Angel, ayaw ipapanood kay Oyo ang kissing scene nila ni Dennis!
September 27, 2006 | 12:00am
Inamin ni Angel Locsin na nalulungkot siya sa pagtatapos ng Majika kung saan nagkaroon sila ng bonding ng mga kasamahang artista sa fantaserye.
Noong wala pa sa cast ang boyfriend na si Oyo Boy Sotto ay nagseselos din pala ito laluna kapag may kissing scene sila ng leading man na si Dennis Trillo.
"Tinatakpan ko ang mga mata niya kapag nanonood kami ng TV na may kissing scene kaming dalawa ni Dennis," ani Angel.
Pero ayon sa magandang aktres, hindi naman nagkailangan ang dalawa nang magkasama sa Majika at naging mabuti pa ngang magkaibigan.
Sa kabilang banda, excited na rin si Angel dahil may kasunod na siyang show kung saan makakasama nito si Robin Padilla.
Nanggaling sa angkan ng mga artista si Cherie Gil kaya pabor din itong mag-artista ang anak kung talagang hilig nito. Apat ang anak ng magaling na aktres at ang panganay ay si Jay na nag-aaral sa Ateneo University.
Sa kabilang banda, inamin ni Cherie na weird ang relasyon nila ngayon ng kanyang asawa.
"We have been together for 20 years pero we are separated physically but still emotionally connected. We try to make both ends meet and kahit hiwalay kami my kids are secure," anang aktres.
Sa Dangal ng Now and Forever ay gagampanan ni Cherie ang papel ng isang misteryosong babae (Chandra) na sumumpang maghihiganti laban sa pamilya ni Alta (Jennylyn Mercado).
N
Enjoy ngayon si Gardo Versoza sa mga proyektong naibibigay sa kanya at feeling nito ay fulfilled na siya as an actor.
Sa Atlantika, gagampanan nito ang papel ni Haring Agat na papasok sa mundo ng mga mortal para hanapin ang mga prinsesa at malampasan ang lahat ng pagsubok kabilang na ang pakikipaglaban nito kay Piranus na ginampanan ni Paolo Contis.
"Mahirap din ang mga eksena dahil kailangan kong mag-training sa hand-to-hand combat para sa fight scenes."
Bukod sa teleserye ay umaasa rin ito na sanay matuloy ang proyektong ididirek ni Mario OHara sa buwang ito kung saan isang datu ito. Kaya ngayon pa lang ay abala ito sa weight training.
Noong wala pa sa cast ang boyfriend na si Oyo Boy Sotto ay nagseselos din pala ito laluna kapag may kissing scene sila ng leading man na si Dennis Trillo.
"Tinatakpan ko ang mga mata niya kapag nanonood kami ng TV na may kissing scene kaming dalawa ni Dennis," ani Angel.
Pero ayon sa magandang aktres, hindi naman nagkailangan ang dalawa nang magkasama sa Majika at naging mabuti pa ngang magkaibigan.
Sa kabilang banda, excited na rin si Angel dahil may kasunod na siyang show kung saan makakasama nito si Robin Padilla.
Sa kabilang banda, inamin ni Cherie na weird ang relasyon nila ngayon ng kanyang asawa.
"We have been together for 20 years pero we are separated physically but still emotionally connected. We try to make both ends meet and kahit hiwalay kami my kids are secure," anang aktres.
Sa Dangal ng Now and Forever ay gagampanan ni Cherie ang papel ng isang misteryosong babae (Chandra) na sumumpang maghihiganti laban sa pamilya ni Alta (Jennylyn Mercado).
Sa Atlantika, gagampanan nito ang papel ni Haring Agat na papasok sa mundo ng mga mortal para hanapin ang mga prinsesa at malampasan ang lahat ng pagsubok kabilang na ang pakikipaglaban nito kay Piranus na ginampanan ni Paolo Contis.
"Mahirap din ang mga eksena dahil kailangan kong mag-training sa hand-to-hand combat para sa fight scenes."
Bukod sa teleserye ay umaasa rin ito na sanay matuloy ang proyektong ididirek ni Mario OHara sa buwang ito kung saan isang datu ito. Kaya ngayon pa lang ay abala ito sa weight training.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended