Na-expel kasi masyadong tahimik
October 6, 2006 | 12:00am
Sayang ang huling na-expel sa Pinoy Dream Academy na si Geoff Taylor. Guwapo kasi siya, mataas at magaling kumantat mag-gitara. Di ko lang kasi alam kung ano talaga ang hinahanap ng PDA kasi yung mga potential winners ay isa-isa nang pinatatalsik ng mga natitira pa sa loob. Baka ang kalalabasan nito ay yung least expected ng TV viewers na manalo ang matitira. Eto ang DISADVANTAGE ng text voting. Natitira ang di dapat matira.
Anyways, anak ng isang Amerikano at inang Pinay si Geoff pero, sa email lang sila nagkakausap ng kanyang ama. Ni minsan ay di niya ito nakita. Pagtuntong niya ng 18 y/o ay tumigil na ito ng pagsustento sa kanya pero, kung gugustuhin niya ay kinukuha siya nito sa US pero maiiwan ba niya ang kanyang inang umaruga sa kanya?
Unti-unti nang nakikilala sa modeling world si Geoff bago siya nag-PDA at baka pagmo-modelo rin ang atupagin niya kapag nawala na ang usok ng PDA at natapos na niya ang 2 taon niyang kontrata rito.
Matagal na rin sa Maynila si Geoff pero, halata pa rin ang kanyang puntong Ilokano. Di ito nagbibigay ng alalahanin sa kanya dahil di niya kailangang magsalita kapag rumarampa at kapag kumakanta siya ay nawawala ang kanyang punto.
Kinantahan niya ang press nang humarap siya rito kamakailan lamang at magaling siya, Tagalog man o Ingles ang kanta at kung bagets ang awitin. Na-disappoint lang ako nang completely niyang baguhin ang tono ng "If" ng Bread. Veronica R. Samio

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended