^

PSN Showbiz

Sarah, pinababalik ng mga Pinoy sa Amerika!

-
Due to insistent public demand, babalik si Sarah sa America para sa kanyang The Other Side of Sarah US Tour Part 2. Sa November 10 sa Anaheim, November 11 Washington, November 12 Las Vegas at to be announced pa ang venue ng iba.

Naging super successful ang one month tour ni Sarah sa America last August. As in lahat ng puntahan niyang lugar sa America, parating puno ang venue.

In fact, standing ovation pa nga raw ang binibigay ng mga kababayan nating Pinoy lalo na pag kinakanta na niya ang Bituing Walang Ningning kung saan siya ang major star na magtatapos na ngayong gabi. Hindi pa man daw nag-uumpisa ang show, Dorina na ang isinisigaw ng mga tao.

Nakarating si Sarah ng San Diego, California, Los Angeles, San Francisco, Alaska, Chicago, Honolulu and Maui.

Si Sarah din ang kauna-unahang Filipino performer na nagtanghal sa Harris Theater for Music and Dance of Millennium Parks sa Chicago. Bago ang nasabing theater ay iilan pa lang ang nakakapag-concert doon.

Hindi rin siyempre malilimutan ang cancer patient na nakiusap kung puwede niyang mapanood si Dorina (character ni Sarah sa Bituing Walang Ningning) na kasalukuyang naka-confine noon sa isang hospital sa Los Angeles. Ang ginawa, binitbit ang lahat ng mga nakakabit sa hospital bed ng pasyente at isinakay sa van para lang makita ang inaabangan nitong si Sarah sa concert nito.

"After niyang makita si Sarah, sinabi agad niyang puwede na siyang mamatay," recalled ng companion ni Sarah.

BITUING WALANG NINGNING

DORINA

HARRIS THEATER

HONOLULU AND MAUI

LAS VEGAS

LOS ANGELES

MUSIC AND DANCE OF MILLENNIUM PARKS

OTHER SIDE OF SARAH

SA NOVEMBER

SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with