^

PSN Showbiz

Lotlot, masama ang loob kay Pilita Corrales

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Ngayong Lunes palang magti-taping si Dennis Trillo ng Season 7 ng Now & Forever (Dangal). Mahaba pa rin ang buhok niyang magre-report sa taping dahil sa September 24 pa siya puwedeng magpagupit. Sa Sept. 23 pa ang last taping ng Majika at tamang-tama ito sa simula ng shooting ng Mano Po 5 ng Regal at pagtatambalan nila ni Angel Locsin.

Kahit ‘di magka-loveteam, marami ang natuwa sa pagtatambal nina Dennis at Jennylyn Mercado sa Dangal. Wala pa man silang project, may thread na sila sa PEX na nagsimula nang mag-break sina Jennylyn at Mark Herras. Ang fans ang naghanap ng makakapareha ng singer-actress at naniwala silang bagay ang dalawa.

Sinimulan na rin ni Dennis ang recording ng kanyang 13-track album under Indi Music. Una nitong ni-record ang "Mangarap Lang" na composition nina Raul Mitra at Cacai Velasquez-Mitra. Siya rin ang gumawa ng drum track na una niyang ni-record bago ang vocals.
* * *
Sumama pala ang loob ni Lotlot de Leon sa dati niyang biyenang si Pilita Corrales dahil sa mga ipinahayag nito nang ma-interview ng press sa Philippine Idol. Nabanggit na naman kasi ni Ms. Pilita na inabandona niya ang apat na anak nila ni Monching at dahil doon, hindi na siya (si Lotlot) kilala ng mga anak.

Hindi rin makapaniwala si Lotlot na sasabihin ni Ms. Pilita na ‘pag tinatanong ang mga apo kung gustong matulog sa bahay ng ina, umaayaw. Imposible raw ito dahil ina siya ng mga bata at hindi niya ito pinabayaan. Maayos daw ang usapan nila ni Monching na sa poder muna nito ang mga bata noong sunud-sunod ang trabaho niya.

Hindi alam ni Lotlot kung bakit galit pa rin hanggang ngayon si Ms. Pilita na itinuring niyang parang tunay na ina noong nagsasama pa sila ni Monching. Pero, hindi nawala ang respeto niya rito at ‘di pa rin niya kayang sagutin.

"Wala akong ginagawa at sinasabing masama laban sa kanya kaya, ‘di ko alam kung bakit galit siya sa akin. Pasalamat lang ako dahil kahit galit siya, magkaibigan naman kami ni Monching at mahal ako ng mga anak ko," wika ni Lotlot.
* * *
Ang Indi Records nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang producer ng soundtrack ng Till I Met You at ang Universal Records ang magre-release nito. Tinanong namin si Annette Gozon-Abrogar sa set-up na ito gayong may GMA Records naman ang GMA.

Ang paliwanag ni Annette, usapan nila ni Regine na ito ang magpo-produce ng soundtrack at maghahanap ng distributor (ang Universal Records). May binanggit din itong minimum guarantee sa ganoong set-up dahil nangangapa pa raw ang GMA Records.

Ire-release ang soundtrack bago pa ang showing ng Till I Met You. Ang nadidinig pa lang ay ang version ni Regine ng original ni Kuh Ledesma at binigyan ng bagong areglo. Nasa album din ang "Nandito Ako", theme song ng Captain Barbell na kakantahin ni Robin at may songs din sina Janno Gibbs at Jay Durias ng Southborder plus ang "Mangarap" Lang ni Dennis Trillo.
* * *
May asawa na pala si Girlie Sevilla, ang magandang anak ng producer ng Violett Films. Nakatuluyan nito si Marky Lopez at balita namin, may isa na silang anak. Sa Encantadia nagkakilala ang dalawa hanggang magkaibigan.

Naalala namin ang tungkol dito nang mapanood si Marky sa Bakekang. Siya ang gumaganap na Paking, boyfriend at mapapangasawa ni Marta (Manilyn Reynes) na best friend ni Bakekang (Sunshine Dizon).

Maganda ang love story nina Girlie at Marky dahil sa Encantadia, hindi sila ang magka-loveteam pero, nagkatuluyan in real life.
* * *
Maghaharap sina Lady Amor (Elizabeth Oropesa) at Captain Barbell sa Captain Barbell this Monday. Gagawing shield ng huli ang kanyang kappa para ‘di tamaan ng amorzeco spuds. Gagawa rin ng whirlwind ang Pinoy super hero para higupin ang spuds na kumagat sa mga tao at magiging normal na ang lahat sa Marravelos.

CAPTAIN BARBELL

CENTER

DENNIS TRILLO

LOTLOT

MONCHING

MS. PILITA

TILL I MET YOU

UNIVERSAL RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with