Polo Ravales, minamaliit ng starlet!
September 22, 2006 | 12:00am
Walang duda, yong female starlet na naninira kay Polo Ravales ay naghahabol lamang ng publisidad.
Siguro naiisip niya, maaari siyang maging kontrobersiyal kung papatulan ni Polo ang tsismis na ginawa niya, at baka sumikat siya kung sakaling pati si Ara Mina ay sumagot sa mga sinasabi niya.
Bago natin pakinggan at paniwalaan ang mga ganyang tsismis, tingnan muna natin kung may saysay bang paniwalaan. Ipinagkakalat ng female starlet sa mga ibinigay niyang interviews na naka-one night stand daw niya si Polo Ravales, at may kakulangan daw ito.
Ang unang tanong namin ay ganito, ano ba ang tawag sa mga babaing nakikipag-one night stand sa isang lalaking ni hindi naman niya ka-relasyon talaga?
Ikalawang tanong, bakit niya nasabing may kakulangan si Polo pagdating sa sex? Siguro marami na siyang batayan sa sex. Baka marami na siyang naka-one night stand bukod kay Polo, dahil nakagawa siya ng comparison eh. Ano ngayon ang tawag sa babaing ganyan?
Dapat ba siyang patulan?
Hindi namin kilala ang starlet na yan, pero mukhang mali ang natutuhan niyang sistema sa paglikha ng publisidad. Sa halip na ang sabihin niya ay kung ano ang talent niya at kung bakit dapat siyang hangaan ng mga tao, ang ipinagkakalat niya ay isang hindi magandang bagay na kanyang ginawa. Hindi rin siya magandang halimbawa sa mga kabataan. Mayroon kayang matinong lalaking papatol sa kanya?
Madali namang gumawa ng publisidad eh, pero hindi sana sa ganyang paraan.
Nalungkot kami nang makita namin ang balita sa telebisyon na namatay na si Eddie Mercado. Si Eddie Mercado ay isa sa mga kinikilalang mahusay na television host noong aming panahon. Ang unang asawa niya ay kapatid ni Mila Ocampo tiyuhin siya ni Snooky.
Si Eddie Mercado ay tinatawag noong Frank Sinatra of the Philippines dahil kayang-kaya niya talaga ang mga kanta ng international singer.
Nagkasakit siya, tapos nabalitaan naming mas lumubha pa ang kanyang kalagayan dahil nabigyan yata siya ng maling medication. Hindi na masyadong naungkat yan kaya hindi rin maliwanag sa amin kung ano nga ba ang kinalabasan ng problemang yon.
Pero talagang nakakapanghinayang ang maaga niyang pagyao. Marami pa siyang mabibigyan ng kasiyahan kung nanatili sanang malakas ang kanyang katawan. Kung tama ang natatandaan namin, huli namin siyang napapanood bago siya nagkasakit sa programang Chairman of the Board, kung saan puro mga kanta ni Sinatra ang kinakanta niya at ng kanyang mga guests.
Ang sakit namang pakinggan ang sinasabi ng isang young male actor, na pinagbibigyan lang daw niya ang female star, at ang mga supporters noon na pilit na nagli-link sa kanilang dalawa. Kung sabihin pa raw ng young male actor, isang pakikisama lang talaga iyon.
Bakit naman kasi mukhang desperado ang female star na yan eh?
Siguro naiisip niya, maaari siyang maging kontrobersiyal kung papatulan ni Polo ang tsismis na ginawa niya, at baka sumikat siya kung sakaling pati si Ara Mina ay sumagot sa mga sinasabi niya.
Bago natin pakinggan at paniwalaan ang mga ganyang tsismis, tingnan muna natin kung may saysay bang paniwalaan. Ipinagkakalat ng female starlet sa mga ibinigay niyang interviews na naka-one night stand daw niya si Polo Ravales, at may kakulangan daw ito.
Ang unang tanong namin ay ganito, ano ba ang tawag sa mga babaing nakikipag-one night stand sa isang lalaking ni hindi naman niya ka-relasyon talaga?
Ikalawang tanong, bakit niya nasabing may kakulangan si Polo pagdating sa sex? Siguro marami na siyang batayan sa sex. Baka marami na siyang naka-one night stand bukod kay Polo, dahil nakagawa siya ng comparison eh. Ano ngayon ang tawag sa babaing ganyan?
Dapat ba siyang patulan?
Hindi namin kilala ang starlet na yan, pero mukhang mali ang natutuhan niyang sistema sa paglikha ng publisidad. Sa halip na ang sabihin niya ay kung ano ang talent niya at kung bakit dapat siyang hangaan ng mga tao, ang ipinagkakalat niya ay isang hindi magandang bagay na kanyang ginawa. Hindi rin siya magandang halimbawa sa mga kabataan. Mayroon kayang matinong lalaking papatol sa kanya?
Madali namang gumawa ng publisidad eh, pero hindi sana sa ganyang paraan.
Si Eddie Mercado ay tinatawag noong Frank Sinatra of the Philippines dahil kayang-kaya niya talaga ang mga kanta ng international singer.
Nagkasakit siya, tapos nabalitaan naming mas lumubha pa ang kanyang kalagayan dahil nabigyan yata siya ng maling medication. Hindi na masyadong naungkat yan kaya hindi rin maliwanag sa amin kung ano nga ba ang kinalabasan ng problemang yon.
Pero talagang nakakapanghinayang ang maaga niyang pagyao. Marami pa siyang mabibigyan ng kasiyahan kung nanatili sanang malakas ang kanyang katawan. Kung tama ang natatandaan namin, huli namin siyang napapanood bago siya nagkasakit sa programang Chairman of the Board, kung saan puro mga kanta ni Sinatra ang kinakanta niya at ng kanyang mga guests.
Bakit naman kasi mukhang desperado ang female star na yan eh?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended