Robin, seryoso kay Regine!
September 30, 2006 | 12:00am
Narinig namin ikinukwento ni Robin Padilla ang love scene nila ni Regine Velasquez sa Till I Met You. Kinailangang magbawas ng tao dahil maselan ang eksena at bukod sa kanilang dalaway si direk Mark Reyes, ang cameraman at assistant cameraman lang ang present.
"Hindi pwede ang maraming tao sa set. Panoorin nyo kung may suot kaming damit o wala. First time kong gumawa ng ganung love scene na passionate at may nakitang skin sa amin. Walang acting yun at walang warning si Regine, tuluy-tuloy lang kami sa ginagawa namin. One hour kinunan yun at ilang minutes lang mapapanood sa movie," sabi ni Robin.
Game na game makipag-tsikahan si Robin that night at lahat ng tanong pati pilyong questions, sinagot. Hindi raw sila nadala sa mainit na love scene at two very passionate kissing scenes.
"Pero, kung walang camera, napagsamantalahan ko siya. Tutal, sanay naman ako sa kulungan dahil three years akong nakulong. Kayang-kaya natin yun at siguro naman, after three years, may maaawa sa akin at mapa-parole ako," sabi nitong nakatawa.
Nilinaw ni Robin na kaya naman siya sobrang sweet kay Regine at kulang na lang, maging sila ay dahil alam niyang libre ito at walang commitment. Kapag ang leading lady niya ay married o may boyfriend, di siya pumapapel.
Ang alam ni Robin, nanliligaw siya kay Regine pero, bago pa niya maipasok ang kasal isyu, nag-dialogue raw si Regine ng "Ayaw kong maging 2nd, 3rd and 4th niya. Ayaw kong maki-share, gusto ko ako lang, pero di ko ito mahihiling sa kanya dahil way of life niya ito, pinapayagan ng kanyang relihiyon kaya, better na lang na maging friends kami."
Kaya sabi ni Robin magpapalit siya ng plan B at itoy ang masinsinan at matagalang panliligaw sa kapareha. NITZ MIRALLES

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended