Oreo, hindi agad sumusuko!
September 29, 2006 | 12:00am
Kaibigan at kasamahan ni Oreo Vamenta si Mark Bautista sa boy band na Voiz Male sa Cagayan de Oro. At maski na nung umalis si Mark at pumunta ng Maynila ay nanatili sa grupo na naging lubhang popular sa kanilang bayan.
Katulad ni Mark ay na-realize niyang para umunlad ang kanyang pagkanta ay kailangang makipagsapalaran siya sa Maynila.
Three years ago na ito. Unang pakikipagsapalaran niya ay sa Vivas Search For A Star. Napabilib niya ang screening panel kaya ipinasa niya ang lahat ng levels of audition. Pero, di pa niya time para magkapangalan, nakatakda na ang grand finals kaya kahit nakapasa na siya, di siya nakita sa TV.
Susunod niyang test ay sa Pinoy Pop Superstar. Ilang ulit siyang namayani sa weekly pero pagdating sa grand finals, di siya nakasama.
Mukhang di siya nalilinya sa mga singing contests kaya nag-join siya sa mga bandang Vagabond at Ntwine. Kung saan-saan siya nakakanta kasama ng mga nasabing grupo at gumaling din siya dahil nahasa ng husto.
Nakasali na siya ng dalawang ulit sa Search for the Star in a Million, una nung mag-reyna si Frenchie Dy, at ikalawa, nun namang nanalo si Kris Lawrence. Di rin sila pinalad mapasali sa grand finals. At bago pa siya makaramdam ng kabiguan, nadiskubre siya ng mga may-ari ng Balay Artist Entertainment at pinagawan ng isang self-titled CD Light, na naglalaman ng "Iyong Binigay", "Sana", "Suddenly" (duet nila ni Pauleen Luna), "Gooddbye" at "Ikaw Pa Lang".
Inisip ni Oreo na kung sumuko agad siya nang di maging grand champion sa mga sinalihan niyang mga singing contest, hindi sana siya nakagawa ng album at nagsisimula nang makilala bilang isang singer.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended