Maibalik kaya ni Mayor ER Ejercito ang sigla ng Star Olympics?
September 26, 2006 | 12:00am
Nagsimula na pala nung Setyembre 23 (Sabado) sa Rizal Memorial Sports Complex Badminton ang Star Olympics ng Actors Guild of the Philippines na nasa pamumuno ngayon ni Pagsanjan Mayor ER Ejercito. Wish ko lang na sa pamumuno niya ay mabigyan ng pagpapahalaga ang mga entertainment writers na sa mga nakaraang administrasyon ng Actors Guild of the Philippines ay hindi nabigyan ng importansya. Tinangka naman ng tulad ni Kuya Germs na remedyuhan ito pero, hindi nangyari kaya walang masyadong coverage ang nasabing palaro matangi sa ilang mga kaibigang press ng nagpoprodyus ng Star Olympics.
Para ring unfair yung narinig ko na ang dahilan ng pagkabalam ng taunang sportsfest ng mga artista ay ang kawalan nito ng pondo. Malapit ako kay Kuya Germs kaya alam ko na nang iwan niya ang KAPPT ay mahigit sa P3M ang laman ng kaha. Nagtatampo nga ang mga kagawad ng Board niya nung administrasyon niya dahil ayaw niyang galawin ang pera at gusto niyang may maiwan siyang pondo para sa susunod na administrasyon. Reklamo rin ng Board niya na kulang ang ibinibigay niyang P500 sa kanila kahit pan-taksi lang tuwing may meeting. At para rin di na nga mabawasan ang pondo nila ay si Kuya Germs na ang gumagastos para sa kinakain nila tuwing may meeting sila.
Maaring may ibang dahilan ng pagkakabalam ng Star Olympics pero, Im sure wala ritong kinalaman ang sinasabing kawalan ng pondo.
Opisyal nang nagsimula ang Star Olympics na pagdiriwang din ng ika-25th year ng Actors Guild of the Philippines.
Maraming artista ang naglaro ng badminton. Tinanghal na champions sina Glydel Mercado at Isabel Granada, tinalo nila sina Daisy Reyes at Joy Delorey. Si Isabel din at ang asawa niyang si Councilor Geryk Genaskey ang nag-champion sa Rexona Cup. Runners-up naman sina Geryk at Patrick dela Rosa. Mapapanood ang lahat ng kaganapan sa ABS CBN, 10:30 NG sa Okt. 1 na siya ring araw ng basketball and volleyball matches na magaganap sa Pasig Sports Complex simula sa 8 NU at mapapanood naman sa Okt. 8 same time and same channel.
Ginaganap na ang search for Miss Tropical Philippines. Bukas ito sa lahat ng teenager na Pinay, 13-19 y/o, 53" pataas ang tangkad. May mabuting ugali at mag-aaral. Magkakaron ng final screening para sa 20 official candidates na magiging kalahok para sa Outreach Program, Talent Competition at Swimsuit Competition bago ang Grand Coronation Night. Lahat ng interesado ay pwedeng tumawag sa 4359159 at hanapin si Ms. Sunshine Espiritu para sa mga detalye.
E-mail: [email protected]
Para ring unfair yung narinig ko na ang dahilan ng pagkabalam ng taunang sportsfest ng mga artista ay ang kawalan nito ng pondo. Malapit ako kay Kuya Germs kaya alam ko na nang iwan niya ang KAPPT ay mahigit sa P3M ang laman ng kaha. Nagtatampo nga ang mga kagawad ng Board niya nung administrasyon niya dahil ayaw niyang galawin ang pera at gusto niyang may maiwan siyang pondo para sa susunod na administrasyon. Reklamo rin ng Board niya na kulang ang ibinibigay niyang P500 sa kanila kahit pan-taksi lang tuwing may meeting. At para rin di na nga mabawasan ang pondo nila ay si Kuya Germs na ang gumagastos para sa kinakain nila tuwing may meeting sila.
Maaring may ibang dahilan ng pagkakabalam ng Star Olympics pero, Im sure wala ritong kinalaman ang sinasabing kawalan ng pondo.
Opisyal nang nagsimula ang Star Olympics na pagdiriwang din ng ika-25th year ng Actors Guild of the Philippines.
Maraming artista ang naglaro ng badminton. Tinanghal na champions sina Glydel Mercado at Isabel Granada, tinalo nila sina Daisy Reyes at Joy Delorey. Si Isabel din at ang asawa niyang si Councilor Geryk Genaskey ang nag-champion sa Rexona Cup. Runners-up naman sina Geryk at Patrick dela Rosa. Mapapanood ang lahat ng kaganapan sa ABS CBN, 10:30 NG sa Okt. 1 na siya ring araw ng basketball and volleyball matches na magaganap sa Pasig Sports Complex simula sa 8 NU at mapapanood naman sa Okt. 8 same time and same channel.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended