^

PSN Showbiz

Melissa Mendez, pakakasalan ng chatmate

RATED A - Aster Amoyo -
Tulad ng isang big-budgeted movie, hindi rin matatawaran ang cast ng Atlantika sa pangunguna ni Dingdong Dantes maging ang mga costumes at sets. Pinangungunahan ni Direk Mark Reyes ang pamamahala ng mala-higanteng programa sa tulong ng tatlo pang director na sina Dingdong Dantes (na actor-director sa programang ito), Mike Tuviera at Zoren Legaspi mula sa magkatulong na panulat nina Jun Lana at Renato Custodio, Jr. habang ang theme song na pinamagatang "Maghihintay Ako" ay inawit ni Regine Velasquez.

Bago ang pagsisimula ng Atlantika sa Oktubre 2, mapapanood muna sa Oktubre 1 ang pagsasagawa at preparasyon ng programa.

Samantala, para mapaghandaan nang husto ang kanyang ginagampanang papel bilang si Aquano, sumailalim si Dingdong ng scuba diving lessons gayundin ng ibang bumubuo ng cast dahil maraming mga eksena ang underwater scenes. Bukod sa scuva diving, nag-aral din sila ng blade-fighting combat.
* * *
Simula sa araw na ito ay matutunghayan na ang ika-pitong season ng Now and Forever na pinamagatang Dangal mula pa rin sa pamamahala ni Mac Alejandre. Tampok na mga bituin dito sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa unang beses nilang pagtambal kasama sina Katya Santos, Ciara Sotto, Desiree del Valle, Mat Ranillo III, Melissa Mendez at Ms. Cherie Gil.

At gandang-ganda kami kay Melissa Mendez ng tanghaling ‘yon sa presscon ng Now and Forever. Halatang in love naman ang lola n‘yo.

Hindi ikinakaila ni Melissa na may inspirasyon siya ngayon, isang Irish Mexican-American na si Darin Wells, isang computer engineer na nagtatrabaho sa Molino Health Care sa Downey, California.

Si Darin ay in-introduce sa kanya ng isang common friend pero hindi pa sila nagkikita ng personal. Nag-uusap lamang sila sa pamamagitan ng internet at nagkikita sa pamamagitan ng web cam.

Nagsimulang mag-chat sina Melissa at Darin nung nakaraang June. Kung si Melissa ay may tatlong anak (Denise - 17, Cassie - 15 at Alexandra - 8) si Darin ay may isang ten-year-old son sa pagkabinata. Ang bata ay nasa Brazil kasama ang kanyang Brazilian mom at taun-taon ay dinadalaw ni Darin.

Kahit hindi pa nagkikita nang personal sina Melissa at Darin ay may unawaan na umano sila sa isa’t isa. Nag-signify na rin ang binata na balak siyang pakasalan. Katunayan, nakatakdang dumating ng Pilipinas si Darin sa buwan ng November para personal na makilala si Melissa at pamilya nito.

Ang aktor na si Raymond Keannu ang ama ng bunsong anak ni Melissa na si Alexandra. Si Raymond at bagong pamilya nito ay naka-base na sa L.A.

Nang mag-birthday kamakailan lang si Alex, hindi ito nakatanggap ng tawag mula sa kanyang ama kaya nalungkot ang bata. Sinubukang tawagan ni Melissa si Raymond pero hindi niya ito makontak kaya humingi siya ng tulong kay Darin na siyang kumontak kay Raymond.

Nagkausap ang dalawa at hindi nagtagal ay pinadalhan ni Raymond ang kanyang anak na si Alex ng isang portrait na gawa mismo ni Raymond. Inamin umano ni Raymond na medyo hard-up siya ngayon kaya hindi siya makapagpadala ng kahit ano kay Alex pero hindi raw ito nangangahulugan na nakalimutan na niya ang kanyang obligasyon sa kanyang anak.

Kung hindi man naging mapalad si Melissa sa kanyang mga nakarelasyon noon, umaasa siya ng panibagong pag-asa kay Darin na pursigidong gawin siyang Mrs. Darin Wells.
* * *
Isa na namang nakakatuwang-episode ang matutunghayan bukas (Martes) ng gabi sa Bahay Mo Ba ’To na dalawang taon na ring kinagigiliwan ng mga manonood.

Ang Bahay Mo Ba ’To ay tinatampukan nina Ronaldo Valdez, Tessie Tomas, Wendell Ramos, Gladys Reyes, Keempee de Leon, Sunshine Dizon, Francine Prieto, Sheriyln Reyes, Tiya Pusit, Dino Guevarra, Mike "Pekto" Nacua at iba pa mula sa direksyon ng veteran director na si Al Quinn.

vuukle comment

ALEX

BAHAY MO BA

DARIN

DINGDONG DANTES

MELISSA

MELISSA MENDEZ

NOW AND FOREVER

RAYMOND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with