^

PSN Showbiz

Tissue, ginawang rosaryo

-
Mag-iisang buwan nang nakakalipas nang makulong ang apat na Baywalk Bodies na sina Jeanette Joaquin, Luxx Laurel, Palmolive Palma at Clarisse Mercado sa Guam sa isang kaso na hanggang ngayon ay hindi pa malinaw sa kanila.

"Hanggang sa makauwi kami ay wala naman malinaw na kasong sinabi laban sa amin. Hindi naman kami blacklisted, kinansela lamang ang aming mga visa.

"Ipina-drug test kami, TB test pero negative namang lahat ang resulta. Di tulad ng maraming nakakulong dun na kundi wala ay expired ang mga working permit pero, kami legal ang mga papeles namin.

"Baka ang target nila ay yung may-ari ng club dahil sa lahat ng gabing nag-perform kami ay talagang punung-puno ang lugar niya. Yun namang pagtanggap ng tip ay hindi naman niya sinabing bawal. SOP naman yun sa lahat ng pinupuntahan namin," ani Jeanette na pilit na kinakalimutan ang naging bangungot nilang apat.

"Nineteen days kaming nakakulong dun at ang kinakain namin ay tinapay at tubig lamang, tinapay na walang palaman. Minsan may spaghetti o pasta at kahit sinasabi ko sa kanila na allergic ako rito ay wala ring nangyari.

"Everyday, binibigyan kami ng 45 minutes para magpahangin sa labas ng aming selda pero pagbalik namin ay kailangang i-full body check kami, pinatatanggal lahat ng suot namin, pati panty.

"Pati panty sa kanila dapat manggaling. Yung mga dala namin, iniwan lahat sa labas for safekeeping. Syempre, ang dami-dami nang gumamit nun kaya ako, dahil may monthly period ako nang dumating dun, I was provided with sanitary napkins. Kaya kahit wala na akong regla, di ko sinasabi sa kanila para yung ipinasusuot nilang panty sa amin ay pinapatungan ko ng pantyliner o sanitary napkin.

"Umagang-umaga, mga 5AM, ginigising na nila kami sa pamamagitan ng pagsigaw. Magsisimula na kaming maglinis. Ang lalaki ng walis dun, di mo mahawakan, di paris ng mga walis na ginagamit dito sa atin," dagdag pa ni Jeanette na umaming habang nakakulong ay panay pagdarasal ang ginawa nilang apat. Katunayan ay gumawa pa si Luxx ng rosaryo na mula sa tissue paper pero, pinagalitan sila nang makita ito ng mga gwardya nila dahilan sa government property daw ang tissue paper.

Malaki ang pasasalamat ng grupo sa tulong na ginagawa ngayon ng isang nagngangalang Doc Felix Cantal para pormal na makausap nila si PGMA at masabi rito ang naging problema nila. Willing din itong magpadala ng abogado sa Guam para paimbestigahan ang kaso ng Baywalk Bodies.

Kahit ang grupong Gabriela Silang ay nag-alok na rin ng suporta sa apat para kondenahin ang mga nagmaltrato sa kanila sa Guam. — Veronica R. Samio

BAYWALK BODIES

CLARISSE MERCADO

DOC FELIX CANTAL

GABRIELA SILANG

JEANETTE

JEANETTE JOAQUIN

KAMI

LUXX LAUREL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with