^

PSN Showbiz

P50M, target ng MMFFP

-
Ang sarap pakinggan noong sinasabi nilang ang goal na gustong abutin ng Metro Manila Film Festival sa taong ito ay 50 milyong piso. Sa kabila ng katotohanan na taghirap ang buhay, at sa halos isang buong taon na lugmok ang industriya ng pelikulang Pilipino ay may mga taong taga-labas ng industriya ang umaasang kikita ang festival ng P50 M.

Pero liwanagin natin na kung kumita man ang festival ng limampung milyong piso, hindi naman lahat yan ay mapupunta sa mga beneficiaries ng festival. Una, masyadong marami nang naghahati sa kita ng festival kaya barya-barya na lang halos ang napupunta sa bawa’t isa.

Ikalawa, para kumita ng ganoon kalaki ang festival, magkano naman kaya ang kanilang gagastusin para mairaos ito? Yan ang isang bagay na matagal na naming tinatanong. Pagkatapos ng festival, sinasabi lamang nila kung magkano ang naiaabot nila sa mga beneficiaries, pero hindi nila kailanman sinabi sa publiko kung magkano ang gastos nila sa pagdaraos ng festival. Noon ang sinasabing kita lamang ng festival ay iyong mula nga sa taxes na ibinabalik sa kagandahang loob ng mga mayors sa Metro Manila. Ngayon may iba pa silang kita dahil napakaraming sponsors ng festival. Yan ba eh isinasali sa kuwenta?
* * *
Nanood kami ng concert ng Doobie Nights. Yan ay isang programa sa Jam 88.3 kung saan tumutugtog ang mga sikat na banda, ngayon ang mga paboritong banda sa programa ay gumawa ng isang album sa ilalim ng Galaxy Records na tinawag din nilang Doobie Nights.

Napakasaya noong launching concert nila. Hindi lang nagpapalakpakan ang mga taong nanonood, talagang lahat sila ay nagsasayawan pa sa harapan ng stage.

Kitang-kita din namin na nakapila ang mga taong bumibili ng CD. Palagay namin yang album na iyan, hindi aabutin ng isang buwan gold na agad.
* * *
Ang kapistahan ni Santo Padre Pio ay ipagdiriwang sa shrine sa Santo Tomas, Batangas sa susunod na Linggo, Oktubre 1. Magkakaroon ng prusisyon sa ganap na alas-4 ng hapon, at sa ganap na alas-6 ay magmimisa ang Obispo ng Infanta, si Bishop Rolando Tirona,OCD DD.

Pero ngayong Sabado, Setyembre 23, na siyang tunay na araw ni Padre Pio ay mayroon ding isang natatanging healing mass, 9NU-6NG.

Maaari ninyong isama ang inyong mga kaanak o kakilalang may sakit, upang sa pamamagitan ng panalangin at pamamagitan ni Santo Padre Pio sila ay magtamo ng kagalingan sa kanilang mga tiisin. — ED DE LEON

BISHOP ROLANDO TIRONA

DOOBIE NIGHTS

FESTIVAL

GALAXY RECORDS

METRO MANILA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

PADRE PIO

SANTO PADRE PIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with