeremiah Rosales ang ina ng dalawa niyang anak na si Jane "Ethel" Gonowon at nakikiusap na iurong na ang demanda sa kanilang mag-ina dahil nasisira na raw ang reputasyon nilang mag-anak bukod pa sa hina-hayblad ang kanyang ina na may edad na at huwag na raw magpapa-interview sa media.
Nabanggit pa na naghulog na raw ang kapatid ni Jericho ng P9,000 sa ATM para sa mga anak.
"Suhol yata yun para iurong ko ang demanda, ano ako, bale, aanhin ko ang P9,000?" inis na kuwento ni Ethel sa amin.
At napag-alaman din naming nakikipag-areglo pala si Jeremiah sa pamamagitan ng abogado niya sa mga abogado ni Ethel na sina Atty. Rizalino Balbin at Vince Romarate.
"Nakikipag-areglo po sa halagang P100 thousand pesos, e, ayaw ko po at ayaw din ng mga abogado ko, masyadong maliit yun para sa apat na kaso nila at saka kulang pang pangbayad ko sa dalawang abogado ko no!" kwento ni Ethel sa amin.
Isang milyong pisong danyos, bukod pa sa attorneys fee at buwanang sustento sa mga anak ang halagang hinihingi ni Ethel para iurong niya ang demanda at kung hindi ito maibibigay ng struggling actor, tuloy ang nasabing kaso. Reggee Bonoan
Dating assistant director ni direk Louie si GB sa lahat ng shows na idinirek nito, sa telebisyon, music videos ng mga kilalang singer, concerts at iba pa, bukod pa sa tv commercials na nagawa na rin niya sa mga kilalang director na sina Cholo Laurel at Maryo Sarmiento.
Marahil ay sapat na ang kaalaman ni GB kaya nagpaalam na siya sa kilalang director ngayon ng GMA-7 at nagsolo na.
"Wala naman kasi akong kontrata rin sa GMA, kaya libre naman ako maski saan, pero siyempre hindi ko makakalimutan si direk Louie kasi siya ang mentor ko talaga, if not for him, wala ako ngayon sa kinatatayuan ko," pahayag ni GB.
Isa si GB sa baguhang talent ni Boy Abunda at Bong Quintana ng Backroom, Inc. bukod pa kay Leo Oracion, ang unang Pinoy na narating ang tuktok ng Mt. Everest.
Going back to GB, may bago siyang programa ngayon sa ABS-CBN na magsisimula na sa Lunes, October 9 pagkatapos ng Bandila, ang Real Pinoy Fighter na ang producer ay ang anak ni Mr. Freddie M. Garcia na si Miguel Garcia.
Hindi exclusive ang kontrata ni GB sa Dos dahil blocktimer ang nasabing reality show na tatagal ng 13 weeks lang.
Nabanggit pa na naghulog na raw ang kapatid ni Jericho ng P9,000 sa ATM para sa mga anak.
"Suhol yata yun para iurong ko ang demanda, ano ako, bale, aanhin ko ang P9,000?" inis na kuwento ni Ethel sa amin.
At napag-alaman din naming nakikipag-areglo pala si Jeremiah sa pamamagitan ng abogado niya sa mga abogado ni Ethel na sina Atty. Rizalino Balbin at Vince Romarate.
"Nakikipag-areglo po sa halagang P100 thousand pesos, e, ayaw ko po at ayaw din ng mga abogado ko, masyadong maliit yun para sa apat na kaso nila at saka kulang pang pangbayad ko sa dalawang abogado ko no!" kwento ni Ethel sa amin.
Isang milyong pisong danyos, bukod pa sa attorneys fee at buwanang sustento sa mga anak ang halagang hinihingi ni Ethel para iurong niya ang demanda at kung hindi ito maibibigay ng struggling actor, tuloy ang nasabing kaso. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended