Pang-enrol na P15,000, naipatalo sa sabong!
September 25, 2006 | 12:00am
Isang bagay na lubhang pinagsisihan ni Jason Abalos na ginawa niya nung nag-aaral pa siya (pansamantala siyang tumigil habang mainit ang kanyang career pero, nangakong tatapusin at tatapusin ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo) ay nang makumbinse ng mga kaibigan na mag-sabong.
"Hindi ko makakalimutan ito dahil talagang pinagsisihan ko ang ginawa ko. Biruin mo, naipatalo ko ang pang-tuition ko na nagkakahalaga ng P15,000 sa isang maghapong paglalaro lamang. Natakot talaga akong umuwi pero alam ko na di ko matatakasan ang ginawa ko. Nagsabi ako sa lolo ko at nangakong di na mauulit yun. Naniwala naman siya kaya sinalo ang problema ko, binigyan niya ako ng pangmatrikula," kwento ni Jason sa tanong na kung ano ang hindi niya malilimutang karanasan sa iskwela sa last presscon ng First Day High na kung saan ay nagbida siyang muli kasama sina Gerald Anderson, Kim Chiu, Maja Salvador at Geoff Eigenmann sa direksyon ni Mario Cornejo.
Impresyon ng marami na isang istriktang ina si Maricel Soriano pero sa totoo lang sinabi nito sa isang interview sa programang Ali ng ABC5 sa Martes, Set. 26 na di pa siya nakakaalis ng bahay ay tinatanong na siya ng mga anak niya kung anong oras siya uuwi at palaging may comment sa kanyang isinusuot. "Masyado silang demanding," reklamo ng magaling na aktres sa kanyang mga anak na sina Chien at Marron na dinaig pa ang sarili niyang ina sa pagiging istrikto.
Di lamang ito ang iri-reveal ni Taray Queen sa kanyang interview, tatalakayin din ang buhay pag-ibig niya at pati ang pagiging single parent, kaya abangan.
Hanggang ngayon ay di pa rin makalimutan ng kaibigan kong si Bles Tejada yung panlolokong ginawa sa kanya ng tatlong may edad nang babae.
May maliit na negosyo itong naglu-load ng cellphone at nagbibenta ng mga prepaid cards sa kanilang bahay sa Tondo.
Isang umaga ay may dumating na tatlong babae na gustong bumili sa kanya ng anim na prepaid cards. Ang tatlo ay nagkakahalaga ng P285 bawat isa at ang tatlo pa ay P295 each. Habang bumibili ay nalaman niya (o sadyang ipinarinig sa kanya) na balikbayan ang isa sa tatlo na nagngangalang Mila.
Nang magbabayad na ito ay nakitang P1,000 lamang ang pera niya, kulang dahil mga P1,750 ang halaga ng anim na prepaid cards. Mayron daw bang sukli sa bills sa $100? Syempre mayron na bahagi ng maliit niyang puhunan sa nasabing negosyo. May P10 siya sa bawat mapagbilhang card kaya nagharimunan ito, sinuklian ang $100. Na nang una niyang tingnan ay mukha namang totoo pero peke pala nang dalhin niya sa money changer.
"Di ko naman naisip na manloloko sila, disente ang ayos nila at may edad na. Palagay ko napalitan yung dollars ng peke sa bayaran," ani Bles na di na makaiyak kahit malaki ang panghihinayang sa nawala sa kanya.
Ang di niya nalaman ay nakunan pala ng larawan ng asawa niyang si Chris ang tatlong babae nang palabas ito ng bahay habang nagbabayaran sila. Ito ang gagamitin nila para ma-trace ang tatlo at hindi na makapanloko pa ng iba.
Si Aiza Marquez ang mangunguna sa gaganaping anniversary celebration ng 888 Fishing Place Bar & Restaurant na matatagpuan sa Covelandia Road sa Binakayan, Kawit Cavite sa Oktubre 6, 8NG.
[email protected]
"Hindi ko makakalimutan ito dahil talagang pinagsisihan ko ang ginawa ko. Biruin mo, naipatalo ko ang pang-tuition ko na nagkakahalaga ng P15,000 sa isang maghapong paglalaro lamang. Natakot talaga akong umuwi pero alam ko na di ko matatakasan ang ginawa ko. Nagsabi ako sa lolo ko at nangakong di na mauulit yun. Naniwala naman siya kaya sinalo ang problema ko, binigyan niya ako ng pangmatrikula," kwento ni Jason sa tanong na kung ano ang hindi niya malilimutang karanasan sa iskwela sa last presscon ng First Day High na kung saan ay nagbida siyang muli kasama sina Gerald Anderson, Kim Chiu, Maja Salvador at Geoff Eigenmann sa direksyon ni Mario Cornejo.
Di lamang ito ang iri-reveal ni Taray Queen sa kanyang interview, tatalakayin din ang buhay pag-ibig niya at pati ang pagiging single parent, kaya abangan.
May maliit na negosyo itong naglu-load ng cellphone at nagbibenta ng mga prepaid cards sa kanilang bahay sa Tondo.
Isang umaga ay may dumating na tatlong babae na gustong bumili sa kanya ng anim na prepaid cards. Ang tatlo ay nagkakahalaga ng P285 bawat isa at ang tatlo pa ay P295 each. Habang bumibili ay nalaman niya (o sadyang ipinarinig sa kanya) na balikbayan ang isa sa tatlo na nagngangalang Mila.
Nang magbabayad na ito ay nakitang P1,000 lamang ang pera niya, kulang dahil mga P1,750 ang halaga ng anim na prepaid cards. Mayron daw bang sukli sa bills sa $100? Syempre mayron na bahagi ng maliit niyang puhunan sa nasabing negosyo. May P10 siya sa bawat mapagbilhang card kaya nagharimunan ito, sinuklian ang $100. Na nang una niyang tingnan ay mukha namang totoo pero peke pala nang dalhin niya sa money changer.
"Di ko naman naisip na manloloko sila, disente ang ayos nila at may edad na. Palagay ko napalitan yung dollars ng peke sa bayaran," ani Bles na di na makaiyak kahit malaki ang panghihinayang sa nawala sa kanya.
Ang di niya nalaman ay nakunan pala ng larawan ng asawa niyang si Chris ang tatlong babae nang palabas ito ng bahay habang nagbabayaran sila. Ito ang gagamitin nila para ma-trace ang tatlo at hindi na makapanloko pa ng iba.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended