^

PSN Showbiz

Baka ma-extend ang ‘Bituin...’ kahit nakunan na ang finale nito

-
Nag-react ang mga GMA-7 tungkol sa nasulat namin dito sa PSN kahapon regarding ratings ng Love Spell at Love to Love.

Say ng Siete ay hindi raw totoong single digit ang nakuha ng L2L, in fact tumaas daw at point six lang ang lamang ng LS ng Dos.

Katwiran namin sa aming kausap ay may sarili kasing sinusunod na rating sheet ang Siete na iba naman sa Dos pero at para sa kumpletong detalye ay, Mega Manila rating Love Spell-10.6% at ang Love to Love ay 10%; sa Metro Manila naman ay LS 11.3% at 8.3% naman ang L2L.

Matagal na naming napansin sa GMA na kung ano ang mas mataas nilang ratings between Metro at Mega ay yun ang ipina-paskel nila sa tabi ng elevator at canteen nila para makita ng buong staff.

Para sa ganun ay makitang maliit o konti lang ang lamang kapag natalo sila ng katapat na programa at kapag panalo naman ay pinapaskel nila ang mas mataas nilang ratings para masabing nilampaso nila ang kalaban.

Witness na kami sa pangyayaring ito dahil labas-pasok kami sa GMA compound before at ganito rin ang itini-text sa amin ng mismong empleyado ng Siete.

Sa Dos naman ay parang itinatago naman nila ang ratings sheet dahil kung hindi mo tatanungin ay hindi nila sasabihin, maliban na lang kung ire-request mo at a day after pa bago mo malaman ang resulta at ang katwiran nila, "Hindi na talaga namin sinasabi sa empleyado namin kung nanalo o talo kami sa ratings, kasi nakaka-apekto rin yun sa kanila, basta work na lang kami nang work, kung nanalo, very good, pag natalo, good pa rin," esplika ng executive na kausap namin.
* * *
First hearing kahapon sa sala ni Judge Ramon Cruz, Branch 223 ng Quezon City Regional Trial Court ng kasong Invasion of Privacy na isinampa ni Claudine Barretto laban sa editor in-chief ng Yes Magazine na si Ms. Joan Maglipon.

Matatandaang two years ago pa ang kasong ito at kahapon lang nag-hearing at ang asawa ng aktres na si Raymart Santiago ang umupo sa witness stand. Binanggit daw ng actor na nabastos siya sa nangyari dahil nailathala sa magasin ang bahay na ipinagawa niya para sa kanyang pamilya at kasalukuyang tinitirhan nila ngayon. Dahil dito, nawalan daw sila ng privacy bilang mag-asawa dahil nga nakita ang complete address ng bahay.

Ang susunod na hearing ay sa Nobyembre. Nagbulungan naman ang mga taong nasa loob ng korte at sinasabing public property daw ng mag-asawang Raymart at Claudine kaya puwede raw silang kunan ng litrato ng sinumang taga-media maliban na lang daw kung may nakapaskel silang sign na, "don’t take pictures."

Hindi naman nakasipot si Ms. Maglipon sa nasabing hearing kahapon at ang abogado lang niyang si Atty. Sandra Coronel.
* * *
Nakakapangilabot ang taping ng pagwawakas ng Bituing Walang Ningning na ginanap sa Araneta Coliseum last Tuesday night dahil saksi ang more than 15,000 katao kung sino talaga ang mas magaling sa dalawang diva, kung si Lavinia (Angelika dela Cruz) at Dorina (Sarah Geronimo).

Nang papunta kami sa nasabing venue ay inisip namin na konti lang ang tao dahil nga taping lang naman at hindi tipong concert style talaga, e, nagulat kami dahil tunay pala itong concert as in showdown.

Punumpuno ng iyakan sa ending at very touching ang pagkaka-buo ng pamilya ni Dorina at nang manumbalik siya bilang "avid fan" ni Lavinia dahil muli niyang sinabitan ng sampaguita ang idolo niyang si Lavinia habang kumakanta ito.

Mapapanood ang buong senaryo sa katapusan ng Setyembre, pero narinig namin na baka may extension pa dahil may mga eksenang idinagdag.

Samantala, nasa audience ang bigwigs ng ABS-CBN headed by Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Cory Vidanes, Ms. Linggit Tan, Deo Endrinal, Joanna Gomez at iba pang familiar faces. — Reggee Bonoan

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

DAHIL

KUNG

LANG

LAVINIA

LOVE SPELL

NAMAN

NILA

SIETE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with