Sino ang dapat mauna sa billing, si Dennis o si Angel?
September 30, 2006 | 12:00am
Sino nga ba ang mas malaking artista? Naging isyu ito sa presscon ng TXT, isang co-prod ng Regal Films at APT na kung saan ay tampok sina Dennis Trillo, Angel Locsin at Oyo Boy Sotto.
Isang movie writer ang nakapuna sa billing ng movie na kung saan ay nauna ang pangalan ni Dennis kay Angel. Opinyon yata nito na dapat ay mauna ang name ni Angel dahil mas malaki raw itong artista, nakapag-Darna na ito. Pero, di ba ilang ulit naman nanalo na ng awards si Dennis, at mga major awards ito?
But lets consider this, sa Dangal na isang episode ng Now & Forever TV series ng GMA7 ay mas nauna sa billing si Jennylyn Mercado na tulad ni Dennis ay nananalo na rin ng acting awards. Mas senior na artista si Dennis, so bakit ito pumayag na pumangalawa lamang kay Jennylyn?
"Wala sa amin yang billing," ang magkasabay na pahayag nina Dennis at Angel. " Sino man ang mauna sa amin ay okay lang. We will be judged by our performances."
Obviously, okay din lang ito sa manager ni Angel na di naman tumutol sa pagkakalagay ng pangalan ng kanyang alaga sa billing.
Sa wakas, inamin na rin nina Dennis at Angel na naging sila rin for a time. Ito ay nung wala pa sa buhay ni Angel si Oyo Boy. At walang ilangang naganap sa pagitan nilang tatlo habang ginagawa nila ang TXT, isang horror film na unang pelikulang dinirek ni Michael Tuviera.
Sayang at walang nagtanong kung bakit naging hindi na sila at nakapasok si Oyo Boy sa pakikipag-relasyon kay Angel.
Isang simpleng bata lamang from Manila ang tinanghal na unang defending Pop Star Kids. Pinili siya ng mga judges na sina Ayen Munji-Laurel, Sushi Reyes at Arnell Ignacio dahilan sa kanyang exotic looks at style ng pagkanta. Siya si Jessica Reynoso.
Bukas sa QTV Channel 11 Where Superstars are Born lalabanan siya nina Shalina Yamat, Ruby Villanueva at Anjeanette Japor! Ma-protektahan kaya niya ang kanyang korona?
Makikipag-jamming ang Pop Star Kids sa bandang Mojo Fly. Babalik din ang Year 1 grand finalists na sina Pocholo, Renzo, Vanessa at Julie Anne kasama ang first Pop Star Kid na si Rita para maghandog ng isang musical number. Guest hosts bukas sina Drew Arellano at Camille Prats.
E-mail: [email protected]
Isang movie writer ang nakapuna sa billing ng movie na kung saan ay nauna ang pangalan ni Dennis kay Angel. Opinyon yata nito na dapat ay mauna ang name ni Angel dahil mas malaki raw itong artista, nakapag-Darna na ito. Pero, di ba ilang ulit naman nanalo na ng awards si Dennis, at mga major awards ito?
But lets consider this, sa Dangal na isang episode ng Now & Forever TV series ng GMA7 ay mas nauna sa billing si Jennylyn Mercado na tulad ni Dennis ay nananalo na rin ng acting awards. Mas senior na artista si Dennis, so bakit ito pumayag na pumangalawa lamang kay Jennylyn?
"Wala sa amin yang billing," ang magkasabay na pahayag nina Dennis at Angel. " Sino man ang mauna sa amin ay okay lang. We will be judged by our performances."
Obviously, okay din lang ito sa manager ni Angel na di naman tumutol sa pagkakalagay ng pangalan ng kanyang alaga sa billing.
Sayang at walang nagtanong kung bakit naging hindi na sila at nakapasok si Oyo Boy sa pakikipag-relasyon kay Angel.
Bukas sa QTV Channel 11 Where Superstars are Born lalabanan siya nina Shalina Yamat, Ruby Villanueva at Anjeanette Japor! Ma-protektahan kaya niya ang kanyang korona?
Makikipag-jamming ang Pop Star Kids sa bandang Mojo Fly. Babalik din ang Year 1 grand finalists na sina Pocholo, Renzo, Vanessa at Julie Anne kasama ang first Pop Star Kid na si Rita para maghandog ng isang musical number. Guest hosts bukas sina Drew Arellano at Camille Prats.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended